02 - Arts and Crafts Revolution

47 6 13
                                    

First day of SHS Week.

Natanaw ko agad si Lianne sa may tapat ng gate sa school pagkarating ko. Pupuntahan ko sana siya nang may lumapit na lalaki sa kaniya, ito yung kaibigan ni Bren na photo journalist sa school publication. Hindi na ako tumuloy, dumiretso muna ako ng theatro. Sinilip ko lang kung anong ginagawa nila doon, nagsisumula na pala ang audition pero hindi na ako nagpakita sa kanila, agad din akong lumabas.

Nag-umpisa na ang parade, kanina ay kasama ko pa si Lianne. Nawili rin siya kakatingin sa mga booths kaya nagpaalam akong aalis muna pero mukhang hindi niya ako narinig. Ang sakit ng balakang ko pati banda sa tyan at puson ko kaya naisipan ko muna kumain. Feeling ko gutom lang 'to.

Pumunta ako ng Premiere Republic. Napabuntong hininga ako dahil hindi ko alam na birthday pala ni Ash noong nakaraang dalawang linggo, hindi ko siya nabati. Hindi rin ako nakakapunta dahil busy, madalas nagbabaon nalang ako ng food for lunch.


"Ash! Belated happy birthday!" bungad ko.

"Uy, Nayah. Thank you!" ngiti niya.

Pagka-upo ko, naalala ko 'yong sinabi ni Stella noong nakaraan, isa pang dahilan kung bakit hindi ako dito pumupunta noong nakaraang dalawang linggo. Gusto ako ni Ash? Pero paano? Bakit? Naisip ko baka nagseselos lang si Stella kasi close kami ni Ash. Gaya ko, kanila Lianne at Bren.



"Ngayon ka lang ulit pumunta, ah? Busy?" tanong niya, habang abala nag-lilinis ng table.

"Medyo, SHS week this week kaya nakaluwag sa sched," sagot ko ko, "pa-order ako ng–"


"Macaroni spaghetti and café mocha, coming!" he cutted me then umalis na siya. Napailing nalang ako. Gusto ko sana um-order ng french crepe pero hinayaan ko nalang since nasanay na siyang puro macaroni at mocha lang binibili ko dito.


"P're, isang caramel macchiato," iyon agad ang sinabi ng lalaking pumasok sa shop. Sinundan ko ng tingin si Ash habang papasok sa loob para ihanda ang orders, nabaling naman ang tingin ko sa lalaking naupo sa may gilid sa katabing table ko.


Napatingin rin siya sa akin, siya pala 'yong kaibigan ni Bren.


"Nayah Ingrid?" he asked. Nabigla ako at nagtaka kung bakit niya alam pangalan ko?

"Hmm. Sorry?"

"'Di ba ikaw yung friend ni Lianne?" Inayos niya ang buhok niya bago ngumiti sa akin. Tumango lang ako at binaling ang tingin sa counter.

"Sungit," rinig kong bulong niya.

"Hindi naman," sagot ko, trying to lighten the mood. Nabigla lang ako nang tawagin niya ang buong pangalan ko. I just hate being called on my second name.

"Ah, gan'yan lang personality mo?" he chuckled, teasing me.

"Wala kang pakialam," sarkastikong ngiti ko. Ano bang pakialam niya? Bakit ba niya ako kinakausap? At bakit ko ba hinahayaan sarili kong kausapin siya.


"Sungit sungit!" asar niya pa lalo bago tumawa ulit. Hindi ko na siya pinansin nang dumating na ang order namin, sabay pa. Hindi ko rin alam bakit biglang uminit ulo ko mula nang magsalita ang antipatikong nasa katabing table ko lang.

"Sorry, wala munang another plate, short e," bulong ni Ash na narinig naman ng nasa kabilang table.

"Uy, p're bakit ako walang libre? Hahaha." Luh, feeling close naman ang isang 'to.

Euphoria's Shadow Onde histórias criam vida. Descubra agora