Chapter4

10 1 11
                                    

Chalene's Pov

Pagkatapos ng insidenteng iyon di ko na ulit siya pinapansin or tinitignan. Parang ako kasi yung nahihiya sa tagpong iyon. Kahit pa palagi siyang nagpapansin, waley parin sa ‘kin.


Isang mainit na umaga ang bumungad ng ako’y gumising sa araw ng Biyernes. Wala kaming pasok ngayon sa kadahilanang may seminar ang aming mga magtuturo.


I picked my phone and opened my messenger immediately. I saw my friend’s chat, classmate, GC and others. Isang Good Morning lang ang inireply ko sa kanilang lahat kahit na alam kung sobrang late na nang morning ko. I don’t care tho, basta nakabati ako sa kanila.


I open my facebook account and to my surprise andaming nag add sa akin. At isa na doon si Mr. Choir, shocks!


I stalk every person who add before I accept their Friend request. Mga classmate ko at schoolmate ko lang pala ang nag aadd sakin kaya inaaccet ko sila pero yung iba hindi, kasi di ko sila knows. At isa sa mga inaccept ko si Mr. Choir.


I put my phone on the table beside in my bed. I did my everyday routine.


“Cha, tulungan mo ‘kong magbenta ng ginanggang maya maya.” Tinignan ko si mama ng nakakunot ang noo at may pagtatanong.


“Ba’t ako?” tanong ko.


“Ba’t hindi ikaw?” balik niyang tanong. Langhiya naman, oo, nakakahiya kaya. Pero no choice ako, ano pa bang magagawa ko? Waley lang rin naman.


Ba’t ba kasi ako kinuha doon sa papa ko. Maayos naman buhay ko do’n at wala naman akong problema sa kinakasama ni papa.


“Tatawagin kita mamaya pag nakapaghanda na ako doon at nakapag ayos.” Si mama, tumango nalang ako at pumasok sa loob ng kwarto ko.


Kinuha ko phone ko at binuksan ito. Sa dinami-raming chat galing sa mga kakilala ko ba’t pa kay Mr. Choir agad ang nakita at nabuksan? Desisyon ‘tong kamay ko hmp!

"Hi, Cha"


"Late morning"


"Salamat at inaccept mo FR ko."


"Kumain kana ba?"


Ayyy, FC! Tapos pa fall din. Galawan ng mga pafall.


"Hello! No problem kumain na ako," Reply ko. Nireplyan ko din mga kaibigan at kaklase kung may mga chat sa akin.


"Mabuti naman. Pwede ba kitang makilala ng lubusan? At btw, wag mo sanang masamain yung sinabi ko last encounter natin."


“Cha, halika na tulungan mo na ako.” Tawag ni mama.


"Okay? Mamaya nalang ha, tutulungan ko pa si mama."  Paalam ko sa kanya bago ako nag log out at lumabas.


Nang nasa labas na ako at nakita si mama na nagpapaypay ng mga saging sa may uling na may apoy. Kumunit yung noo ko ng mapagtantong grilled banana pala ibinibenta niya.


Ngayon ko lang alam to. Natawa ako sa sarili ko at tinulungan na nga si mama para makabenta na kami, nang matapos na ito, nakakahiya! Di ako sanay sa ganitong buhay but like what I said I don’t have any other choice.


4 pm nang maubos yung paninda ni mama. Sobrang saya pala lalo na yung mga bata lang yung nakaubos ng paninda namin dahil inuuto ko silang bumili. Ayun pabalik balik sila. Haha, ubos pera ng mga magulang nila.



Nasa sala ako nanunuod ng tv ng maalala ko yung phone kung nasa kwarto ko. Dali-dali akong tumakbo papasok sa kwarto. Sinigawan ako ni mama na magdahan dahan, kasi para daw akong kiti-kiti kung makatakbo kala mo may humahabol.


May chat ulit si Mr. Choir, kaya napangiti ako. Sobrang dami ba naman, sinong di makakangiti jan? Choss ganitong chat pafall lang ‘to.


Tapos kapag na fall kana. Jan ka nila iiwan ng nakatunganga. Edi boom, sakit inabot mo.


Pero sa chat nagsimula ang lahat. Naging magkaibigan kami ni Mr. Choir, kada tanghali nasa room namin siya.


Kwento-kwentuhan lang getting to know each other daw sabi niya. Pero I don’t mind naman kasi wala namang mali di ko naman siya gusto. Ewan ko na lang sa kanya.


Every night din nagchachat kami. Walang palya. Minsan nga late na kami makakatulog.


Late nights talk is the sweeties daw pero di ako naniniwala.


We talked about our hobbit. Mine is reading wattpad. Him is singing.


"Di ba nag babasa ka sa wattpad?" tanong niya nang magkachat kami.

"Yes, Why?"


"Gusto ko din sanang magbasa. Gusto kong mapantayan yang hobbies mong yan. Actually nakapag log in na ako. Any story to suggest?"


Nabigla at namangha ako sa sinabi niya. Like, what? Magbabasa siya? Nakangiti ko siyang nireplyan.


"Wahhhhhh!!! O-M-G!!! I have so many stories to suggest. Just wait! Pero totoo ba talaga yan?" parang ayaw kong maniwala pero naexcite ako.


Kasi noong nakaraang araw topic namin yung hobbies ko at yung pag wawattpad ko ang pinag uusapan namin. Sabi niya gusto niya ring magbasa para may alam din siya sa hobbit ko at di na siya ma OOP pag about sa wattpad na kinukwento ko.


Kinukwentuhan ko kasi siya pag naiinis ako sa mga character na binabasa ko. Lalo na pag nakakaiyak sa kanya ako mapapakwento. All ears din naman siya kaya bet ko rin. Di ko lang inexpect na magbabasa na din siya.


"Yep. Totoo nga. Wait I'll send the ss of my wattpad account."


Sinend niya nga at totoo nga. Apaka naman ng gagong to. Masyadong pa fall buti nalang di maluwag gartier ng panty ko. Lul!


Months went very fast. We become more closer when he started reading the wattpad stories that I have suggested. Syempre grabe yung tuwa ko kasi napasok niya din yung mundo ko. But my world stop when he ask me personally. Face to face.


“Cha, can I court you?” my face heated on what he just said.


“Do I have a chance?” he said pleading. But, all I can say is.


“You’re not my type!”

One Time Been MineWhere stories live. Discover now