Chapter 6

1 0 0
                                    


Hindi ko maintindihan ang sarili ko. Sa mga naging reaction ko towards them, napag isip isipan ko na din, na kung saan siya sasaya, doon nalang din ako.

Ganyan naman kasi pagmahal mo d'ba? Kung saan siya sasaya, maging masaya ka na lang din. Susuportahan mo nalang siya patalikod. It hurts! Super!

Di ako magmomove-on kasi alam ko sa sarili ko na kahit may mahal siyang iba. Siya parin yung laman ng puso't isipan ko. Pasasaan ba't maghihiwalay din ang mga iyon.

Matatapos parin sila sa 'Salamat nalang sa lahat-lahat'.

I focus my all attention sa pag aaral at sa pag-choir ko pati narin sa pag wawattpad. Wala ng iba. Hinayaan ko nalang si Cha kung saan niya gusto. If ever na bumalik siya, I will gladly accept her no matter what.

Naging abala din ako sa pag aaral nitong mga nakaraang buwan. Di ko na alam kung anong balita na kay Cha. Si Mim wala na ding sinasabi sa'kin. Okay na din yun para naman di na ako masaktan pa.

"Daleeeee," nilingon ko yung tumawag sa akin. Si Kyth-gago lang pala.

"Oh, problema mo? Makasigaw ka parang may humahabol sa'yo."

"May nakita ako, bilis tanungin mo ko!" Natatawang usal niya.

"Tsk! Gago man tingali ka uyy, isulti na di kay mag-pasuspense ka pa." Asar kong sabi.

"Nakakuha ako ng isang napaka interesting na news." Ngising asong sabi niya. Kumunot ang noo ko at tatalikodan ko na sana ng bigla itong napatuloy sa pagsasalita.

"Do you know what? Breaking news Dale, usap usapan sa buong grade 9 na break na daw si Cha at yung jowa niyang STEM-12 student." Parang nabibigla niyang kwento, na parang shock na shock talaga siya sa nasagap na balita.

"Oh, paki hanap nalang ng pake ko." I said coldly.

"Ay! Ay! Ay! Naay pa ingun ana?" Asar ni Kyth sakin.

"Tsssss,"

.
Iniwan ko siya sa kinatatayuan niya at naglakad ako pabalik sa classroom. Ano kung hiwalay na sila? Kailangan ba talagang ipagsabi sa buong grade 9? Sabi na eh! Maghihiwalay din.

Ilang araw na ang lumipas noong nalaman ko na break na sila. At totoo nga kahit ngayon usap usapan pa rin sa buong grade 9 ang paghihiwalay nila.

Grabeng issue naman, di mawala-wala. Buti nalang di ako nagpapaapekto sa mga studyanteng nagtatanong sa'kin kung ano ba talaga ang totoong dahilan at kung bakit naghiwalay sila, baka daw may kinalaman ako. Like wtf? Nanahimik nga lang ako, eh.

Mga tao talaga, porket naging malapit ka lang sa kanya dati. At ngayon nga naghiwalay sila. Itsitsismis ka agad nang mga ganyan. May gagawa at hahanap ng ibang tao para masagot yung mga tanong nila. At gagawin ka pang ikaw yung may kasalan. Tsk, oh common whatta toxic people.

Hirap talaga pag gwapo ano? Madadamay ka nalang sa issue bigla kahit wala ka naman talagang ginagawang mali. Pero hayaan na kung anong iisipin ng ibang tao basta alam ko sa sarili ko na wala akong masamang ginawa sa kanila.

Basta ako focus lang ko sa'kong pag skwela wala na koy pakialam kung nagbulag sila. Di na nako na problema, di na ko muapil apil. Bahala pod ng mga taong ginabuhatan ko ug issue. It's their choice not mine. Pasasaan ba't mawawala din yan at matahimik.

Ipagpray ko nalang silang dalawa na sana maayos nila yung paghihiwalay nila at di sana mandamay ng ibang taong nananahimik.

Ilang linggo din ang issue na iyon. Buti nga lang di umabot sa mga guro at principal namin. Kasi kung nakaabot man nako malaking kahihiyan yon panigurado.

"Dale, tara muadto na ta." Mama inaaya akong umalis para makapunta na sa sementeryo. Undas ngayon kaya dapat magsindi kami sa mga namayapa naming kamag anak at sa namayapang pag ibig ko na rin. Pinaandar ko na ang motor at pinasakay si Mama.

Pagdating namin sa sementeryo nandun na yung mga Tiyahin, Tiyuhin at mga pinsan ko. Tapos na silang magsindi kami nalang ni Mama ang hindi pa.

"Dale, nganung karun pa mo?" Tanong ng pinsang kong si Rica.

"Tagal ni Mama, eh"

"Awww okay, sige sindi na didto." Tumango ako at nagsindi na nang limang kandila.

"Oh, lima lagi imuha?" Tanong ni Mama na nagtataka.

"Ipagsindi ko rin yung pag ibig kong pumanaw na, Ma." Biro ko sa kanya na natatawa. Binatukan ako ng mga pinsan kong nasa likod ko lang pala at nakikiusyuso.

"Istoryahe nimo, Dale." Sabi ng isang pinsang kong maloko rin.

Tinawanan ko lang sila, sa mga kantiyaw nilang di matapos tapos. Sa sementeryo na din kami kumain ng meryenda para daw kahit isang beses lang sa isang taon makasabay namin kumain yung mga kamag anak naming pumanaw na.

Taon-taon namin 'tong ginagawa kaya sanay na yung ibang taong dumadalaw din sa kanilang mahal sa buhay na mag iingay kami. Napapagalitan nga kami minsan ng mga tiyahin namin kasi ang ingay namin mag pinsan.

Basta talaga kaming magpinsan ang magkasama solid ang chismisan, asaran at lokohan. This kind of bonding will always be a memorable to us.

Balik skwela na naman. Panibagong pasok, panibagong lutang moments na naman sa mga lessons na di maintindihan.

"Lloyd, ipagpaalam mo ako mamaya ha,"

"Bakit?"

"Practice sa Choir, eh"

"Ah sige sige,"

Nagsimula na ang klase at ako naman nakafocus lang sa orasan ng classroom namin. Inaabangan kung kelan matatapos ang time nitong guro namin, na napakaboring kung magturo. Binibilang ko talaga kung ilang ikot na yung malaking kamay ng clock at ting. It's done. Another teacher will come.

"Excuse me, Ma'am!" Lloyd said.

"Yes?"

"Pwede po bang excuse muna si Rane Dale sa klase?"

"Why?"

"Choir practise lang po Ma'am." I said. Tumango ito at nilabas ang attendance sheet at may isinulat doon. Tumingin ito sa akin at tumango. Lumabas agad ako at tumakbo papuntang Choir Club Classroom.

Pumasok agad ako at dumiritso sa upuang may gitara. Pinulot ko ang giutar at nagstrum. Sabay napakanta.

"Galing talaga," palakpak na sabi ni Lyn. Tinawanan ko lang siya kahit nagulat ako sa pagpalakpak niya.

"Slight lang,"

"Asus pahumble pa"

Ngumiti nalang ako at nilagay ang guitar sa tabi ko. Kinuha ko ang cellphone ko sa bulsa at nag open ng messenger. Agad bumungad sa akin ang isang chat na galing kay Cha.

"Hi, Dale! Kumusta? Nagbabasa ka parin ba sa wattpad?"





You've reached the end of published parts.

⏰ Last updated: Oct 07, 2020 ⏰

Add this story to your Library to get notified about new parts!

One Time Been MineWhere stories live. Discover now