CHAPTER 5: ADJUSTING

114 3 0
                                    

Third Person's POV

muli nanamang nagsimula ang photoshoot habang seryoso at tahimik na nanonood si dianne sa isang gilid habang nakacross ang mga paa at pati nadin ang mga kamay at nakasandal sa inuupuan , ngunit may halong pagmamatyag sa mga staff na palibot-libot sa buong paligid ng kuwarto pati mga kagamitang ginagamit sa photoshoot ay pinapasadahan niya ng tingin

hirap na hirap sya mag adjust sa kunwaring trabahong pinasok niya at hirap na hirap din siya magkunwaring anghel anghelan sa harap ng grupo

"grabe nakakaboring naman dito, mas madali pa atang makipagbarilan sa mga sindikato kaysa nakaupo ako dito at naghihintay ng oras" napapailing na bulong niya sa sarili at tumingin sa relos nya 11:30 na, saka pinasadahan ulit ng tingin ang mga gamit

may nakapukaw ng pansin niya sa mga kagamitan na nandoon yun ay ang light stand na nasa gilid ni josh na pawang busy magpopose kasama ang grupo, bahagyang naka angat ang kalahating paa ng stand na iyon at malapit na mahugot ang pagkakasaksak

mabilis pa sa alas kwatro na tumakbo siya papunta sa gilid ni josh dahil malapit naitong matumbahan saka itinulak si josh sabay tabig ng malakas sa light stand na tutumba at dahil dito sa ibang direksyon ito natumba

*booom*

nagulat ang mga nasa loob sa bilis ng pangyayari ang iba panga'y napatili sa lakas ng pagtumba

saka humarap ang dalaga kay josh at sa mga kagrupo

"a-ayos lang ka lang ba? ayos lang ba kayo? " tanong nito sakanila

" s-salamat pero paanong?-- " napapaturong taka ni stell sa babae at pati nadin sa kawawang light stand na nakabulagta na sa sahig

saka tumayo ang dalaga at nagpagpag ng damit

"ahh yun ba? diba may tinatawag na adrenaline rush so kaya ganon hehe" napapakamot niya sa ulo

saka nagsitayuan ang mga lalake at tinulungan ng ibang staff saka nilinis ng maintenance ang basag na bumbilya ng light stand.

"nako maraming salamat marriane buti nalang nanjan ka at nagmamasid kundi nabangasan itong si josh, by the way im Rizalie" sabi saken ng isang staff

"Dia-- Marianne, Marianne" nakangiti kong inabot ang kamay nya para makipagkamay.
-------

nag aayos na ng mga gamit ang lahat-lahat dahil oras na ng tanghalian

busy sa pag aayos ng mga gamit sa pahabang mesa sa harap ng salamin si dianne nang biglang lumapit si justin

"hi ate marianne, gusto mo samen sumabay kumain ng lunch?" may ngiting alok niya sa dalaga

" a-ayos lang ba?" pabor sakanya ang hinihiling nito dahil mas mababantayan niya ang grupo

"oo naman ate tska libre kita pasalamat naden dun sa ginawa mo kanina sa photoshoot" laking laki naman ng ngiti na sabi ng bunso sa grupo

"ah yun ba wala yun hehe asan nanga pala sila?"

"ahh andun nayun sa kanya-kanyang dorm nila nagaayos nadin yun para sa lunch"

nang matapos nang magligpit tska niya isinukbit sa balikat ang sling bag

"so ano ate? tara?"

"Sure! lets go" masayang sagot din niya, mukhang ang lalaking ito ang una nyang makakaclose sa lahat, sabay akbay ni dianne sa binata na ipinagtaka naman niya pero hinayaan nalang nya

-------

(Practice Room)

Dianne's POV

palinga-linga ako sa loob ng buong practice room nila habang kasabay ko maglakad si justin papalapit sa mga kasamahan niya na nakalupagi na sa sahig at nakahanda na ang kakainin, purong-purong puti ang pintura ng pader walang bahid ng dungis mayroong malaki at mahaba (uyyyyyyyy HAHAHAHAHA JOK LANG!) na mirror na nag mistulang pader ng isang gilid

"d-dito pala tayo kakain hehe" tanong ko asiwang asiwa na ako sa sarili ko dahil sa pagpapanggap na mabait tss

"ahh oo hindi kami kumakain masyado sa labas, dito lang kami nagsasalo-salo nagpapadeliver nalang kami ng pagkain" sagot ni justin

"uy jah! marianne tara na kumain" tawag ni sejun samin ni justin at oo memorize ko na mga itsura't pangalan nila dahil sinigurado kong hindi ako papalpak bago ako tumuntong sa gusali nato

naunang umupo si jah sa sahig katabi ni ken a-at ako eto nakatayo pa kase hindi ko alam kung makikisali ba ako sakanila nakabilog silang 5 , sandale akong napalinga sa paligid pero walang mga staff tanging kami lang ang nandito

"dito ka nalang sa tabi ko " nakangiting alok sakin ni stell saka itinuro niya ang uupuan ko

"s-salamat" saka umupo ako sa tabi ni stell ng maayos dahil naka dress ako remember? hinding hindi nako mag d'dress pag pupunta dito! sabi ng manager kahit ano daw suot ko basta komportable ako! pano nanga lang naman kung biglaang mapalaban ako tapos naka dress ako tss! nasa kanan ko si stell while sa kaliwa ko si sejun.

" ate marianne marunong kadin ba sumayaw? " tanong ni justin

"a-ahh oo, nung highschool lang ako sumasayaw pero nung college nako tinigilan ko na" syempre makakapagsayaw kaba naman e puro training ang nangyayari saken nong college tss

" talaga? " namimilog na mata pero singkit padin na sabi ni justin habang may laman pa ang bibig nya sinuklian ko lang sya ng ngiti

"eh kumakanta karin ba?" tanong naman ni sejun tska sumubo ng pagkain

"hmmm oo pero hindi ko sya masyadong kinareer" sagot ko ng may ngiti

"talaga?" si justin nanaman

"edi next time pag freetime naten minsan sayaw tayo!" excited na itsura ni stell

"s-sure" mapapasabak ulit ata ako sa sayawan -_- ni hindi ko alam kung marunong pako, trivia lang sainyo former president ako noon dati sa org namen noong highschool ako nang dance troupe.

"pero hindi ko alam kung marunong pako ha"

"edi magpapractice tayo" sabi ni ken habang nakangiti

napansin kong tahimik si josh habang kumakain

"uy ayos kalang?" pinindot ko nang hintuturo ko yung braso niya

"ha? a-ah oo ineenjoy ko lang tong pagkain" ani josh

-------

6:00 pm

" saan tumutuloy ang boys? " tanong ko sa manager nila

" dito din, meron silang dorm dito sa building 2 persons per 1 room"

kung 2 persons per 1 room

"sino ang nag iisa sa isang silid? " tanong ko

" si josh" sagot ng manager

"t-teka maam wag nyong sabihing--" sabi ulit ng manager nato na mukhang nakukuwa na niya ng punto ko

" oo simula bukas sa dorm na ni josh ako matutulog sigurado naman akong 2 beds din naman sa isang kuwarto hindi ba? "

"o-opo sige po "

"kung ganoon, tapos na ang usapan natin baka gabihin pa ako dadaan pako sa headquarters para magreport at maghahanda ng mga gamit, tska bukas ikaw mismo mag aannounce sakanila na doon ako tutuloy, ako na bahala sa paliwanag huwag kayo mag alala wala akong gagawing masama" sinabayan ako tumayo ng manager at inihatid hanggang sa pinto ng opisina nya
------------

Author's note; omoooooo magsasama kame char magsasama sila ni ssob sa isang kuwarto! grrr HAHAHAHAHA

The Cool and The Charismatic [ SB19 JOSH FANFICTION ]Where stories live. Discover now