Chapter 6

21 1 0
                                    

Pagkatapos naming uminom sa bahay halos alas na kami tres na kami ng umaga natapos, nagliligpit ako ng mga kalat at pagkatapos non humiga ako saglit sa roof deck at tumingala sa langit habang iniisip ang mga nangyari samin kanina at naisip ko din ang Christmas na mag kasama kami ni Josh. Siguro tulog na ako ngayon kung kami pa kasi pumupunta ako sa bahay nila every 25 nang umaga.


" Ikaw parin ba Josh? o si Quirroh na? " pagtatanong ko na para bang ay kausap ako " Naka move-on na ba ko nito? o Nalilito lang? Gusto ko na maging masaya pero pano, kung pati sya masaya na sa Girlfriend nya? Hindi ko na ipipilit ang sarili ko sa kanya. Siguro hindi naman matutupad ang wish ko kasi hindi naman ako nakapag wish nung mga unang araw ng simbang gabi."  sabi ko sa sarili ko.


Lumipas ang mga araw at Christmas party na mamaya sa Simbahan at wala pa akong regalo kay Quirroh hindi ko naman kasi alam kung ano ang ireregalo ko kasi Girlfriend ya naman yung sinulat nyang wishlist at isa pa nakuha naman ya.

"Vienna, ano kaya ang ireregalo ko sa 'Manito' ko? wala kasi syang wishlist " tanong ko sa kanya. Namimili kami ngayon nang ireregalo.

"Bilhan mo nalang ng pabango o kaya damit" aniya

Right! Siguro pabango nalang. I bought him perfume, sa mall pa ako naka bili kasi ayaw ko namang bigyan sya ng chipipay na pabango. Isa ito sa mamahaling pabango dahil isa ito sa mga Limited Edition na pabango buti nalang may ka kilala si Daddy dito kaya tinawagan ko sya kanina para makapag-reserve ako.

Iniwan ko sila sa isang fast food chain kanina para kunin ang binili kong perfume. Nakauwi kami around 5pm kaya nag pahinga muna ako bago naligo at nag bihis.

" Wow! You're so adorable dear! " bungad ni mommy pagkababa ko.

" Thanks mom. " sagot ko


" Wait, last one touch " sabi nya saka pumunta sa taas.

 

I wore my cute sunflower dress kasi Bohemian yung theme nung party at naka heels na 3 inches. I put make up medyo light lang sya since gusto ko parang simple lang ang look ko ngayon.

" Here " sabi ni mommy na may dalang box. " Let me put this on " sabi nya sabay kuha nung necklace sa box it was a beautiful necklace na may cute small white flower na pendant at hindi sya gaanong mahaba nasa level ng Colar bone ko.

" Wow, this is so cute mom " sabi ko

" This is for you I bought it nung pumunta kami ng Daddy mo sa Italy, this is my Christmas gift for you medyo late nga lang kasi nakalimutan ko na. But this cute dress of yours reminds me of this necklace " mahabang sabi nya. Nginitian ko lang sya saka ako nagpaalam na aalis na ako.

Sakto naman na pagkalabas ko nang bahay nandoon na ang kambal. They look so cute together kasi pareho sila ng design ng kanilang floral dress pero magkaiba ang color. Si Vienna naka  Light Pink na dress at naka heels ganon din kay Vionna pero White yung sa kanya. They look so beautiful also because of their glittery make up.  They glow.

"Lets go?" sabi ko sa kanila na nakangiti.

" You look so beautiful tonight babe! Mas lalo kang gumaganda kasi parang good mood ka. " sabi ni Vionna

" You too guys. You look so nice too " sabi ko with a smile

Nang makadating na kami sa likod ng Church kasi doon ang venue halos lahat ng mga tao doon saamin naka tingin kaya medyo nahiya ako ng konti.     Konti lang.

" Wowww!!! Ang ganda mo ngayon babe! I like your make up its so simple but you look so elegant! " bungad ni Briscia. She wear a dress too and she's also beautiful medyo makapal ng make up nya pero bagay sa kanya.

A Wish  (Wishing Series 1)Where stories live. Discover now