Chapter 3 The Campus Hearthrob

69.4K 1K 143
                                    

Bumalik siya sa katawang lupa niya ng marinig ang sigaw ng naglalaro ng football. Binalik niya ang tingin sa lalaking tahimik na nakaupo kanina. Wala siyang pakialam kahit na tinawag siya nitong tanga.

"Shet. Ang gwapo." Aniya habang nakatingin sa lalaking walang ngiting nakaharap sa kawalan.

Animo namamalik mata si Heidi sa nakita. Matiim niyang tinignan ang lalaki. Bahagyang nagugulo ang messy hair nito. Sa dami ng lalaking naka fling niya wala pa siyang nakitang kasing lakas ng dating ng lalaking ito. Biglang may naisip si Heidi.

She showed playful smile. Tumayo ito upang puntahan ang lalaki.

Malapit na siya sa kinaroroonan ng lalaki ng may tumawag sa lalaki.

"Brix!" Sigaw nito. Napalingon sila pareho sa boses na iyon.

"Dude! What do you want?" Dinig na tanong nito. Nakatayo pa rin siya sa di kalayuan. Gosh! Husky voice! So Brix pala ang name ha? Nice name. She thought.

"Halika, hinihintay na tayo ni Cathy sa labas. Kanina ka pa niya hinahanap." Sabi ng lalaki. He closed the book and stood up. Isinukbit nito ang bag sa kaliwang balikat.

"Bakit daw?" Tanong ni Brix.

"Baka namiss ka na." Ngisi ng lalaki.

Antipatikong lalaki na ito. Sinira ang plano ko! Inis na sabi ni Heidi. Paalis na si Brix at ang lalaki ng mapalingon ito sa dako niya.

"Wait. Hi. I'm Heidi." She offered her hand for handshake. She gave her sweetest smile. Yun naman lagi. Nakukuha niya ang lalaki sa ganoong ngiti.

She gave him a charming smile. She expected him to smile back but opposite of that happened.

"Not interested." Walang emosyong sagot niya. Iniwan siyang nakatulala habang nakaangat pa ang kamay sa ere.

What the hell was happened? Iniwan siya? Na deadma ng lalaki?

Fuck!

____________

"Cathy, bakit mo daw ako hinahanap?" Tanong ni Brix sa babaeng kaharap. She smiled. No doubt, she is beautiful at alam nitong may gusto siya sa kanya pero having a girlfriend is not in his mind right now. He wants to focus in his studies.

He is Brix James Delgado, twenty years old and a third year student. He took up electrical engineering course. Tall, dark, handsome..a perfect guy kung ituring ng mga students sa campus. Kung katangian lang ang pagbabasehan ay itinuturing siyang campus hearthrob. Pero hindi siya perfect. Yes, he is really handsome but he's poor. Isang kahig isang tuka. Kaya lang naman siya nakapasok sa magandang paaralan ay dahil sa scholarship kaya nga todo aral siya para makatapos at matulungan ang Tatang niya.

"Because I miss you." Tinig ni Cathy na nagpagising ng diwa niya. She wrapped her hand on his arm.

"May ginawa pala akong cookies. Hope you like it." Matamis na ngiti ang binigay nito. Inabot ang cookies sa kanya.

Kinalabit naman siya ni Liro."Pahingi ako mamaya." Bulong niya. Bumalik sa dating pwesto na para bang body guard nila.

Bumuntong hininga si Brix bago kinausap si Cathy. Hindi na lingid sa kaalaman niyang may gusto sa kanya si Cathy. Ayaw niya lang itong saktan kaya hindi na lang pinapansin sa tuwing kinakausap niya ito.

"Cathy, I have no time for relationship right now. You know my priorities." Inalis nito ang kamay na nakapulupot sa kanya. Nainis ang babae sa ginawa niya.

"Brix naman hindi ko naman sinabing pakasalan mo ako. All I want is to be with you. If you don't want commitment it's okay with me." She pouted.

He smirked. "Look Cathy, maganda ka. Maraming lalaki ang nagkakagusto sayo. Wag ako." Iyon lang ang sinabi nito at iniwan siya na pulang-pula sa hiya at inis.

My Spoiled Brat Wife (Editing)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon