Chapter Eight

6 0 0
                                    

"Nililigawan ka ba ng Fernando Jose na yon Jing jing?" Natigil si Jing sa pagsubo ng nilalantakang strawberry ng magsalita ang Daddy niya. Sunday kaya nasa bahay lang siya at nanonood ng movie.

"Hindi po." How I wish, sa isip isip niya.

"Napapadalas ang hatid niya sayo."

"Natataaon lang Dad."

"Alam mo na ayaw ko na umaasa kayo sa iba ng Ate mo. Baka mamaya may hingin yang kapalit."

"Dont worry Dad, tatandaan ko yan." Tumango na ito at iniwan siya.

Itinuloy na ni Jing ang panonood.

Maya maya ay ang Mommy niya naman ang lumapit sa kanya.

"Nagkausap na ba kayo ng Daddy mo?"

"Yes Mommy, pinagsabihan niya na ako."

"Para sa inyo din iyon. Though hindi naman ako tutol sa anak ni Leti, alam kong aalagaan ka ng magiging byenan mo."

"Biyenan agad?"

"Sa tanda mong yan, dapat ay asawa na ang hinahanap mo."

"Bakit si Ate hindi niyo naman pinipilit magasawa?"

"May boyfriend ang Ate mo. Ikaw wala."

"E di maghahanap."

Itinuro nito ang damit niya. "Ayusin mo ang itsura mo, mukha kang maglalaba sa sapa. Pano ka makakahanap ng boyfriend ni hindi ka marunong magsuklay."

Natatawa nalang siya sa Mommy niya. Wala ma itong nagawa ng yakapin niya at hatakin na maupo.

Matagal nadin silang hindi nagbobonding nito. Nakatatlong movie sila nito, puro legal thrillers dahil ayaw din nito ng romance at romcom.

Nang maghahapunan na ay saka lang kami tumayo para tumulong kay Manang Sol na magluto. Hindi taong bahay si Mommy kaya kasama na namin si Manang Sol mula pagkabata. Parte na ito ng pamilya nila.

Nang magalas syete ay dumating na si Ate Abby. Nakipagdate ito sa boyfriend nitong si Paco na isa ring abogado.

Hindi man lang nito inimbitahan ang boyfriend na pumasok. Ang dahilan nito ay kailangan niya ng magpahinga.

As usual ay sabay sabay silang naghapunan. Its one of her parents rule, Sunday dinner is our time as a family.

Mabilis na lumipas ang mga araw. Sa sobrang bilis ay hindi na napansin ni Jing na anniversary na ng parents niya. Mabuti nalang at may alarm siya sa phone para doon.

Nang tawagan niya si Abby ay may regalo na daw ito pero ayaw nitong sabihin. "Baka magkapareho tayo ng regalo." Napatingin sa akin si Noshka na busy sa pagbuo ng perspective nito.

"I doubt it. Just pick something, I need to go." Nakasimangot na ibinaba niya ang telepono.

"How bout trip abroad?" Ani Noshka.

"I cant. Pinaglalaanan ko yung kotse, ayoko naman na sila pa ang bumili para sakin."

"Enroll in a law school."

"Gastos din nila."

"Ilang taon na ang parents mo?"

"Thirty years."

"Pearl or Diamond." Suhestyon nito. Jing started browsing the internet for ideas.

Nang walang makita ay nagpaalam siya kay Noshka na lalabas muna. Pumunta siya sa pinakamalapit na mall at doon naghanap.

Nagtitingin siya ng stationaries ng tumunog ang cellphone niya.

Sekretarya iyon ni Fernando Jose na si Dory. "Hi Ms. Jing, Im calling to ask if youre available tomorrow? Mr. Valerio is inviting you to lunch."

Leave Only KissesWhere stories live. Discover now