Chapter 1 Heidi Jean

110K 1.3K 134
                                    

"Oh my gosh! Bakla, look si Mr Right! OMG makalaglag ovary." Pabulong na wika ng classmate niyang si Carlo at ininguso ang lalaking kakapasok pa lang sa cafeteria.

Sinundan niya ng tingin ang tinutukoy nito. Palihim siyang napangiti ng makita ang tinutukoy ng kaibigan. The guy named Kevin Guevarra a senior  high school student. Badminton player, Mr. Intrams last year and to break the record, a valedictorian. Saan ka pa?

"We know naman na type mo yan, gaga. Jusko idagdag sa collection mong mga lalaki. Di pa ba puno ng listahan yang notebook mo ng naka fling mo?" Sabi ni Betty sa kanya.

"Yup, every time you see him it's like you're undressing him. Right bakla?" Tanong naman ni Winnie na ang mata ay na kay Carlo.

"Left bakla." Pambabara ni Carlo. Umirap na lang si Heidi sa dalawa.

"Shut up. I'm just interested to him. He's an achievement if I get him." She was staring at him na nasa counter na siya ng cafeteria. Abala ang lalaki sa pagpili ng pagkain. He's very serious the way he talk. And she was challenged to get him. May kasama itong isa pang lalaki.

"Kilala ka ng lahat Heidi. Tanga o alien ang hindi nakakakilala sayo dito. For sure kilala ka ni Kevin takot lang lumapit sayo." Sabi ni Winnie tapos pinagpatuloy ang pagsubo ng miryenda niya.

Well, She's right. Sino nga ba siya?

She is Heidi Jean Park Castillo. Half Korean half Filipino. A daughter of Mr. Albert Castillo and Mrs. Shin Park. The Park-Castillo were one of the richest families. Her parents owned gasoline station in their province. Ang daddy niya ay may business din sa Maynila na balak ipahandle sa kuya niya balang araw. May malawak din silang lupain na tinataniman ng iba't-ibang crops.

Bukod pa doon, ang parents niya ay ay kilala sa St. Ignacius College. Every year ay nagdodonate sila sa nasabing eskwelahan. Kaya nga ilag sa kanya ang mga teachers nila.

Ang nasabing unibersidad ay may high school at college department. She's now in grade 9. Magkahiwalay naman ang high school at college kaya nagtataka siya kung bakit marami pa rin ang pumopormang college student sa kanya. Marami na siyang nakarelasyon na ahead sa kanya. Marami rin ang nagpapakita ng motibo sa kanya na college student pero di niya pinapatulan. Ayaw niya ang masyadong matanda sa kanya.

"Okay let's have a bet." Alok ni Betty na nagbalik sa realidad niya.

"What kind of deal?" She asked.

"Kailangan mapa sa iyo si Kevin bago mag-valentine's day." Betty said.

"Bakla ka! Di kapa nagsasawa sa mga deal na yan lagi tayong talo kay Heidi. You know naman na kinahuhumalingan lahat ng boys itong gagang ito." Sabi ni Carlo.

"Bakla, just try. Tignan natin kung mapapasaiyo si Kevin, very studious yang tao na yan. May plano sa buhay. Sa pagkakaalam ko walang balak magkagirlfriend hangga't hindi nakakagraduate. For sure matatalo ka this time." Sabi ni Betty sabay subo sa carbonara.

"Iniinsulto mo ba ako?" Ang mga mata niyang may pagkasingkit na'y lalo pang naningkit. Ayaw na ayaw pa naman niyang hinahamon siya. She is not a loser..never in her entire life. Kaya ang sabihing matatalo siya ngayon ay di niya matanggap.

"Okay, libre mo kami ng miryenda, lunch, parlor, spa and trip to Bora."

"Wow ang dami..sige call ako diyan. I want Bora!" Sabi ni Carlo sa sinabi ni Betty.

"Sisiw. Yun lang ba?"

"Whoaahh! Well, we know you're a rich kid. In fact you live like a princess with sungay. But please, wag si Kevin." Awat ni Winnie.

Aba't talagang...prinsesang may sungay?!

"Don't mind her girl, ano deal?" Sabad ni Betty.

"What if I won?" Parang sigurado ito na siya ang mananalo sa pustahan. Wala pa kasing tumanggi sa kanya. Lahat pinapangarap siyang maging girlfriend.

My Spoiled Brat Wife (Editing)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon