Chapter 16: Meeting

146 4 0
                                    

MATAPOS ang ilang oras ay mabilis din na muling dumating sila Faun.

Halatang nabibigla pa sila Narie sa mga nangyayari dahil nakatulala lang sila sa amin.

Seryoso kaming nakaupo lahat at mag kakaharap habang nasa lamesa.

Tahimik lamang kami habang naririnig ang pag titipa ni Huesc sa kaniyang  dalang laptop.

"Meeting pa ba 'to?" Tanong ni Janiela habang bahagyang naka-taas ang kaniyang dalawang kamay.

Bahagya siyang tinabig ni Narie habang tinitignan ng masama.

"Akala niyo ba nag lalaro lang tayo rito?" Gatong na tanong ni Faun habang hindi pa rin umaalis ang tingin sa akin.

I smirked. Huesc stop using his laptop and let out a heavy sigh.

"Are you done?" I asked.

"Fine. Nakalimutan ko." Lumipat sa kaniya ang aking tingin.

Isinira niya ang laptop at ipinatong ang kaniyang dalawang kamay sa mesa.

"Let's start." Wika ni Huesc.

"So basically last day, may pumunta sa office ni Mr. Chonel. How did I know? I put some camera's around in his office so kitang-kita ko rin kung ano iyong mga nakakatawang itsura ninyo nang dumating sila Narie. "

Tinignan siya ng masama ni
Faun na parang wala lang para sa kaniya.

"Wait, how about our dinner tonight?" Pag singit ni Narie.

"I'm going to give you Five  f*cking minutes, Huesc." Malamig kong wika. Na ubos na rin kasi ni Huesc ang inihandang mer'yenda ni Narie.

Hindi ako natutuwa sa nangyayari, bakit?

Una sa lahat, walang eksaktong binigay na data si Mr. Chonel.

Pangalawa, pinagmamadali niya kami sa mga gagawin namin.

Pangatlo, may kasama kaming dalawang babae na wala pang ka-ide-ideya sa mga gagawin.

Pang-apat, wala rito sa bahay ang mga nagawa ni Huesc at kung didiretso kami sa HQ  baka lalo lang kaming mapalayo sa kung saan man ang mission.

Mabilis na inilabas ni Huesc ang kaniyang telepono at walang pang limang minuto ay ibinalik na niya muli ito sa kaniyang bulsa.

"Back to the topic. Pinag-mamadali kayo ni Mr. Chonel kasi buhay din ng tao ang nakasalalay dito." Wika niya.

"Don't tell me, anak na naman itong ililigtas..." iritadong sabi ni Faun.

"Exactly. Babae ito, sumama siya sa ex-boyfriend niya noon, without knowing na itong ex-boyfriend niya ang kumakalaban sa daddy niya na si Mr. Chaz. " Sumiryoso na ang mukha ni Huesc habang nag papaliwanag sa amin.

"Mr. Chonel, have his own plan pero nabago ito nang malaman na palpak si Vilnius. Imbis na makuha ni Vilnius ang babae, napatakas niya pa ito dahil akala niya bata ang hostage."

"Wait, what the f*ck?! Hostage?!" Kunot-noong tanong ni Faun kay Huesc.

Pansin ko na madalas sumulyap sa akin ang dalawang babae dahil tahimik ako at tila nakikinig lang.

"Yes. Hostage. Syempre dahil gwapo ako katulad niyo nang makita ko kung ano ang nangyayari sa opisina ni Mr. Chonel agad kong hinanap kung nasaan ang anak ni Mr. Chaz. At sa kabutihang pasmadong palad ni Faun napakalapit lang nila sa HQ. "

Tamad na lumipat ang tingin ko kay Faun ng mag salita siya.

"Na track mo ba kung nasaan ang exact location?"

The AgentWhere stories live. Discover now