Chapter 2 The Spoiled Brat

66.3K 1.1K 123
                                    

"Explain miss." Mahinahong bungad ni Ms. Fernandez. Nasa faculty sila ngayon at nakatingin sa kanila ang ibang teachers. Kung sa ibang tao lang ang nandoon ay baka lumubog na siya sa kahihiyan.

But no. She's a Castillo. Her surname says it all. She crossed her arms. Sumandal sa upuan at sumagot din ng malumanay.

"I'm sorry ma'am. Next time po sisiguraduhin ko ng pangalan ko ang isusulat ko. My bad." Namula ang guro sa sagot niya. Alam niyang galit ito pero takot lang niyang patulan siya.

"W-what? Are you insane Miss. Castillo?" Di makapaniwalang turan niya.

Huminga siya ng malalim saka humarap sa guro. "I'm sorry ma'am. Hindi na po mauulit." Halos mapairap siya. Ghad! Never siyang nagpabebe ng ganoon. Kung hindi lang kailangan.

"I will not tolerate this kind of actions. Last time you slept in my class."

"E paano nakakaantok ka. History pa naman ang subject mo kaya napakaboring." Bulong niya.

"What?" Tumikhim siya.

"Sorry ma'am. Masakit po talaga ulo ko no'n." Dahilan niya.

"How about cutting classes?" She cursed silently. Ang arte naman. Ang daming tanong. Ngumisi na lang siya.

"As I've said you need to pay for the consequences. You have to be punish." Napaawang ang bibig niya.

What the hell she's talking about?

"Wala akong pakialam kung anak ka ni Sir Robert. But you need to pay for this."

"W-what?"

"You will clean the library for two weeks."

"O.M.G?! Library?! Seryoso ma'am? Sa lahat ng lugar library talaga?" Ni minsan hindi pa siya pumasok ng library. Nagpapatawa ba ang teacher niyang pinaglihi sa ampalaya?

"You don't have a choice. You can go now." Umirap siya saka kinuha ang bag. Pinagtitinginan pa siya ng ibang teachers pero wala siyang pake.

Tawang tawa ang mga kaibigan niya ng ibalita ang parusa sa kanya. Naiinis siya lalo.

"Epic talaga bakla. Sa daming lugar dito pwedeng garden o laboratory. Library talaga? Di ka kaya masunog niyan?" Natatawang asar sa kanya ni Betty.

Totoo naman kasi. Like hello? Never pa siyang umapak sa library. Saka ang laki no'n. Iisa lang ang library ng high school at college. Gosh! Ngayon pa lang na stress na siya.

"Pfft! Imagine kita bakla. Naglilinis ng libro. Tapos super tahimik. Bawal ang cellphone. Tapos makikita mo mga nerd." Humalakhak si Carlo.

Sinamaan niya ng tingin ang mga kasama. "Saya niyo ano? Buti na lang di kita binuko bakla ka. Kung hindi kasama ka dito. Ikaw nagbigay ng kodigo sa akin." Paalala nito kay Betty. Nawala ang ngiti ni Betty saka tumikhim.

"Bakla it's just two weeks after that you're free." Bumuga siya ng hangin. Ano pang magagawa niya. Sigurado papagalitan na naman siya ng daddy niya pag nalaman iyon.

"Bago ka pumasok ng library mangumpisal ka muna." Tukso pa ni Winnie kaya lalo siyang nainis.

Pagkatapos kumain ay nagpaalam lang siyang magbanyo. Pinauna niya ang mga kaibigan sa room.

Nagcutting classes si Heidi ng hapong iyon. Hindi ito pumasok. Boring kasi sa school. Boring ang mga subjects, teachers maging classmates niya. At kahit si Kevin boring kasama. Kung hindi lang sa deal na iyo hindi niya papatulan ang binata. Kanina pa nagtetext ang boyfriend kunwari niya pero hindi siya nagrereply. Valedictorian pa naman iyon, ngayon nagtetext sa oras ng klase nila. Napangiti si Heidi. Mukhang masisira ang pag-aaral ng mokong na iyon dahil sa kanya.

My Spoiled Brat Wife (Editing)Where stories live. Discover now