Cursed: Six

1 1 0
                                    

"Colane..."


Bigla kaming napatigil nila Elli at Don sa paglalakad na marinig ito. Sabay-sabay pa kaming tatlo na nagtatakang napatingin sa isa't isa. Sunod na lang naming napansin ang paglabas ni Sasa mula sa Music Room. At tila parang tumigil ang paghinga ko nang makitang may kasunod sya sa paglabas na isang hindi pamilyar na lalaki.


"Sabay tayong umuwi mamaya ha? Alam mo namang gusto pa kitang makasama ng mas matagal at marami pa tayong dapat na pagkwentuhan," ngiti nito sa kanya.


Hindi sumagot si Sasa bagkus ay hinawakan nya ang dalawa nitong kamay. Sa unang pagkakataon ay nakita ko ang kanyang matamis na pagngiti dito habang diretso ang tingin sa mga mata nito.


Mahigpit akong napakuyom ng mga kamao at tahimik na napalipat-lipat ang tingin sa kanyang matamis na ngiti at sa magkahawak nilang mga kamay.


Tae!

Bakit napangiti sya ng walang kahirap-hirap ng nilalang na 'to?!


Pakiramdam ko ay parang naging isang lobo ang puso ko ngayon. May tumusok dito na isang matulis na bagay kaya ito biglang sumabog at nagkandapira-piraso.


Ang sakit ng puso ko!


Nanatili lang ako sa pagkakatayo at tinitignan ang dalawa sa harapan ko. Hindi ko pinapansin ang makahulugang tingin sa akin nina Elli at Don. Habang lumilipas ang mga segundong nakikita ko ang matamis na ngiti ni Sasa sa ibang lalaki ay iyon din ang pagkakapos ng hininga ko.


Hindi nagtagal ay sunod na rin lumabas ng pinto si Ate Des. Ilang beses muna syang kumurap bago unti-unting pinihit ang sariling leeg para lumingon sa amin.


"Oh? Andyan na pala kayo," pansin nya sa amin.

"Bakit? Namiss mo ko agad?" si Elli ang unang nagsalita at tinapik nya muna ang balikat ko bago nilapitan si Ate Des.


Binigyan pa ako ng isa pang tingin ni Don bago sumunod na rin kay Elli. May gusto silang sabihin sa akin pero mas minabuti na lang nilang huwag muna akong kausapin.


Habang ako naman ay nananatili pa rin ang pagtitig kina Sasa at sa kasama nya. Napansin ko pa nga kanina na bahagya pa syang natigilan nang marinig ang sinabi ni Ate Des. Tahimik akong naghihintay na lumingon sya sa akin at magpaliwanag pero wala syang ginawa at nanatili lang ang pagtitig sa kaharap. Samantalang ang kasama nya ang unti-unting napalingon sa direksyon ko.

"Hi! So..." sunod na pansin ni Elli sa kasama ni Sasa at pasimple pang tumingin muna sa akin. "... ikaw ang ipakikilala sa amin ng sweetheart ko?" ngiting balik agad na tingin dito.


Ngumiti at tumango lang ito sa kanya bilang pagtugon. Hindi pa rin nagkakahiwalay ang mga kamay nila ni Sasa.


Lalo tuloy humigpit ang pagkakakuyom ng mga kamao ko. Sunod na lang akong naglakad palapit sa kanila at diretso ang tingin ko kay Sasa.


Tae!

Bitaw na!


Cursed Lady (#BeginOne)Where stories live. Discover now