06 - Prince without a princess

34 6 4
                                    

What the fuck?

Pag-uwi ko sa bahay agad kong binuklat ang journal ko para i-check sana ang to do list ko kaso pagbuklat ko ay agad ko rin itong isinara. Puro pangalan ni Iesu ang nakasulat. Namamalik mata ba ako? Binuklat ko itong muli. Peste! Nandoon pa rin ang pangalan niya nakasulat.

"Nililigawan ka ba ni Iesu?"

Syet, nakita ni Lianne 'to kaya niya ako tinanong kung nililigawan ako ni Iesu?! Ito 'yong sinulat ko last time! Hindi kasi ako makapag-isip nang matino, puro siya ang laman. Isiniksik ko ang sarili ko sa sulok ng kwarto sa pagitan ng pinto. Nahihiya ako. Sana 'wag ako tuksuhin ni Lianne tungkol doon kasi baka isipin ni Bren iba gusto ko. Pero naisip ko na okay rin pala 'no? At least hindi nila mahahalata na si Bren ang type ko.

Kinabukasan maaga akong pumasok para sana dumaan sa coffee shop nila Ash kaso noong nakita kong nakatambay doon si Iesu ay hindi na ako tumuloy.

"Uy, Nayah. Pinapatawag lahat ng officers sa audi mamaya raw 10 AM, may conflict ata," paalala sa akin ng president namin nang makapasok ako sa loob ng classroom. Tumango lang ako at nilapag ang bag ko.

Wala pa si Lianne. Malamang ay sabay sila ni Leigh, hindi ko rin alam if sila na ba or what, hindi naman kami madalas magkasama ni Lianne kapag break. Isa pa, madalang ko makita si Leigh. Kung may mga pagkakataon man ay pupunta siya dito sa room para dalhan ng food si Lianne.

"Hoy! Tulala ka d'yan! Ayos ka lang?" boses mula sa likod ko.

Narito na si Lianne, ang perfect na babae sa mundo ko. Para siyang prinsesa. Tulad sa katangian ng isang prinsesa, siya ay maganda at matalino. S'yempre hindi mawawala sa isang prinsesa ang kaniyang prinsipe. Napangiti nalang ako sa naiisip.

I hate it. I find myself wishing that I could be her. I know it's wrong, but I can't help but feel envious of her. She has everything that I don't - beauty, charm, and grace.

Tinitigan niya rin ako gaya ng pagtulala ko sa kawalan. Tumawa lang ako at umiling.

"Kumain ka na?" tanong niya. Hindi pa man ako nakakasagot at itinapat niya na sa akin ang dala niyang isang box ng doughnuts.

"Share tayo," ngiti niyang sabi at nilapag ang box sa ibabaw ng desk ko.

"Thanks! Kahit 'di mo sabihin, kukuha ako," biro kong wika bago kumuha ng isang doughnut.

"Ay sus! Pero minsan naman ayaw mo? Ano ba mga ayaw mong food?" tanong niya.

"Ay nako, beshy! Marami. Hindi naman sa ayaw, kumakain naman pero if may choices hindi ko pipiliin 'yon. Gaya ng kare-kare–"

"Hala! Same!" tumawa siya, "hindi rin ako mahilig sa tinola," dagdag ko ko. Nagulat siya kasi pareho naming hindi gusto 'yon. Although siya raw ay kumakain minsan pero ako ay hindi talaga.

"Uhm, okra. Ehh!" nai-imagine ko tuloy yung lagkit no'n. Tumawa kami pareho at nakipag-apir pa siya na para bang nagkakasundo kami sa mga sinasabi ko.

"And lastly, ayaw ko ng bagoong at alamang. Never ever. Nakatikim ako pero eh!" pag-amin ko pa.

"What? E, anong sawsawan mo ng mangga!?" tanong niya.

"Asin malamang! Kung wala, e'di  wala!" sagot ko. Kumunot noo niya bago kumuha muli ng doughnut sa box.

"Nako, nako! You missed to eat good food on your childhood siguro? Hahahaha! Ang sarap kaya no'n!" baling niya sa akin bago isubo ang malaking kagat sa doughnut.

Natawa ako bigla sa naalala na siya namang pinagtaka niya. Naalala ko kasi na nag-message ako kay Leigh gamit ang account niya saying, "Kumain ka na ba?" ang laki ng impact no'n kung ano mayroon sila ngayon. It works! That's Nayah's magic.

Euphoria's Shadow Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon