CHAPTER 6: DORMMATES

105 6 0
                                    

Third Person's POV

6:00 am

tapos na lahat-lahat ng pag aayos niya sa sarili ang ritwal na ehersisyo araw-araw, paliligo at paghahanda ng mga gamit niyang toiletries at kung ano-ano pa inilagay na niya ang mga damit niya sa maleta saka sya pumasok sa secret door niya na aakalain mong bookshelves pero may nakakubling pindutan sa may gilid nito at makikita mo dito ang mga gun collection niya hindi naman na siguro nakakabigla iyon dahil una mayaman sila at nagpapatakbo ng sariling kompanya ang mommy niya  at sunod silang pamilya ay dumaan sa propesyon kung ano sya ngayon

kumuha lang siya ng dalwang caliber at isang kuwarenta isingko at isinarado ang secret room saka niya inilalim ang mga baril sa damit na nasa maleta niya pati narin ang pinakamamahal niyang tsapa

at sa suot naman kasalukuyan lang siyang naka plain black v neck shirt, hapit na jeans at rubbershoes na puti saka niya ipinuyod ng mahigpit ang mahaba niyang soft wavy hair at naglagay ng kaunting pulbos at tapos na.

-----------

"goodmorning kap" salubong na saludo ni SPO1 Arevalo kay dianne habang papasok ng headquarters sumaludo din ang dalaga

ang dalagang nagngangalang Dianne Bright Olivera ay isang Captain Police Officer oo tama kayo, na parehas sila ng nanay niyang naging capt. police officer nasa dugo na ata nila ang ganitong propesyon at katapangan ang tatay niya ay kasalukuyang chief of police ng headquarters na pinagtatrabahuan niya ngayon

naisip ng dalagang dumaan muna sa headquarters bago pumunta sa trabaho niya bilang isang assistant ng SB19

"uy Capt. Olivera napadaan ka dito" bati sakanya ni SPO4 Pilon

si SPO4 Angel Bryan Pilon ang kaisa-isang kaibigan nya dito sa headquarters pati nadin sa labas dahil ayaw ng dalaga makipagkaibigan kung kani-kanino wala syang ibang kaibigan AS IN WALA kaya naman asiwang asiwa siya sa bago nyang undercover para bang mas exciting pa para sakanya mag undercover ng nagsasayaw sa bar para mangraid at makipagbarilan kaysa sa ganito katagal na misyon.

" ahh wala namimiss ko lang ambiance dito sa headquarters, baka kase natagal-tagal na ulit ako makakabisita dito baka palagi nalang akong tatawag para sa nga kailangan ko" seryosong sabi niya habang patuloy na naglalakad papunta sa office ng papa niya at sinabayan lang siya ni SPO4 Pilon

"ahh ganun ba? sige dito nako sa office ko may mga mahahalaga pakong kailangang gawin may raid nga pala kami mamayang gabi" may ngiting sabi niya

napatigil naman si Dianne sa narinig at kumikislap ang matang tumingin sa binata

"talaga?"

tumango lang ang binata

"tss sayang hindi ako makakasama" napapangusong sabi ng dalaga, sa binatang ito lamang niya nailalabas ang side na makulit at mabait niya dahil siguro simula pagkabata ay magkaibigan na sila

nilagay ng binata ang kaliwang kamay sa bulsa habang nakangiti hindi maitatanggi ang kagwapuhang taglay ng binata at may matipunong pangangatawan,  tska nya pinat ang ulo nang dalagang nanghihinayang

"okay lang yun! mas exciting nga yang mission mo e kasama mo pa pinakasikat at pinakamalaking boygroup dito sa pinas, o diba?"

"anong exciting dun? tss" parang batang nagpapagpag ang paa papunta sa opisina ng tatay niya at iniwan lamang niyang nakangiti si pilon habang pinagmamasdan siya

-----------------

8:00 am at SHOWBT CORP.

bumaba ng kaniyang kotse si dianne pagkatigil sa parking lot ng sbt corp. at ibinaba ang malaking maleta at sinimulang hilain ito

The Cool and The Charismatic [ SB19 JOSH FANFICTION ]Where stories live. Discover now