CHAPTER 2: MISSION

163 12 0
                                    

Dianne's POV.

andito ako ngayon sa headquarters pinagmemeetingan namin ngayon ang bagong misyon na ipapasa saaming team heto ako't prenteng prenteng nakaupo sa swivel chair habang nakataas ang paa sa mahabang mesa at tutok na tutok sa projector sanay na sanay na saaken ang mga kasamahan ko sa ganitong pag uugali ko maliban dito sa. . .

" okay ganito ang gagawin nate-- Olivera! sino naba saatin ngayon ang mas mataas ang ranggo ha?! kung makaganyan ka ng upo sa harapan ko ay parang nag bebeach ka lang! " singhal ni papa saken

syempre hindi padin ako nagpatinag at nag tengang kawali lang ako tiningnan ko lang siya ng parang walang nakinig

"sige na papa patuloy mo nayan ng matapos na tayo dito" sabi ko

"aba tignan mo ugali ng batang to walang galang sa magulang" sabi ni papa saken ng may paduro duro pa

"ano ba pa? paguusapan ba naten ang misyon o aawayin mo lang ako dito maghapon?" sagot ko ng may prente pa ding pagkakaupo

"tss manang mana ka talaga sa nanay mo" habang nag tatalo kame ay palipat lipat lamang ang mga mata ng mga kasamahan namen saaming dalwa ni papa kaya naman ng maramdaman niya iyon ay sinimulan na niya

"okay may natanggap ang headquarters naten na panibagong misyon yun ay patungkol sa threat note--"

"threat note lang? wala manlang kaexcite excite pala yang bagong misyon nayan hayss" sabi ko na medyo naaasiwa ang mukha at boom binato ako ng magaling kong tatay ng pentel pen na ipinangtuturo niya sa projector buti nalang di natamaan maganda kong mukha tss

" patapusin mo muna ako olivera! "

"oo nanga oo na!"

"ang threat note nayun ay ipinadala sa isang sikat na grupo ngayon sa buong pilipinas" sabay labas ang mukha ng mga lalakeng malaking boygroup daw sa bansang ito sa projector, nagsimula na akong magseryoso ibinaba ang mga paa at umayos ng upo saka ipinagkawit ang aking mga kamay sa ibabaw ng mesa
hmm mga gwapo din naman pero hindi ko paden kilala ang grupo nila

"SB19?" pabulong ko sa sarili kong sabi

" oo SB19 ang pangalan ng grupo nila at eto ang nakasaad sa threat note na ipinadala sakanila" ifinlash ni papa sa screen ang picture ng nasabing note

" MAGALING ANG GRUPO MO SIKAT KAYO AT PINAGKAKAGULUHAN AT MAGIINGAT KAYO LALO NA IKAW, BAKA LALONG MAGKAGULO

X:1L:2U:2V:1 WE'RE ALWAYS WATCHING"

"Teka chief hindi ho ba parang code yang nasa may ibaba?" sabat ng isa naming kasamahan

"tama ka Arevalo" ani papa

"JOSH" basta basta at seryosong sabi ko sabay sandal sa aking kinauupuan

sabay-sabay na nagtinginan silang lahat saakin

"JOSH ang pangalan ng pakay nila, sino si josh jan sa mga miyembro?" seryosong sabi ko ulit.

isa iyong tinatawag na pentomino code para saan pat sinaulo ko lahat ng code morse code, tap code, Vanity code at marami pang iba

"anak nga talaga kita!" sabay turo ni papa ng may malaking ngiti

pinagaralan kong mabuti ang mukha ng lalakeng nagngangalang josh sa picture kasama ang mga kagrupo niya at lahat ay may malawak na ngiti maputi, matangos ang ilong, medyo halata na siya ang maliit sa grupo, lalakeng lalake ang mukha atska g-gwapo pwede na kaso idk familiar sya hindi ko alam, kumibit balikat lang ako

"hindi natin alam ang pakay at kung saan nagmula ang sulat na ito, ibinigay lamang ito saatin ng manager at hindi na ipinarating sa boys dahil ayaw madagdagan ng stress ng managament nila ang boys dahil sa hectic na schedule nila ngayon at gusto nilang huwag muna malaman ng grupo na ito ang tungkol dito ibigsabihin poprotektahan naten sila ng hindi nila malalaman at mahahalata, ngayon Olivera gusto kong ikaw ang mag  a'undercover" sabi ng papa kong chief

"ano?! anong role nanaman ba yan?" napaayos ako ng upo sa narinig ko, gulat kong tanong kay papa e kasi naman bat ako pa? ang dami kong team dito oh! though sanay ako sa mga undercover na yan pero aish! sabi nga nila malaking boygroup ito dito sa bansa

"magiging personal assistant ka ni Josh Cullen Santos katulad nga ng sabi mo mukhang ang lalaking ito ang pakay ng nagpadala ng sulat pero hindi lang si Josh ang nararapat mong bantayan kundi ang buong grupo! alam ng manager nila ang tungkol dito, magsisimula ka sa isang araw nakaayos na lahat ng papel mo at id upang patunay na ikaw ay magiging personal assistant nila" may awtoridad na bigkas ng papa ko well wala naman na akong magagawa dito sya ang mataas na ranggo samen sa loob ng silid na ito hays.

"teka baka naman prank lang yang threat note nayan" sabi ko

"posibleng prank posibleng hindi Olivera, pero kung susumahin mo ang sulat, sa WERE ALWAYS WATCHING na nakasulat posibleng 60/40 tayo dito, pano naten malalaman kung prank o hindi kung wala tayong gagawin? kailangan naten makakuha ng lead kung sino ang tao sa likod ng threat note na ito dahil hindi naten alam kung kelan ulit magpapadala ng sulat" seryosong paliwanag ni papa

may punto naman si papa kaya wala nako magagawa baka mamaya umabot nanaman sa debate ang pagtatalo namen

"DISMISS!" sabi ni papa at sabay sabay kaming tumayo at sumaludo sakanya

------------

i'll keep on updating kahit walang nagbabasa :<

The Cool and The Charismatic [ SB19 JOSH FANFICTION ]Where stories live. Discover now