Chapter Six

11 0 0
                                    

Ang gaan gaan ng pakiramdam ni Jing ng mga nakalipas na araw. Hindi niya din alam kung bakit.

Nasa condo unit siya ngayon ni Laurel para isupervise ang pagiinstall ng bagong furnitures nito. Nang maiayos ang bedroom ay inihang niya nadin ang almost nude picture na specifically na pinagawa nito. Sobrang confident ng babae.

"Salamat mga kuya." Ani niya sa mga contractor ng magpaalam ang mga ito na aalis na.

Nagpaiwan pa siya para ilagay ang finishing touches. Inayos niya ang mga picture frames sa dapat niyong kalagyan at inilatag sa magazine rack ang kabibili niya lang na mga magazines.

Natigil siya ng makita ang mukha ni Fernando Jose sa isang cover. Hindi naman iyon full blown na feature kundi maliit na side picture lang, may kasama itong dalawang matandang lalaki doon na pawang nakangiti. Naka suit and tie ang mga ito.

Nang buklatin niya ay para iyon sa company merger ng isang kilalang wine company sa Italy at ng local producer na pagaari ng mga Valerio.

"This is great." Napatalon siya sa kinatatayuan ng bigla nalang nagsalita si Laurel. Nandoon na pala ito. Pinakawalan nito ang alagang aso habang tinitignan maigi ang paligid. "Sorry if I startle you. I knocked." Sandaling nagisip si Jing kung sarkastiko ba ito.

"No worries." She cleared her head. "Welcome to your new bedroom."

"Ha!" Ibinagsak nito ang sarili sa bagong kama.

"This is better than the hotels."

"Aalis na ako, enjoy.."

"Wait."

"Yes?"

"Alec told me that youre not answering his calls. Arent you still together?"

"Hindi naman naging kami.."

"He had been pestering me since we started the project, he wanted to come here pero sinabi kong banned siya sa building."

"Salamat.."

"Alec is a friend but seriously, he should have told you. Napakabait ni Alec, we grew up together and I know his confusion. You see he grew up with his mom and six sisters doting on him kaya medyo feminine siya. Robin is a model, nakawork ko siya and I introduced them some years ago and they had a short relationship." Tumango siya dahil hindi niya na alam ang sasabihin. "Well, its up to you."

"Aalis na ako." Sa totoo ay hindi niya na nga pinapansin si Alec. Nakukulitan nalang talaga siya sa mga ginagawa nito.

Hindi sa sarado ang isip niya sa sexuality nito. She just cant picture him as anything else anymore.

Pagdating sa opisina ay wala doon si Noshka. Nagtrabaho siya hanggang magdilim.

Nagorder siya ng pagkain ng kumalam ang sikmura niya.

Nang marinig na may nagdoorbell ay mabilis na nilabas niya iyon. Only to find Alec standing on their doorsteps. "Hi, can we talk?" Nakangiting tanong nito. He is still the dashing Alec though nagbago talaga ang tingin niya dito.

"I- kukunin ko lang ang gamit ko."

"Para sayo nga pala." Iniabot nito ang pumpom ng bulaklak. Wala na siyang nagawa kaya tinanggap niya na.

Kinuha niya ang mga gamit at niyaya na ito. Ibinilin niya nalang sa gwardya ang order niya at binigyan ito ng pambayad.

Nagpunta sila ni Alec sa isang restaurant. "Iniiwasan mo ba ako?" Tanong nito.

Ang awkward para sa kanya ng sitwasyon nila. Here is a guy she thought she really like and dated fir quite a while, "Sa tingin ko Alec naging honest naman ako."

"Is it because Im bi?"

"Hindi naman."

"It is because of it." Puno ng pait na konklusyon nito. Hindi niya din alam kung ano pang sasabihin dito. "This is why natakot ako na sabihin agad sayo." Hindi siya sumagot doon. "We were happy, hindi ba?"

"We had our moments." Tanging sagot niya. "We can be friends.."

Ngumiti lang ito ng mapait. Nagconcentrate na siya sa pagkain dahil wala na talaga siyang sasabihin.

It was a very long dinner.

Hindi sila gaanong naguusap. She was playing with her food when a party of people passed by them. Napaangat siya ng tingin ng maramdaman na may nakatingin sa kanya.

It was Ferdie. May mga kasama ito na pawang nakapormal din tulad nito.

"Jing.' Tawag sa kanya ni Alec. "Im sorry for what happened. Please know that I appreciate you." Hinawakan nito ang kamay niya.

"Thank you."

"Hi." Hindi nila napansin na nasa harap na ng lamesa nila si Ferdie. Sa kanya lang ito nakatingin.

"H-Hi." Binawi niya ang kamay kay Alec. Hindi komportableng pinaglipat lipat niya ang tingin sa dalawa. "Alec, client ko si Mr. Valerio."

"I remember him." Ani Ferdie na tinignan mula ulo hanggang paa si Alec.

"Are you done? I have some concerns regarding my house."

"Tapos na ang oras ng trabaho ni Jing."

"Excuse me?"

"Alec, its fine. Palagi din kasing busy si Mr. Valerio." Awat niya. Nagsusukatan kasi ng tingin ang mga ito. Tinignan ko ang mga kasama ni Ferdie at nakatingin na ang mga iyon sa kanila.

"Good. Halika na." Kinuha ni Ferdie ang mga gamit niya at nauna ng lumabas. Nagpaalam agad siya kay Alec.

Inabutan niya si Ferdie sa labas ng restaurant na nagaantay.

"Ano yon?"

"You look uncomfortable." Kibit balikat nito. Nang maglakad ito ay sumunod na siya dito.

Hindi na ganon kadami ang tao sa paligid.

"Paano yung mga kasama mo doon?"

"Dad will take care of them."

"Nandoon ang Daddy mo?"

"Yes."

Inihatid siya nito hanggang sa building ng opisina nila.

"Salamat."

"If you feel uncomfortable dating someone, you shouldnt do it." May hinawi ito sa pisngi niya dahil medyo lumakas ang hangin. "Its late. Umuwi ka na at baka abangan ka na naman ng Mommy mo.

"Salamat ulit." Tumango lang ito at iminosyon na umakyat na siya.

Parang lumulutang sa alapaap ang pakiramdam ni Jing habang naglalakad papunta sa kotse niya. Hindi niya nalang ata crush si Ferdie. Pero pinigilan niya ang sarili ng maalala si Laurel.

Obviously mga katulad ni Laurel ang bagay dito.

Yun pwedeng ibalandra sa magazine covers. Yun sa sobrang taas ng confidence, kayang magpapicture ng walang damit.

Ang weird lang ng naiisip niya. Hindi naman siya pangit, pero hindi kasi talaga. Nasanay na siya na habang lumalaki, tulad ni Alec, ay puro pretty boys ang nakakarelasyon niya.

Leave Only KissesWhere stories live. Discover now