Cursed: Ten

1 1 0
                                    

Girls named me Charmer because they say that I'm so charming.

But now, I think that they were all wrong!


Ang charming na kagaya ko ay tinamaan sa kakaibang charm ni Arwind. Alam ko namang lahat kami dito ay straight pero hindi talaga namin maitatanggi nina Elli at Prince na nagagawa kaming pamulaan ng mukha dahil kay Arwind.


Hindi ko lang maintindihan kung bakit sadyang napaka-showy ng lokong Arwind na ito at nasobrahan pa sya sa pagiging malambing.


Sa sobrang lambing nya ay wala na syang pinipiling kasarian basta gusto nya ito kahit kaibigan lang. Kaya naman kayang-kaya nya ang humalik na lang basta-basta ng walang ibang kahulugan.


Naka-ilang nakaw na sya sa akin!


Isa pa at pamumukha ko talaga sa kanya kung ano talaga ang tama sa pagiging Charmer!

Tsk!


Nagtataka nga ako kung bakit hindi nya ito magawa sa babaeng gustong-gusto nya. Hindi ko rin maintindihan kung bakit hindi matamaan ng charm nya si Miss Saphire.


🎼"I'm almost alive and I need you to try... and save me! *sniff* It's ok that we're dying but I need to survive-- *sniff* tonight... tonight! *sniff sniff*" 🎵


Pareho kaming tatlo na biglang napabalik ng tingin kay Arwind. Kumanta na lang kasi sya basta-basta at lalo pang bumuhos ang kanyang mga luha.


"Kung ganyan ka sana kumanta kanina..." kunwa'y naiiritang sambit ko.


Hindi naman talaga ako naiinis at naawa talaga ako sa nakikitang itsura nya ngayon. Sinabi ko lang 'yun dahil sa pagbabasakaling baka makuha ko ang atensyon nya. Para na kasi syang batang ngumangawa.


"Haysh! Ikaw!" biglang duro naman sakin ni Elli.


At mukhang hindi nakuha ng baka na 'to ang gusto kong gawin!


"Alam mo na ngang may pinagdadaan ganyan ka pa!" naiinis na tuloy nya habang masama na naman ang tingin sa akin.


Pinang-ikutan ko na lang sya ng tingin at ibinalik na lang ang pansin sa umiiyak pa ring si Arwind.


"🎵Well excuse me while I get killed softly. Heart's slow down and I can hardly tell you I'm okay... At least 'till yesterday. You know, you got me off my highest guard. Believe me when I say it's hard. We'll get through this tonight. And I know, one day you and I will be free!" 🎶


Tuloy pa rin sya sa pagkanta at talagang nakakahawa ang sakit na nararamdaman nya ngayon. Maging kaming tatlo ay talagang nalulungkot na rin para sa kanya.


Gusto ko mang tanungin kung bakit sa lahat ng babaeng mapipili nya ay si Ms. Saphire pa ay hindi ko naman magawa dahil sa sitwasyon ngayon.


Hanggang ngayon pa rin kasi ay hindi nya pa rin nasasabi kung bakit at paano nya naging Bride si Ms. Saphire. Alam nyang matindi ang magiging kapalit kapag totoo ngang nagawa na nilang dalawa ang Promise of Thread.


"🎶To live and die by our own rules... free! *sniff* Despite the fact that men are fools..." 🎵


Ang masasabi ko lang tungkol sa kanya ay sya ang saktong kabaliktaran ni Elli the Baka pagdating sa mga babae. Kung para kay Elli ay lahat ng babae ay pwedeng nyang magustuhan at kayang-kayang pagsabay-sabayin. Si Arwind naman ay tanging si Ms. Saphire lang ang nakikita at laging hinahanap-hanap ng mga mata nya.


Hindi nya tuloy napapansin ang ibang nilalang sa paligid. Wala syang kamalay-malay na maraming nagkakagusto sa kanya. Hindi nya rin alam na sa tuwing naglalakad kaming lahat ng magkakasama ay sya talaga ang pinakanakakakuha ng atensyon ng lahat. Pag sinabi kong lahat ay pati mga kalalalakihan ay kasama.


Yup, ganyan kalakas ang appeal at charm nya. Hindi ko alam kung hindi nya lang napapansin ito sa sarili o sadyang wala talaga syang pakialam sa paligid. Hindi nya na nga rin alam na may taguri na rin sa kanya ang mga estudyante sa buong campus.


Campus Fall, 'yan ang tawag sa kanya ng lahat. Sya kasi 'yung tipong kahit wala pang ginagawa ay nahuhulog na agad sa kanya ang loob ng mga nilalang na nakapaligid sa kanya.


Kaya ngayon ay hindi namin maitatangging tatlo nina Elli at Prince na namumula kami sa tuwing may hindi inaasahan syang gagawin sa amin. Kagaya na lang ngayon na bigla na lang nanghahalik at may pa-mahal-mahal pang nalalaman.


"🎵I won't regret *sniff* I won't regret *sniff* I won't *sniff* regret *sniff* I won't *sniff sniff* regret!" 🎵🎶


Sige kanta pa kahit nag-uunahan na 'yang uhog at mga luha mo!

Teka, parte pa rin ba 'yan ng pagpapakita mo ng charm sa amin?!

Cursed Lady (#BeginOne)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon