FLIGHT 20

57 4 0
                                    

I woke up na wala si Levi sa tabi ko.But there is something on the bed. Mayroong medium sized na box—may nakakapit na note roon,

‘Wear this.Do obey me,you're under my rules’

Umarko ang kilay ko. Anong pakulo to? Nagiging catch phrase nya na yata ang 'You are under my rules the moment you entered my house' Jusme!

Sumilip ako sa bintana—basa ang mga damo sa baba.Umulan siguro kanina.

Binuksan ko ang box at nakita ko ang yellow behind the knee dress.Maganda ang dress pero ang mood ko ay hindi.

Pag baba ko sa kwarto ay puro red roses petals. Ano to,linisin?

Pagbaba ko sa salas ay may karatula roon.Nakasulat na ‘this way’ at arrow na nakaturo sa likod bahay.

Pagtapak ko pa lang sa bermuda grass na nasa likod bahay ay pumalahaw na ang tugtog.

Levi is singing,

Fly me to the moon.
Let me play among the stars
and let me see what spring is like.
On a-Jupiter and Mars
In other words, hold my hand.
In other words, baby, kiss me...

Fill my heart with song
and let me sing forevermore.
You are all I long for.
All I worship and adore.
In other words, please be true.
In other words, I love you...” ngumiti sya.

Pinanatili ko ang mataray kong mukha kahit natouch naman talaga ako sa pagkanta nya.

“Hindi mo ba nagustuhan?” he asked.

“Hindi,” sumeryoso ako. “I don’t like it because I super duper ultra mega love it!” tili ko at lumambitin ng yakap sa kanya.

“Hindi naman halata na patay na patay ka sakin,ano?” hinapit nya ang baywang ko.

Nag-play ang malumanay na tugtog. Nakita ko si Leevie na nag-aala dj doon.

“I don’t really celebrate monthsary...” he said. “You can’t even find monthsary in the dictionary. Why? Because it doesn’t exist. A relationship should last so long that it will lead to celebrating anniversaries, not monthsaries. And I’ll make sure to be with you for life and celebrate every anniversary we’ll have.” pinaglapit nya ang mukha namin.

Akala ko ay hahalikan nya ako, pero—
“Taya ka,Luna” tinampal nya ang noo ko at tumakbo.

“Walangya ka talaga,Levi!”

Tumakbo sya papalayo. Hinabol ko naman ang gago. Hindi sinasadyang nadulas ako padiretso sa pool,kung bakit naman kasi basa eh.

Naiiyamot na umahon ako sa tubig.

Inabot ni Levi ang kamay nya, “Hold this,Luna.I’ll help.”

I grabbed his hand. Hinatak ko rin sya papunta sa tubig.
Pag-ahon nya ay itinap ko ang balikat nya, “Taya ka,Levi!”

Lumangoy ako papalayo kaso ay nahirapan ako dahil sa dress. Agad nya akong nahabol.Hinapit nya ang baywang ko.

He kissed my lips, “Taya ka,Luna.”

“Madugas ka!” tinalamsikan ko sya ng tubig sa mukha. Gumanti naman si Levi. Ilang minuto kaming naglandi ng tubig sa pool.

“Ahon na tayo,Luna.” Yaya nya at tinulungan akong umahon sa pool.

Nag tuyo kami at pumasok na sa bahay. We changed our clothes.Bumaba kami sa kusina.

“I cooked tilapia and carbonara. I also baked cake.”

“Ganyang ganyan din ang niluto ko kahapon” anas ko.

“Ganyang ganyan?” nagtataka nyang ani.

“Nagluto ako ng tilapia tapos nag bake ako ng cake. Wala nga lang carbonara kasi hindi ako marunong.”

“Oh,kaya pala may kung anong sunog sa trash bin.” He shrugged. “Bakit mo tinapon?”

“Kasi...hindi masarap,” tumungo ako. “Pinatikman ko ng konti kay baby Luna kaso ngumiwi.” Naalala ko ang nasusukang itsura ni Baby Luna.

“Well,I guess I’m a better cook than you.” pagyayabang nya.

Kumuha ako sa carbonara nya at naglagay sa plato ko. Tinikman ko ito.

“How is it? Which is better, mine or Jude’s carbonara?” he asked. Napa-competitive talaga

“Syempre yung...”
He waited for my answer.
“Syempre yung kay Jude! Chef yun eh!”

“At least I’m a better cook than you.” Humalukipkip sya.

“Nye nye,mas marap pa rin yung kay Jude” pang-aasar ko.

“Luna,subukan mo kong tikman ng malasap mo ang tunay na sarap” kinagat nya ang ibabang labi nya.

“Heh!” tinampal ko ang dibdib niya.

“Ay! Tsansing yan,Luna.” asar nya. I just rolled my eyes.

Natapos na kaming kumain.I washed the plates.Si Levi naman ay parang tuko sa likod ko.

“Levi,nahihirapan ako. Ano ba?”

“Tsk, sweetness kasi to.” He kissed my hair.

Nalukot ang ilong ko,“Nakakaumay” kunwari’y naaasiwang anas ko.

“Edi wag, ikaw na nga niyayakap eh. Para kang tumanggi sa grasya!” Dadabog-dabog syang umalis. Natawa na lamang ako. Kung magtampo kala mo bata.

Dumiretso ako sa salas.Naroon sya sa sofa, nakaupo habang kalong ang unan.

“Hoy,Levi. Anlakilaki mo,6 footer ka tapos ganyan ka? Baby damulag ka,aber?” I arched my eyebrow.

“Bakit, bawal ba kong magpabebe?”umismid sya.

Naupo narin ako sa sofa.
“Oy” dinutdot ko ang pisngi nya. “Sorry na.” I hugged him.

Wala pa rin syang kibo kaya napagdesisyunan ko na lang na buhayin ang TV. Hindi ako dinala ng nanay ko ng 9 months para lang manuyo ng lalaki.

Joking Jazz 4G ang palabas.
Fota ang gwapo ni Mano!

“So ganon,ipagpalit mo ko sa koreanong yan? Akala ko ba sinusuyo mo ko?” Umarko ang makapal nyang kilay. Sa kapal ng kilay nya ay para na syang si Terrence ng angry birds.

“FYI,Mr.Casas.Taga-Thailand yan.” I said.

He shrugged, “Ah basta,mas gwapo ako dyan.” Humalukipkip sya sa sofa. Pakiramdam ko ay nahawa na sya ni Trein. Bigla na lang nagbubuhat ng sariling bangko.

“Anong klaseng letters yan,mukhang noodles.” Puna nya paglabas ng letters ng Thailand. Bastos din to eh,no.

“Naku,kung makaangal ka parang hindi ka tumingin sa boobs nung babaeng karakter kanina ah!” puna ko.

He spoke,“Wala ka lang kasi non.” Tumingin sya sa dibdib ko,agad kong tinakpan yon.He laughed.

“Ano bang tinatakpan mo eh wala ka namang hinaharap” Gago!

“Meron kaya maliit lang!” alma ko.

“Patingin nga.” binato ko ang mukha nya ng unan.

Tumawa lang sya tapos ay bigla na lang umalis sa sofa.
Binuhat nya ako na parang sako ng bigas. “H-hoy! Ano ba!?”

“Huwag kang malikot.” pinalo nya ang pang-upo ko.
Ngumisi sya, “Pupunta tayo sa kwarto.”

“S-sa kwarto? Anong gagawin natin don?” nauutal kong anas.

“You’ll see.” umakyat na sya sa taas na buhat buhat ako.
Inilapag nya ako sa kama. Naghubad sya ng damit.

“H-hoy! Ano ginagawa mo!?”

“Naghuhubad ng damit?” pilosopong aniya.

Dinaluhan nya ako sa kama.

“Let’s sleep.” ihinilig nya ang ulo ko sa dibdib niya.

Nakita ko sa orasan na alas tres na pala ng hapon. Umidlip na lang din ako.

Flight with My MoonTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon