Chapter 1 - Last Night

59.3K 1.1K 31
                                    

Chapter 1 - Last Night

EMINA YESHA

Unti-unti kong minulat ang aking mga mata at dahan-dahang umupo mula sa pagkakahiga. Pero napahiga rin agad ako nang makaramdam ako ng parang paulit-ulit na pagpukpok sa ulo ko. Ugh!

"Awww!" daing ko habang hawak-hawak ang ulo ko.

"Finally, you're awake. Tss." wika ng isang malamig at 'di pamilyar na boses.

Gulat na napatingin naman ako sa pinanggalingan nito.

"KYAAAAAA! SINO KA?!" sigaw ko at pinagbabato siya ng mga unan na nakuha ko sa paligid ko dito sa kama.

Nakaka-iwas siya sa mga unan na binabato ko! Kahit tatlo-tatlo na ang binabato ko! Oh, cool– Aish! Focus, Emina!

"Hey, calm down! Stop it! Damn–" natamaan siya sa mukha kaya napatigil ako. Teka... n-nagmura ba siya?

"Waaaaah! Bad ka! Nagmumura ka! Layuan mo 'kooo!" sigaw ko at ipinagpatuloy ang pagbabato sa kanya ng kung anu-anong bagay na mahawakan ko na madali niya namang naiiwasan. Nabato ko na kasi lahat ng unan eh.

Kumuha ako ng isang bagay na nakapatong sa table na katabi ng kama at akmang ibabato ko na sa kanya nang pigilan niya ako.

"Hey... W-what are you going to do with that lampshade?" kunot-noong tanong niya. Kita din sa mukha niya ang kaba habang nakatingin sa hawak-hawak ko. Napatingin naman ako sa hawak ko. Lampshade pala 'yong hawak ko.

Napatingin ulit ako sa kanya. "I'm gonna throw it at you?" patanong na sagot ko. Hindi ako sigurado kung kaya ko bang manakit ng tao, kahit pa ang isang taong hindi ko kilala tulad niya. Sabi ni Mama, masama daw manakit ng kapwa.

Sinamaan niya ako ng tingin. "Don't. You. Dare." matigas na banta niya.

"Hehehe." dahan-dahan ko namang ibinaba yung lampshade at ibinalik sa dating pwesto nito.

Napasuklay naman siya sa kanyang buhok at bumuntong hininga. "Damn it."

Waaaaah! Nagmura na naman siya! Bad iyon! Baaad! Hindi ba siya tinuruan ng mama niya na masama ang magmura? Hays!

"Waaaaah! Bad kaaaa!" sigaw ko ulit at hinawakan ang kumot na nakabalot sa akin (sa 'di malamang dahilan) at ibinato iyon sa kanya.

Tumama iyon sa mukha niya pero mukhang hindi naman siya natinag dahil nakatitig lang siya sa'kin. Eh? May dumi ba ako sa mukha? Hinawakan ko ang mukha ko at wala naman akong naramdaman na magaspang or what. Minsan kasi nararamdaman natin kung may dumi tayo sa mukha, 'di ba?

"S-sexy..." bulalas niya habang nakatigagal pa rin.

Kumunot ang noo ko. Sexy?

Napatingin ako sa katawan ko. Agad na pumunta lahat ng dugo ko sa katawan sa ulo ko.

Pinagbabato ko siya ng mga gamit na malapit lang sa'kin, pati 'yong lampshade kanina ay ibinato ko rin sa kanya.

"MANYAAAAK! HUHUHU! LUMABAS KA DITO! WAAAAAAA!" sigaw ko habang pulang-pula na ang mukha.

Lumabas naman agad siya nang makita niya ang flying lampshade na patungo sa kanya.

Sakto namang pagsara niya ng pinto ay ang pagtama ng lampshade dito.

Kainis! Bakit 'di pa siya natamaan?!

Napayakap ako sa sarili ko habang pulang-pula pa rin ang mukha ko.

"A-anong... nangyari kagabi?" mangiyak-ngiyak kong tanong sa sarili ko.

I'm naked. May blood stains sa kama. May lalake sa kwarto ko.

T-teka, hindi ko 'to kwarto!

W-what happened last night?!

Mama! Huhu! Help!

Married To A Gang Captain (2016)Where stories live. Discover now