CHAPTER 10: A Day With the Charismatic member of SB19

142 6 7
                                    

Third Person's POV

*blag blag blag*
kalabog ng pinto ng kwarto ni dianne ngunit gumalaw lang at nagtakip ng unan sa tenga ang dalaga

"MARIANNE!" tawag ni josh mula sa pinto

napaigtad sya at kaagad na bumangon ng mapagtantong nasa ibang bahay sya, pinagbuksan nya ng pinto si josh habang pupungay-pungay ang mata

"kanina pako katok ng katok, pag nasira itong pinto namen ikaw magbabayad" singhal ni josh sakanya

"bat naman kase binubugbog mo yung pinto nyo tapos ako pagbabayarin mo" kusot kusot ng mata niyang sagot dito

"halika na maghahapunan na tayo" sabi ni josh saka tumalikod at nagsimula nang bumaba ng hagdanan

"tss gabi palang pala, napagod ako magbyahe kala ko umaga na" humihikab siyang bumaba at nagkakamot pa ng ulo

"marianne hindi kaba manlang maghihilamos muna? look at yourself!" iritadong sabi ni josh kay dianne dahil sa itsura nitong gulo-gulo ang buhok at mukhang bagong gising pa

"tss eto nanga" sagot ng dalaga saka pumunta ng banyo na medyo malapit sa kitchen

bumalik na ang dalaga sa hapagkainan at doon kumakain na ang kanyang boss amo na hindi manlang siya hinintay, umupo sya sa bandang harap nito

"girlfriend mo ba iyan iho?" deretsyong tanong ng katulong nilang si nanay tere

halos mabulunan si josh sa tanong ng kasambahay nila kaya uminom muna sya ng tubig bago sumagot habang si dianne naman ay dere-deretsyo paring kumakain at patay malisya

"h-hindi ho manang personal assistant ho namin yang babaeng yan sa company" sagot ni josh ng may halong pilit na ngiti

"ganoon ba? ay hala sige maiwan ko na kayo jan tawagin nyo lang ako kapag may kailangan kayo ha" saka umalis ang maid nila

"tss"

"agahan mo bukas ang gising mo dahil ikaw ang magluluto ng umagahan" seryosong sabi ni josh habang humihiwa ng pagkain

"teka lang ang trabaho ko lang dito ay bantayan ka at gamutin ng regularly ang mga sugat at pasa mo, hindi ako namamasukan dito bilang kasambahay" singhal ni dianne

"wag kangang magsalita ng may laman ang bibig! kadiri ka"

"tsss"

at masayang natapo-- ibig kong sabihin ay natapos na ang kanilang hapunan ng punong-puno ng pagsasagutan

bago muna pumunta si dianne sa sariling kuwarto ay nagtungo muna sya sa kuwarto ni josh para gamutin ang sugat at pasa nito

naglalakad na sya sa hallway papunta sa kuwarto ng binata ng makaramdam sya ng uhaw kaya naman bumaba muna sya at pumunta ng kitchen para uminom saka sya dumeretsyo sa kuwarto ninto

*tok tok tok*

"pasok bukas yan" simpleng sagot ng binata mula sa loob ng kuwarto

pumasok ang dalaga at naabutang nakaupo ang binata sa gilid ng kama habang naka indian seat at nag gegames sa cp

mayroong pc sa loob ng kuwarto niya at sa kuwarto niya mahahalata mona na isa siyang gamer

"ano tititig ka lang ba jan o gagamutin ako?" ani josh habang nakatingin padin sa cp niya

"asan ang mga gamot? betadine at bulak?" nakacrossarm na tanong dalaga habang nakatayo sa may tabi ng binata

"andon sa CR pakuha nalang"

To już koniec opublikowanych części.

⏰ Ostatnio Aktualizowane: Oct 05, 2020 ⏰

Dodaj to dzieło do Biblioteki, aby dostawać powiadomienia o nowych częściach!

The Cool and The Charismatic [ SB19 JOSH FANFICTION ]Opowieści tętniące życiem. Odkryj je teraz