Chapter 3

10 2 5
                                    


Chalene POV



“Cha, ang tangkad mo!”



Nilingon ko siya nang marinig ko iyong sinabi niya. Natawa ako at tumalikod na para umalis.



“Uyy,” Inirapan ko si Mim. Tumawa ng malakas ang bruhildang kasama ko. Di ko nalang pinansin mga pinagsasabi niya.


“Tumigil ka nga, para kang ano jan.” sita ko sa kanya. Dahil nakakaburyo na yung pinagsasabi ng babaeng ito. Nag peace sign siya at ngumiti ng kimi. Inirapan ko siya. Paalis na yung sinasakyan namin ng makita ko yung lalaking nagngangalang Rane Dale, naglalakad papuntang Public Market.



“Uyy, anong tinitingin mo jan?” sabay lingon niya din sa tinitignan ko kanina.


“Wala,”



Days went very fast. And here I am, together with all the students in this school having a foundation day. It’s nutrition month so basically kung anong ginagawa pag ganitong event ay ginawa namin.


May paligsaan sa pasarapan ng putaheng iluluto every year level. May drawing contest. May sayawan, awitan, at tulaan na about sa kalusugan. Tapos may Lakan at Lakambini ding contest.


At nndito kami ngayon sa gym para manuod ng mga palabas. Required din kasi kaya wala akong choice kundi manuod. Ewan ko ba anong eskwelahan to napaka weird talaga.



Nagsigawan na ang mga estudyante kaya napatingin ako sa harap kung saan may kakanta. Nanlaki ang mata ko ng makita yung lalaking kaibigan nila Mim na may dalang gitara sa gitna ng stage at inaayos ang mic sa harap niya. Wow! Kakanta siya? Ayy, obvious ba, Cha? Nilingon ko si Mim sa kanan ko at tinanong na siya.


“Marunong siya?”



“Yes, ganda ng boses niyan. Makakalimutan mo kung saan ka galing. Hahaha,” animal tong si Mim, parang tanga.



“Let’s give a round of applause to our one of the campus choir Mr. Rane Dale Sarmiento.” May galak na sabi ng emcee. Syempre yung mga uto-utong estudyante pumalakpak naman. Ako? Duhhh, tamad akong ipalakpak kamay ko.


Nagsimula na siyang kumanta ng  Buwan by Juan Karlos. Hala, infairness ang ganda ng boses niya. Tinitignan ako ni Mim kung ano maging reaction ko kaya di ko nalang pinapakita yung pagkamangha ko sa ganda ng boses ng lalaking iyon.


“Ang ganda ng boses diba?” usal niya sabay kiliti sa tagiliran ko. Inambahan ko siya ng pitik.


“Isa pa Mim ha, makakatikim ka na talaga sakin.” Inirapan ko siya. Tumawa lang siya at sabay sigaw.


“Wahhhhh, Go Dale, inlove na si Chalene sa boses---” tinakpan ko baba niya na  nanlalaki yung mata sa sinigaw ng baliw’ng babaeng to.


“Bwesit ka! Nakakahiya!” sabay takip ko sa mukha ko kasi pinagtitinginan kami. Humagalpak sa tawa si Mim. At pati mga kaklase ko nakitawa na rin. Mga joiners! Iniripan ko sila isa-isa.


“Thank you Mr. Sarmiento sa iyong napakagandang harana sa mga binibining andito. Palakpakan na sabay hiyawan.” Emcee parang tanga. At ayun nagkagulo ang buong gymnasium, napakaingay tuloy.


The program went very slow, antagal natapos. Andaming ka ek-ekan, nakapagtapos pa ako ng bienteng kabanata sa binabasa ko bago natapos. Kaya nung natapos na syempre hapon na din kaya pinauwi na kami.


Nasa gate na kami ni Mim nang makita nain si Mr. Choir.



“Daleeeee…” malanding tili ni Mim.



“Oh Mim, uuwi na kayo?” tanong niya. Obviously, napairap ako.


Sinagot naman siya ni Mim at nag-usap na nga sila ng sila lang ang nakakaintindi. Kahit isa wala akong naintindihan kaya tiniis ko lang at inantay silang matapos. Hanggang sa inaya na ako ni Mim na umalis. Pero ang kinabigla ko talaga ay sumabay sa amin si Mr. Choir. Tinitigan ko si Mim nang nanliliit ang cute kong mata.


“Sasabay daw siya hanggang dyan sa kanto lang daw.” Ngisi ni Mim. “Ikaw napakasungit mo kaya ka matured tignan ey, di halata sa edad mong disi sais.” Inirapan ko siya at nilingon yung lalaking nasa kabilang tabi ni Mim.


Nagulat ako kasi nakatingin pala siya sa akin. Ngumiti ito ng nagtama ang mata namin.


“Ang cute mo,” he mouthed. Lumaki ng triple yung mata ko. Tumuwid ako sa paglalakad at never ko na talaga siyang tinignan. Awkward kaya. Para siyang tanga, bat nasabi niya yun? Bakla, amp!


Tumawa si Mr. Choir ng nasa intersection na kami. Pakaliwa kasi yung amin at sa kanya naman pakanan.



“Bye Mim at Cha. Salamat sa pagsabay sakin,” paalam niya. Tumango lang kami ni Mim. Kinawayan niya kami nang medyo nasa malayo na siya, kasi nakatingin parin kami ni Mim sa kanya. Tumigil ito sa pagkaway at sa paglalakad at hinarap kami ng maayos sabay sigaw.


“Cha, crush na ata kita!” he shouted.

One Time Been MineWhere stories live. Discover now