11 - In the name of love

20 5 1
                                    

Last night did not end well.

After ng usapan namin ni Iesu tungkol kay Bryce ay nag-dinner na kami. Nagmadali rin siya dahil nga may dinner rin sila ni Stella as promised. Manonood pa sana kami ng movie, pero hindi na iyon natuloy since he had a promise to keep with Stella, we decided to watch the movie another time.

Nang makaalis na siya, I received a call from my mom's office, hindi ko kilala kung sino naka-usap ko pero pinapasabi raw ni mommy na hindi siya makakauwi tonight. Kasama niya si daddy, my foster dad. Tinawagan ko directly si mommy after I received that call, nabalitaan ko na kailangan raw operahan ni daddy as soon as possible dahil sa komplikasyon ng sakit nya. He was confined kagabi pa at ngayon ko lang nalaman.

God.

It has been many years since they broke up and decided to go their separate ways. But mom still loves dad so much. Walang babae si daddy, it was just a mistake before, but truly, time heals. It took a while, but at least they never severed their ties.

Umilaw ang phone ko, nag-message si Lianne. Pinapaalala ang birthday party ni Leigh mamaya. How I hope makapunta ako pero kailangan ko rin puntahan si Daddy before siya maoperahan.

I wanted to ask Iesu kung kamusta ang dinner date nila ni Stella kagabi pero nagdadalawang isip ako sa itatanong ko. I want someone to talk to pero mamaya isipin niya nagseselos na naman ako. Bakit ba naman kasi? Hindi nalang.

Tumawag ako kay Lianne pero in another call siya. Kaya I messaged her na hindi ako makakapunta dahil may aasikasuhin ako. Hindi naman matampuhin si Lianne. She'll surely understand.

Nagluto ako at kumain mag-isa. Hay, I am delusional right now, nakikita ko si Iesu kasabay ko kumain. Sinanay kasi ako no'n. I checked my phone, wala pa rin siyang reply. Usually, he messages me "good morning" at 7 AM, but not today. It's already 11 AM.

Nagbihis na ako at papunta na sa hospital. Pagsakay ko ng bus, ni-check ko ulit ang phone ko. Nag-message nalang ako ng good morning sa kaniya. Hindi ko alam bakit ko pa 'yon ginawa, knowing ilang minuto nalang afternoon na. As if magre-reply pa 'yon.

Minu-minuto kong tinitignan phone ko. Putangina. Huminga ako nang malalim at minura ko ang sarili sa isip. Naalala ko noong nakaraan paulit-ulit kong binasa ang text niya. I'm really doomed, nasanay ako sa ganoong set up. Ngayon, kapag nagbago ang lahat, masasaktan ako. Ang tanga lang hinayaan ko na gano'n ang mangyari.

Nang makarating ako sa hospital, naghintay pa ako sa waiting area para i-contact si mommy. She went outside to see me here.

I hugged her nang makita ko siya. She is wearing a face mask.

"Anong nangyari po?" agad kong tanong sa kaniya nang makabitaw.

"Dami nang sumasakit sa daddy mo. Naka-schedule na yung operation bukas ng umaga," sagot niya, bakas sa mukha ang halong pag-aalala at lungkot.

"Nasaan po siya?" I asked.

Tumungo kami sa room nito, nanlambot ang tuhod ko nang makita si Daddy. He looks so old and unhealthy. Lumapit ako at nagising siya. He throws me a beautiful smile at kasabay nito ang pagpatak ng kaniyang luha.

Agad ko siyang niyakap nang marinig ang unang salitang nasambit niya, "Dalaga na ang anak ko."

"I missed you, Dad."

"I missed you, my baby girl."

Nabasa ng luha ko ang damit niya, nag-iyakan kaming dalawa na parang mga bata. I missed his hugs. I miss dad so much.

Kahit naman nasaktan niya ako once, hindi ko pa rin malilimutan na mahal niya ako bilang tunay na anak. I am actually spoiled daughter before. Hindi nga lang ako naging mabuting anak sa kanila noon dahil napaka pasaway ko talaga. Bagay na pinagsisihan ko naman na.

Euphoria's Shadow Where stories live. Discover now