PROLOGUE

105 40 19
                                    

"CALLI !" Minulat ko ang dalawang mata ng marinig ang bosses ni lala na tina-tawag ang pangalan ko

"Anak! Ma la-late kana!" Pa-sigaw na dugtong nito kaya agad akong bumangon at pikit matang pumasok sa banyo ng may bahid ng galit ang bosses nito

Mabilis naman akong nag-bihis ng uniform ko at sinuot ang dalawang facemask na ni-required sa amin bilang nurse sa covid ward. Sinuot ko yung kulay itim na backpack na siya'ng nagla-laman ng bagong PPE na ga-gamitin ko mamaya sa hospital bago tuluyang bumaba sa sala

Na-abutan ko si lala na naka-upo sa gitna mismo ng lamesa at may hawak na naman itong baraha kasama yung mga kapitbahay namin

"Lala ang aga pa" reklamo ko at nag-mano sa kamay nito. She tsked at hinagis yung dalawang baraha sa mesa senyales na nanalo na ito

"Akin na yung pera" saad ni aling Neneng at kalmadong hinagis yung baraha niya. Mas mataas ang ito kay lala kaya siya ang nanalo

"Ang ingay mo kasi" paninisi ni lala sabay sindi sa sigarilyo ng katabi nito

"Segi na. Inaantay kana ni Harvey sa labas" saad nito sabay kumpas ng kamay niya

Napa-iling nalang ako saka lumabas na sa bahay. Araw-araw yan ang routine niya. Pagka-gising baraha agad yung ha-hawakan minsan nga pati sa pag-tulog yun pa yung bukam-bibig niya eh

"Papa alis na po ako" paalam ko naman kay papa na abala ngayon sa pag-tagay sa gilid ng bahay namin. Halos ma-subsob na yung mukha nito sa mesa pero pilit niya pa ring sina-salinan ang baso ng kumpare niya

Marahas kong pinikit ang dalawang mata ko bago tumalikod. Tuwing umaga alak yung ginagawa niya'ng almusal. Ayaw na nga siya'ng pa-utangin sa mga tindahan dahil sa haba ng listahan nito. Di naman ako nag abala na hanapin si kuya Clark kasi aware ako na nasa sabungan na naman siya sa ganitong oras

Lumabas ako sa maliit naming gate at na-abutan ko si Harvey na naka-sandal sa kotse nito. Kasama ko siya sa hospital na pinag ta-trabahuan ko ngayon at magka-ibigan din kami mula pa nong college. May lahi itong chinese at malaki rin yung business nila sa china pero di ko alam kung bakit mas pinili niya'ng mag paka-hirap dito sa pilipinas

"Good morning" matamis itong ngumiti sakin at binuksan nito ang pinto ng kotse niya. Umupo ako sa loob at tatlong besses na bi-nunggo yung ulo ko sa passengers seat

"Having a worst morning again didn't ya?" tanong nito at inayos yung seatbelt ko

"Sinabi mo pa. Halos malibing na kami sa utang pero tingnan mo yung gina-gawa nila" magka-salubong ang dalawang kilay ko habang nag ku-kwento kaya napa-ngisi ito

"Sabi ko naman sayo pahiramin nalang kita ng pera eh. Kahit di mo na bayaran" aniya at binuhay na yung makina ng kotse

"Ugok ka ba? Ang dami na kaya ng tinulong mo samin. Di naman ganon ka-kapal yung mukha ko para i-asa pa sayo to" ani ko. Kaya lang naman kasi ako naka-graduate sa nursing dahil sa scholarship na binigay ng foundation ng mama ni Harvey. Madalas din niya akong tulungan dati sa mga financial needs ko sa school kaya hindi nahirapan sila lala sa gastusin

"What are friends are for?" ngiti nito

"Ayoko lang i-asa sayo yung responsibilities ko sa pamilya ko so let me be" Ani ko habang nakatingin sa screen ng phone ko

"Here. Alam kong di ka pa nakakapag break fast" inabot niya sakin yung paborito kong burger at fries kaya automatic na napa-ngiti yung labi ko

Sa ilang taon ng friendship namin masasabi ko na kabisado na talaga ako ni Harvey. Napa-ngiwi ako ng maisip yung kakaibang routine ng pamilya ko. Imbis kasi na magluto ng almusal si lala mas una niya'ng hina-hanap yung baraha niya. Si papa naman alak yung gina-gawang kape at si kuya naman ay puro sabong lang yung ini-intindi

Pero kahit ganon di ko pa rin sila magawang suku-an dahil nga pamilya ko sila at the first place. Utang ko kina lala at papa yung buhay ko kaya gagawin ko ang lahat para mabayaran yung utang namin

----
Hi  luvs! I hope you've enjoy reading this story paki support na din po and sana may matutunan kayo :> 

Also i wanted to promote some of my works. It's an RPW SERIES and you can visit it at the link provided below

Title: Upon the sunset (RPW SERIES 01)
Status: complete
Link:
https://www.wattpad.com/story/262526193?utm_medium=link&utm_source=android&utm_content=story_info

Title: Chasing the moon (RPW SERIES 02)
Status: On going
Link:
https://www.wattpad.com/story/280447444?utm_medium=link&utm_source=android&utm_content=story_info

WARNING: Typo's and gramatical errors ahead

This is a work of fiction. Characters, events and places are created by the authors mind. Any resemblance to any person living or dead, actual event's and places are purely coincidental

No part of this story may be transmitted in any form without the prior knowledge of the author.

Plagiarism is a Crime, punishable by law

The Fault in Our StarOnde histórias criam vida. Descubra agora