LME 76

1.5K 44 27
                                    

Nang makita ko si Viktor na papalapit na sa akin ay agad akong tumingin kay Astro. Astro was there when I needed one. Kahit ilang beses ko na siyang huwag na akong ligawan ay iyon pa rin ang ginagawa niya.

Ngumiti ako kay Astro at ngumiti rin naman siya sa akin. Akala ko nga hindi niya ako sasamahan dahil bigla ko siyang niyaya dito sa Enrico's. Ang totoo niyan ay gusto ko na kalimutan si Viktor, pero paano? Alam ko namang mahihirapan ako.

"Kiss me," I said.

"Huh?" nagtatakang tanong ni Astro sa akin.

Dahil wala na akong oras ay ako na ang humalik sa kanya. Wala na akong pake kung anong interpretasyon niya sa ginawa ko. Ang importante lang naman sa akin ngayon ay ang makita ni Viktor na may kahalikan na akong iba para tumigil na siya.

Kita ko na gulat na gulat si Astro sa ginawa ko pero humalik naman siya sa akin pabalik. Yan. yan ang gawin mo para tigilan na ako ni Viktor.

Narinig ko ang boses ni Viktor na galit na galit. Napapikit na lang ako sa takot. Sorry Vik, kailangan kitang saktan para hindi na ako mamroblempa pa.

"What the hell are you doing with her?! You-" hindi na niya tinuloy pa ang sinabi niya dahil pinigilan ko siya.

"Vik, what are you doing? Bakit ka nandito?" I smiled but my eyes are sad as fuck.

"Seriously? Ikaw pa ang may ganang magtanong niyan? Ikaw, ikaw anong ginagawa mo dito?!" inis na sagot niya sa akin.

"Hmm, I'm with Astro.. My boyfriend," my voice was nowhere to be found when I said those words.

"Boyfriend? Really? Ano bang gusto mong mangyari ha?!" galit na sagot niya sa akin.

"Hey, don't talk to her like that. Sinagot na niya ang tanong mo hindi ba? Andito siya kasama ako.. Ang boyfriend niya," sagot naman ni Astro.

"You call yourself her boyfriend? Pero hinahayaan mong uminom siya sa ganitong klaseng bar? What kind of boyfriend are you?!" sigaw pa niya.

I just want this to stop. Pagod na ako sa lahat.  Nagsisisi ako na bumalik pa ako rito. Sana hindi na lang, sana hindi na lang ako naging marupok ulit sa kanya. Ewan ko ba sa sarili ko, bakit gusto ko laging masaktan? Carilley, ganun ka na ba katanga?

"Kasama naman niya ako so babantayan ko siya hanggang sa umuwi kaming dalawa. Ikaw, umuwi ka na. Kung sino ka man, umuwi ka na dahil hindi ka naman kasali rito," sagot ni Astro.

"What? Ikaw ang hindi-" tumigil ulit siya sa pagsasalita dahil tumingin kami sa isa't isa.

I saw sadness. Coldness in his eyes that are looking at me right now. Parang anytime ngayon, sasabog na lang siya basta. Iyon siguro ang Viktor na kahit kailan ay ayaw kong makita. 

"Do you want us to be like this, huh?" tanong niya ulit sa akin, wala siyang pake kay Astro at sa mga sinasabi nito. Sa akin lang siya nakatingin, galit na galit.

"Vik, umuwi ka na. Pag-usapan natin 'to sa ibang araw. Please?" pagmamakaawa ko sa kanya.

"Paano kung ngayon ko na lang gustong pag-usapan 'to? Anong gagawin mo?" 

Hindi ko na siya nasagot dahil umiling na lang siya at umalis sa harapan ko. Nakita ko na lang ang sarili ko na niyayakap ni Astro. Hindi ako yumakap pabalik. Naiyak na lang ako dahil sa nangyari.

Need Me, Engineer (TES #2) CompletedTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon