Chapter 2

20 6 2
                                    


Chalene POV


"Cha dugaya nimo uy! Asa pa diay ka gikan?" Tinitigan ko si Mim nang naimtim. Nung pinagsasabi ng babaeng 'to? Tingin nya ba naiintindihan ko sya? Babaita to, inirapan ko siya.


"Naiintindihan kita, promise!" Inismiran niya ako at inirapan din.


"Sorry, Ms Tagalog." Pinakitaan ko siya ng kamao ko ng tinawag niya ako ng Ms Tagalog, bwesit kasi yung mga kaklase ko yan yung tawag sakin.

Basta tagalog daw kasi yan yung tawag nila dito lalo na transferee din ako. Tumawa si Mim at nagsimula na ding maglakad papunta sa sakayan pauwi sa'min.

I don't really like this place first nung bagong dating ako dito. Puro puno nakikita ko mga bundok na napapaligiran ng mga puno na kulay berde. Walang mga building na matataas di kagaya sa Manila na ang hahaba ng mga building.

Walang traffic dito, sariwa ang hangin kaya natutunan ko na ding naaappreciate ang lugar na ito kahit napakalayo ng mga mals dito.


"Cha bat ka pumayag na magtransfer dito?" Tanong ni Mim. Tinaasan ko siya ng isang kilay.


"Tanong mo muna sa nanay ko kung bakit kinuha niya 'ko sa tatay ko." Sagot ko.


"Napaka mo talaga,"


"Nye! Nye!"


"Ge na bye na. Ingat papasok sa bahay Ms Tagalog!" Tumango ako at kinawayan siya. Pumasok ako sa loob bahay, dumiretso sa kusina at nagmano kay Mama.


"Kumusta ang first day?"


"Okay lang! Di ko naiintindihan mga pinagsasabi nila. Para silang mga Alien na ang bibilis magsalita. Nakasimangot kung sumbong. Tinawanan lang ako ni Mama at pinapasok na sa kwarto ko. Nagbihis ako at humiga sa kama. Earphone in, volume full. Basa ng story sa wattpad. Adik ako sa pagbabasa sa wattpad lalo na sa mga sulat ni CECELIB at JONAXX. I really really love their story.


"Kain na tayo, nak!" Aya ni Mama. Tumango lang at sumunod na sa kanya. Kumain na kami at nagkwentuhan lang about sa nangyari sa skwelahan naming magkakapatid.


"Ms Tagalog!" Tawag ng isang kaklase kong lalaki. Nilingon ko siya at tinitigan. Problema ng mokong na 'to?


"Ano?" Pasigaw ko na tanong.


"Sungit mo talaga. HAHAHA" Inirapan ko siya at umupo sa assign set ko. Pumasok ang isang teacher at nagdiscuss about sa subject na hinandle niya. Nakinig nalang kami at nag antay kung kelan matatapos tung teacher namin sa kakadaldal. Nagsunod sunod ang pumasok na teacher until the bell rang.


"Yahooooooo recess na." Sigaw ng mga boys sa klase namin.


"Cha tara canteen." Tumango ako at sumunod sa kanya papubtang canteen. Nagsiksikan yung mga studyante sa canteen kaya di na ako pumasok. Pagkatapos nang recess resume na naman ang klase. Natapos ang klase ng may biglang pumasok sa room namin.


"Dale" tawag ni Mim sa isang lalaking may dalang guitar. Tumingin ito sa banda namin at tinitigan ako. Napatingin ka? Duhhhh!


"Cha, siya si Rane Dale, choir member yan dito." Tinignan ko ng nakataas ng kilay ang katabi kong dumaldal.


"Share mo lang."


"Laina nimong batasan uy!" Alieng sabi niya. Pinanlakihan ko siya ng eyes ko. Tumawa lang siya at umalis, lumapit dun sa lalaking bagong dating.


"Mim, tara na uwi na tayo. Baka di pa tayo makakasakay mamaya sa labas." Tawag ko kay Mim na nakikipaghagikhikan pa sa lalaking yun. Inirolyo ko mga mata ko kasi di man lang ako pinansin ng babaeng tinawag ko. Nilapit ko siya at kinalabit.


"Ano? Wala lang narinig? Gusto mo bang bigyan kita cotton buds?" asik ko kay Mim. Tinitigan naman ako ng lalaking yun pero di ko siya tinignan. Duhhh in her dry dreams!


"Ayyy, hulat lang sandali, Cha, pakilala kita sa pogi naming amigo. Cha siya si Rane Dale," turo niya sa lalaki. "Dale, siya si Chalene. Transferre namo gikan Manila." Pakilala ni Mim. Tumango lang ang lalaki at ngumiti siya ng malaki. I smiled too but not as wide at his.


"Tara na kasi, Mim." Aya ko ulit.


"Tara ka apurado pud uy!" parang inis niyang sabi. Tinitigan ko siya na may pagkamaldita. Bumungisngis siya at nag peace sign. Lumabas na kami sa classroom ng bigla akong tinawag ng lalaking iyon.


"Cha, ang tangkad mo!”

One Time Been MineWhere stories live. Discover now