NME 118

1.4K 34 45
                                    

Nakita kong naka-ngiti si Viktor nang sunduin niya ko. Walang lumabas na salita sa aming dalawa noon habang nagda-drive siya.

Pagpasok ko sa loob ng bahay nila ay umupo na agad ako sa sofa. Kumuha naman siya ng pagkain sa refrigerator.

"A-anong pag-uusapan natin, Vik? I swear, this is the last time-" hindi ko na natapos ang sasabihin ko dahil sumagot na siya sa akin.

"Wala na kami ni Harley Maie, Carilley."

Nagulat ako nang marinig ko 'yon. Ako kaya ang dahilan kung bakit wala na sila?

"Don't be that silent, alam ko kung ano ang iniisip mo. Hindi ikaw ang dahilan, Carilley," sabi niya sabay umupo siya sa tabi ko.

"Then why? I mean.. Bakit kayo naghiwalay?" I asked him.

"Di na siya masaya, hindi na rin ako masaya. Kapag ganun, alis na."

"Really? Are you sure na hindi dahil sakin kaya ka hiniwalayan ni Harley Maie?" paglilinaw ko sa kanya.

"Hindi talaga ikaw ang dahilan. Okay? May nakilala daw siyang iba, e. Nagtaka pa nga siya na hindi man lang ako nagalit sa kanya," sagot ni Viktor sakin.

Grabe. Na sa kanya na si Viktor, nakahanap pa siya ng iba? Hay.

"So, yun lang ba talaga ang pag-uusapan natin?" tanong ko.

"Bakit? Aalis ka na naman, no? Hindi mo na naman ba pakikinggan ang gusto kong sabihin sayo?"

"Okay. Chill lang, makikinig naman ako eh. Ano ba yon?" sabi ko.

"Alam mong mahal kita. Mahal mo rin ako, bakit di natin subukan ang-" hindi ko na siya pinatapos dahil nagsalita agad ako.

"Stop it, kaka-break mo lang. Lalandi ka agad?"

"I was single back then. Hindi ko naman ramdam na masaya ako kay Harley Maie, Carilley. Hindi ko lang siya magawang iwan dahil alam kong iisipin mo na naman na ikaw ang dahilan noon," sabi niya habang kumuha ng pagkain doon sa table na nasa harap namin.

"Paano sila? Paano ang sasabihin ng iba kapag nalaman nila na nililigawan mo ko?" takot na tanong ko sa kanya.

"Yan ang ayaw ko sayo. You always do that. Iniisip mo lagi ang iba kahit na isakripisyo mo na ang kasiyahan mo. Hanggang kailan mo gagawin 'yan, Carilley?"

Hanggang kailan nga ba?

"Mahal din kita Viktor pero-"

"Shit, anong sinabi mo? Paki-ulit nga," nakita ko ang ngiti sa labi niya.

"Mahal kita pero-"

"Kapag mahal mo ang isang tao, walang pero Carilley. Please, just give it a shot. Liligawan kita. I'll do everything for you," nakangiti niyang sabi.

"Habang ginagawa mo 'yon, pwede bang wala munang makaalam? Sabihin na lang natin kapag tayo na. Please?" hiling ko.

"Pero bakit? Ayaw mo ba na isigaw na ako ang manliligaw mo?" malungkot niyang tanong sakin.

"Hindi naman. It's just, ayaw ko lang paasahin ang sarili ko sa wala Viktor. Baka kapag nalaman nila tapos hindi naman naging tayo edi nakakahiya di ba?" sabi ko pa.

"Bakit? May balak ka bang hindi ako sagutin?" nakangiti siya nang maloko noong sinabi niya 'yon kaya tiningnan ko siyang masama.

Nakita ko na lang ang mga sarili namin na nagtatawanan. Nanuod kaming Netflix pagkatapos ng usapan na 'yon.

Need Me, Engineer (TES #2) CompletedTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon