Chapter Four

11 0 0
                                    

"He seemed nice." Simpleng komento ni Noshka ng sa wakas ay mameet na nito si Ferdie. Isinama niya ito sa ocular dahil malaki laki ang project na ito.

They were able to schedule after two weeks. Sobrang hectic kasi ng schedule ni Fernando Jose, he is in and out of the country with their business.

"Is Alec still courting you?" Tanong ni Noshka. After three days ay tinawagan siya ni Alec para humingi ng dispensa.

They met for old times sake. Ipinaliwanag lang din nito ang relasyon nito sa Robin na iyon. He admitted he dated the guy. He said sorry for not telling her that he is bisexual.

And he genuinely wants to have a relationship with her.

She told him the truth, na hindi siya sigurado kung gusto niya din iyon sa ngayon.

Hindi na ito tumigil sa pagpapadala ng kung ano ano sa kanya mula noon. "I told him to stop."

"Magkakaalergy na ko sa bulaklak sa ginagawa niya." Masungit na ani Noshka.

Magkatulong sila ni Noshka na nagsukat ng sala at kusina. Pinaghatian din nila ang apat na bedrooms na ayon kay Fernando Jose ay gagawing study ang pinakamaliit. Tama lang ang laki ng bahay para sa pagbuo ng pamilya, malaki din ang grounds kaya pwedeng magexpand kung gugusguhin.

Sinabi niya na kay Fernando Jose na kakailanganin nila ng landscape designer para sa backyard at garden.

Nang matapos sila ay nagaya si Ferdie na kumain muna pero tumanggi na si Noshka dahil may gagawin pa daw ito sa opisina.

Malapit lang din sa exclusive subdivision ang restaurant na pinuntahan nila. Ipinakita ni Jing kay Fernando Jose ang mga sketches niya para dito

"Kelan ka pwede? May kausap na akong suppliers para sa furnitures."

"You can do it for me." Panay na ang buklat nito sa sketch book niya. "I trust you."

"A house is something personal, kahit konting pieces lang."

"I trust your judgement on this, Ive seen some of your work."

"I value your trust, this is my job. Pero syempre I have to know more of your personal preference." Hindi naman na ito nagsalita. Hindi niya tuloy alam kung sineseryoso siya nito.

"I think I should see your pad then." Nagtatanong ang mga mata na tinignan siya nito. "Oo, that way I know what you like and what you hate. Im not shooting on the dark on this."

"Ok." Pagpayag nito. Hindi niya na ito ginambala dahil inenjoy niya na ang inorder na pagkain. Nadeplete ng tunay ang energy niya sa ginawa maghapon.

Hindi niya tuloy napansin na tumigil na sa pagtingin sa sketches niya si Ferdie at pinapanood nalang siyang maganang kumain.

Dahil favorite niya ang Kare-kare ay iyon ang nilantakan niya. Hindi mahilig magluto ang Mommy niya, pero kung may pagkain siyang naaassociate dito ay Kare-kare iyon. Walang handaan sa bahay na walang Kare-kare at bagoong.

Natigil siya sa pagkain ng magangat ng mata at nakitang nakangiti lang si Ferdie.

'What?" Tanong niya agad.

Kumuha ito ng tissue at pinunasan ang gilid ng bibig niya. Nahihiyang dumiretso siya ng upo at kumuha din ng tissue para punasan ang sarili. "Sorry, ang takaw ko."

"Thats fine. You had a long day." Tumango nalang si doon saka mas naging mindful na sa pagkain.

Pagkatapos nilang kumain ay dumiretso na sila sa unit nito sa Makati. Sinalubong sila ng doorman na kumpleto ang uniform.

Busy si Fernando Jose sa cellphone nito habang paakyat sila. Shes not new to this kind of luxury condo units pero sa isip niya ay napakaimpractical na tumira sa ganoon.

Nasa top floor ang unit nito na may kasamang isa pang unit.

"Feel at home. I just have to send something." Ani Fernando Jose ng makapasok sila sa unit nito na sobrang masculine.

Binuksan niya ang nakitang humidifier saka nagikot.

Napakageneric ng nasa paligid. Two bedrooms, two bathrooms, kitchen and common area. Gray and white.

May art pieces sa mga dingding. But she wonder if its his personal buys.

Wala man lang itong picture o ang pamilya nito. Pumasok siya sa study kung nasaan ito. Iyon lang ata ang lugar sa bahay na iyon na nagagamit.

She saw a scrabble board. "Do you play?"

"Matagal ng hindi."

"I still dont have a clue." Ani niya. "Everything is too masculine and sharp, and you mentioned you want something homey." Inilabas niya ang sketchpad niya at nagsimulang magdrawing.

She worked while he worked.

Hindi niya napansin na sobrang late na kung hindi lang tumunog ang cellphone niya. Its her Mommy asking where she is.

"I need to go."

"Ihahatid kita."

"No need." She browsed for Uber.

Tumayo ito at mabilis na kinuha ang susi ng kotse. "Come on."

Sumunod nalang si Jing.

Saktong alas diyes ng iparada nito ang kotse sa harap ng bahay nila. Natanaw niya agad ang Mommy niya na nagaantay sa may pinto ng bahay.

"Thank you." Akala niya ay aalis na ito agad. Pero bumaba pa ito at pinagbuksan siya ng pinto. Nasa gate nadin si Mommy.

"Oh, Fernando Jose. Ikaw pala yan."

"Good evening Tita." Magalang na bati ni Ferdie sa Mommy niya. Hindi niya mabasa kung anong iniisip ng Mommy niya.

"Hi Mommy."

"Pumasok ka na Jingjing at gabi na."

Nang makapasok ang Mommy niya ay humarap siya kay Fernando Jose. "Thank you ulit. Ill have the plan ready in three days."

"Sure." Isinuksok nito ang dalawang kamay sa bulsa at simpatikong ngumiti. He really is charming, "Ill see you."

"Bye.."

'Pumasok ka na."

'No. Sige na, alis ka na."

"Pumasok ka na, baka kung mapano ka pa dito."

"Nasa harap na ako ng bahay namin."

"Fine." Dumiretso na ito ng tayo at kinurot ang pisngi niya. "Ill see you soon."

Natulala siya dahil sa ginawa nito. He waved before he drove off.

"Boyfriend mo?" Napatalon si Jing sa kinatatayuan ng magsalita ang Ate Abby niya. Hindi niya naramdaman na lumapit ito.

Jing pouted and shook her head to many times. Inaalis ang agiw sa utak niya. "Hindi no. Kliyente ko."

Tumaas ang kilay nh kapatid. Manang mana ito sa Mommy nila. "E bakit kinikilig ka? Jing ha, be professional."

"Professional ako." Giit niya. Nirolyohan lang siya ng mata nito saka pumasok na ulit.

Ang lakas lakas ng kabog ng dibdib ni Jing.

Leave Only KissesWhere stories live. Discover now