Chapter 8

94 4 0
                                    

"Gusto mo ba ako?"


Nanlaki ang mga mata ko gayon din ang kay New dahil sa tanong ko. Napalagok ako sa baso ng coke na nasa harapan ko. Napansin kong napapunas ng noo si New kaya naman tinapos ko na ang iniinom ko at tumayo na. Kinuha ko na ang mga gamit ko at tuluyang umalis sa studio ni New ng hindi nagpapaalam. Narinig ko ang pagtawag niya sa pangalan ko pero hindi ko na siya pinansin.


Habang naglalakad ako ay naalala ko ang ekspresyon sa mukha ni New matapos kong tanungin kung gusto ba niya ako? What was I thinking?! Malamang hindi ako gusto ng lalakeng 'yon. Ugh! Tay ano bang iniisip mo at 'yon ang lumabas sa bibig mo.


Nasa tapat na ako ng DLSU at para bang gusto kong uminom saglit para kahit papaano ay makalimutan ko 'yung kahihiyan na ginawa ko kanina. Tiningnan ko ang orasan ko at ang planner sa aking phone kung may dapat ba akong gawin para bukas. Sinigurado ko munang wala akong makakaligtaang gawain dahil mahirap maghabol ng requirements at grades. Buti na lang ay saktong panghapon ang klase naming tatlo kaya hindi ganoon ka-hassle kung magiging wasted kaming tatlo dahil iinom kami nang marami. Hindi ko na rin pinansin ang suot kong slacks at long sleeves na halatang galing shoot.


Tinext at tinawagan ko parehas sila Lery at Paul kung pwede sila pero parehas silang wala. Hindi ko naman alam kung sinong aayain ko dahil sila lang naman ang dalawa kong kaibigan na pwede kong makainuman. Tiningnan ko ang contacts ko kung sinong pwedeng kainuman at buti na lang nakakita ako ng pwedeng ayain.


"Hey Arm? Are you free right now?" Pauna kong tanong matapos niyang sagutin ang tawag ko.


"Yes, I am with Sher right now sa The Barn." Sagot ni Arm sa akin kaya patuloy na lamang akong naglakad sa likod ng DLSU para pumunta sa The Barn. Isa 'to sa mga bars and kainan sa likod ng university at mayroon 'tong tatlong palapag. Pumasok naman ako at nagpakapkap sa mga bouncer sa may entrance bago makapasok. Umakyat na ako sa hagdanan patungong third floor kung saan nandoon sina Sher at Arm.


"Tay!" Tawag sa akin ni Arm sa di kalayuang table malapit sa hagdan. Nakapwesto sila sa corner sa gilid ng railings. Lumapit ako sa kanila at nakipagkamay kay Arm at nakipagbatian kay Sher.


"Anong pumasok sa utak mo at naisipan mong mag-ayang uminom?" Pagtatanong ni Arm sa akin.


"Gusto mo ba ako?"


Bigla na namang pumasok sa isip ko 'yung mga salitang nabitawan ko kanina sa studio nila New. Napalagok ako sa alak na nasa table nilang dalawa. Napatingin naman sina Sher at Arm na para bang isa akong weirdo na nakiki-table sa kanila.


"May balak ka bang magpakalasing ngayon?" May panghahamon na tanong ni Arm sa akin.


"Bakit lalasingin niyo ko?" Pagtatanong ko.


"Hindi ka naman malalasing kung hindi ka magpapakalasing." Dagdag ni Sher at tsaka tumayo 'to at lumapit sa counter ng bar para umorder siguro ng alak at pulutan.


"Anong progress sa inyo ni New?" Biglaang tanong ni Arm habang sinisindihan ang yosing hawak niya.

Burnout (TayNew Fanfic)Where stories live. Discover now