Prologue

72K 1.4K 23
                                    

Prologue

"Emi, tama na! Lasing ka na oh!" pag-awat ng kaibigan ng dalagang patuloy lang sa pagtungga ng mga bote ng beer na nasa harapan nito.

Masyado na siyang lasing at naadik na siya sa alak na pina-inom sa kanya ng mga kaibigan.

Kasalanan rin naman nila kung bakit lasing na lasing ito ngayon. Pinilit kasi nilang pa-inumin ito ng beer dahil good girl ito at hindi gumagawa ng mga bagay na alam niyang makakasama sa kanya.

Ngunit hindi alam ng dalaga na nakakasama pala ang pag-inom ng alak. Napaka-inosente kasi nito.

Hopeless na napatingin na lang dito ang kanyang mga kaibigan. Nagsisisi na sila na pina-inom nila ng alak ang kaibigan. Hindi naman kasi nila alam na ganito pala ito kapag lasing at hindi naman nila ine-expect na maaadik ito sa alak.

"Lagot tayo kay Kuya Xander nito." kinakabahang saad ng isa sa mga kaibigan ng dalaga. Siya si Yna Marie Lee. Ang pinsan ng dalagang naglalasing.

"Hala. What are we gonna do?!" nagpapanic na tanong ng isa pang kaibigan nila Yna. Si Queen Menchie Sarroso. Ang tinaguriang conyong bratinella ng grupo.

"Tss. I am out of this mess." malamig na pahayag noong isa pa. Siya naman si Claudia Bella Xi. Ang pinaka-cold at tahimik sa grupo.

"Hihihihi!" wala sa sariling hagikgik ng lasing na dalaga.

Napatingin naman silang tatlo sa lasing na kaibigan.

Itong dalaga naman na 'to ay si Emina Yesha Sejuru.

Isang inosenteng babaeng nalasing nang dahil sa kanyang mga kaibigan.

Married To A Gang Captain (2016)Where stories live. Discover now