Chapter 17: Move

132 1 0
                                    

MAAGANG namulat ang aking buong katawan.

Nasanay na ako na kapag may oras akong na isip na oras ng aking pag gising ay kusa at agarang babangon ang aking katawan pag kakatulog kahit pa ramdam ko ang antok.

Kunot noo akong bumangon at nag tungo sa banyo.

Tumulala ako sa salamin ng ilang minuto bago ako kumilos at nag sepilyo.

Matapos no'n ay lumabas na rin ako agad sa kwarto at nag tungo sa sala.

Walang tao doon ngunit may nakalapag na telepono sa center table sa tabi no'n ay ang kulay itim na wristwatch na kulay lila ang mga numero at mayroong iilang mga buton na nakapalibot dito. 

Napatingin din ako sa may pintuan at sumalubong sa akin ang mapusyaw na kulay asul na kapaligiran.

Sinuklay ko ang aking buhok gamit ang aking mga daliri habang ako ay nag tutungo sa kusina.

Wala na namang tao ang sumalubong sa akin.

Mabilis akong kumuha ng baso at iilang yelo na nakalagay sa refrigerator at saka nag timpla ng iced coffee.

Napansin ko na nakabukas ang ilaw sa banyo rito malapit sa kusina dahil sumisilip ito sa kaunting awang sa ibaba ng pintuan.

I know someone is there. I put down the spoon in the table.

Dahan-dahan akong bumalik at tinignan kung nakabukas na ba ang kwarto ni Narie ngunit ang kay Faun lamang ang nadatnan kong bukas.

Lihim akong napangiti.

I have a plan.  I need to tease the boy behind that door in the comfort room.

Disente akong umupo kung saan madalas na nakaupo si Faun.

Kinuha ko ang cellphone ko na ipinatong ko lang din sa mesa kanina.

Mabilis kong pinindot ang play button ng kanta na natagpuan ko.

This is just sound effects na nasa cellphone ko. Nag lagay ako nito in case na may gusto akong pag trip-an o 'di kaya ay gusto ko lang takutin si Faun pero nalaman na niya ang bisyo kong ito.

Lalo akong nakaramdam ng tuwa nang maalala ko kung ano ang tinawag sa akin ni Huesc kahapon.

Kalsada...

Itinigil ko muna ang tugtog dahil mahina.

Napa-angat ang tingin ko sa mga kisame at nadako ang tingin ko sa mga maliit ni speaker na nakakabit sa buong bahay.

Iilan lang iyon.

Isa sa bawat kwarto, sa C.R., sa Sala at dito sa kusina.

Agad kong binuksan ang Bluetooth ng aking cellphone at kinuha ang remote ng mga speaker's sa kwarto ko.

Matagal maligo si Huesc, at sigurado akong kakapasok niya pa lang sa banyo.

Nakabukas pa kasi ang cellphone niya at hindi pa namamatay.

Naka off ang speaker sa mga kwarto at tanging sa C.R lamang ang binuksan ko.

Walang nakaka-alam na mayroong speaker sa buong bahay, tanging ako lang.

Sinugurado kong hindi nakalagay ang mga iyon sa mabilis mapansin ng mata, talagang tagong-tago.

Mabilis kong nilagok ang tinimpla kong Iced coffee matapos mag play ng sound effect.

Hindi ko na tinignan kung natatakot na ba si Huesc o nahihimatay na siya sa loob ng C.R na alam ko namang hindi mangyayari.

Nag umpisa na akong mag luto ng almusal na hindi ko namang kadalasang ginagawa.

The AgentTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon