CHAPTER 35

48 2 0
                                    

"knox!" sigaw ko dito pero ang tukmol ay nakatingin lang sa akin..

Ano ba ang binabalak niya?

Jusqoo naman, patawarin niyo po ako sa gagawin ko

Pumikit ako at agad ko siyang sinipa sa delekadong parte niya. Agad itong humiyaw at nalaglag sa kama.

"fuck!" hiyaw nito

Jusqooo. Patay na naman ako nito

Tumayo ako tinulungan siya "sorry knox, sa susunod hindi na kita sisipain, susuntukin na lang kita" aniya ko dito na ikinakunot niya ng noo

"did you see im sick!" sigaw nito

Weh?....

"nakikita ko nga" aniya ko

Agad itong humiga sa kama at hindi na ako pinansin. Napabuga na lamang ako sa hangin dahil may moodswing si lolo

Napatingin ako sa malapad at nakakaakit na likod niya.
Iniisip ko parin ang nangyari kanina at hindi ako makapaniwala na magagawa niya iyun.

Hinawakan ko ang aking leeg kung saan hinalikan niya at uminit ang aking pisngi dahil sa hindi malamang emosyon.

Ayukong mag assume na may gusto sa akin si knox at ayukong magkagusto siya sa akin dahil unang una palang ako ay para kay Gio.

Napangiti ako ng mapait at nilisan ang kwarto.

Napatingin ako sa gawi ni mongshil na kung saan nakahiga sa couch.
Lumapit ako dito at hinimas ang kaniyang balahibo

"mongshil bakit hindi mo ako pinapansin?" malungkot na tanong ko dito

"arff arf arf" kahol nito

Agad ko itong niyakap dahil sobra ko itong na miss.
Ano kaya ang ginawa ni kuya at masyado itong mailap?

Ilang minuto ko din niyakap si mongshil habang kinukuwento ang mga nangyari.

Sa apat na sulok ng kwartong ito, kay mongshil kolang nasasabi ang totoong nararamdaman ko.

"mongshil salamat sa pagbabantay kay knox at yung dalawang  kupal. Huwag kang mag alala kapag may time ako, ipapasyal kita. Gusto mo ba yun?" masayang aniya ko dito

"arfff arff arf" tahol nito at mukhang nagustuhan niya ang aking sinabi.

Tumayo ako at pinagmasdan ang mga nakasalansang na damit at pinagkainan ng tatlo.

Kapag talaga wala ako dito, ang dumi ng dorm. Feeling ko tuloy yung mga nakatira dito ay dugyot.

Sinimulan ko na maglinis, magwalis, maghugas at lahat ng mag ay ginawa ko na.

Pinaliguan ko din si Mongshil at dadalhin ko mamaya ang mga labahan sa laundry shop, pagkatapos kong icheck si Knox.

Hindi muna ako papasok dahil maiiwan si Knox at hindi na rin ako makakapasok dahil late narin ako.

Binuksan ko ang pinto sa kwarto namin ni Knox at pinulot ko ang mga nakasalansang na pambaba nito at pinagpalitan.
Kinapa ko ang leeg ni Knox at napapikit ako dahil hindi man lang bumababa ang  lagnat niya.

"May sakit na nga, lumalandi pa " aniya ko dito habang dinuduro ang kaniyang noo

Harot!

Tumayo ako at nagpaalam kay Mongshil na bantayaan ang Dorm at kapag may pumasok, kagatin mo sa puwetan.

Dala dala ko ang dalawang malaking plastic na kung saan nakalagay ang mga damit.

Nakita ko si kim na nakaupo habang hinihintay ang kaniyang labahan.

𝙇𝙤𝙫𝙚 𝙞𝙣 𝘿𝙞𝙨𝙜𝙪𝙞𝙨𝙚 ²⁰²⁰-✔️Where stories live. Discover now