CHAPTER 60

46 1 0
                                    

Nakalipas ang isang Linggo na nakakulong lang ako sa aking silid habang iniisip kung paano ako makaka graduate  .

Na expelled ako sa school at naka Grounded ako ngayon.

Nakokosensya ako sa ginawa ko dahil sa akin, pinagalitan Si kuya ni mamoo at papoo at bawal ako makipag usap sa kaniya ng buong week.

Haysss

Sa buong week na ito lumilinaw sa akin ang lahat. Mula sa malungkot hanggang sa masayang pangyayari.

Hindi na nagparamdam si Knox at hindi ko naman matawagan si Ezra at Finnick para makahingi ng update.

Narinig ko nalang na may kumakatok sa pintuan kaya naman napunta ang atensyon ko doon.

"taylor... Papasok si mamoo huh!" saad nito kaya naman agad akong nagtaklob ng kumot

Naramdaman ko nalang na gumalaw ang kutson at may Humihimas sa aking  Buhok.

"taylor, nagagalit ka ba sa amin?" malungkot na saad ni mamoo...

Wala naman akong karapatan para magalit sainyo. Itinago niyo sa akin ang totoo para hindi ako mapahamak pero may masakit sa parte ko na nagsasabing hanggang kailan niyo itatago ang lahat?

" alam ko nasasaktan ka at nasasaktan din kami tuwing nakikita namin kayong nagkakaganyan. Patawarin mo kami kung inilihim namin ang totoo, hangad ko lang ang kaligtasan mo"

Sa pagkakataon na toh hindi na nakaligtas ang mga luha ko tuluyan na silang umagos.

"mamoo" aniya ko at agad na bumangon para yakapin siya. Niyakap niya ako ng pabalik at narinig ko nalang ang mga hikbi ni Mamoo

"a-alam mo baby Taylor, kung maibabalik man ang lahat. Ganun at ganun parin ang gagawin ko dahil gusto kitang mapabuti" garalgal na boses ni mamoo

"sa-salamat po..." aniya ko nalang.

Wala akong masabi kundi salamat. Salamat dahil kahit man busy sila ay hindi sila nagkulang sa pag aaruga sa akin.
Salamat dahil pino-protektahan nila ako.
Salamat sa lahat...

"matulog kana at bukas mamasyal tayo kasama ang kuya mo" aniya ni mamoo at inayos ang pagkakakumot sa akin at sabay pinunasan ang aking pisngi

"mahal kita anak. Mahal ka namin"saad nito at binigyan ako ng matamis na halik sa noo na ikinangiti ko

" saranghae din mamoo" aniya ko rin dito.

At unti-unti nading bumibigat ang talukap sa aking mata.

'ngayon ay magaan na ang aking dibdib at makakatulog na ako ng mahimbing'

***

"WOW!!" hiyaw ko nang makita ang malalaki at nagtataasang Ride.

"do you like it?" tanong ni kuya na ngayon ay nasa tabi ko

"oo naman kuya. Ikaw ba ang nag Suggest nito?" nakangiti kong aniya at sabay hinawakan ang kaniyang Braso

"sorry brother" nakatungo kong aniya

"For what?" tanong nito kaya naman napanguso ako

"eh kasi ako ang dahilan kaya—aray naman! Bakit ka namimitik! " ang sakit mamitik ni kuya . Buset!

"stop thinking too much, Taylor just enjoy the day" nakangiting aniya ni Kuya

"you look good in your stripes suit taylor" papuri ni papoo

Nag 'hehehe' nalang ako.

Simula nang malaman nilang nagpapanggap ako ay hindi na nila ako pinagdamit na panglalaki.

𝙇𝙤𝙫𝙚 𝙞𝙣 𝘿𝙞𝙨𝙜𝙪𝙞𝙨𝙚 ²⁰²⁰-✔️Where stories live. Discover now