Chapter 2 - Instant Husband

50.3K 1.1K 38
                                    

Chapter 2 - Instant Husband

EMINA YESHA

"MAMAAAAA!" sigaw ko nang makita ko sina Mama at Papa na nasa sala ng bahay na ito.

Nang lumabas na kasi 'yong manyak na 'yon, agad akong nagbihis gamit ang mga damit ko kagabi na ngayon ay halatang nalabhan na. Tapos ang sakit nga ng ibabang parte ko eh. Nahirapan tuloy akong bumaba ng hagdan. Huhu.

"Yesha, sweetie." malambing na tawag sa akin ni Mama. Sinalubong ko naman siya at niyakap. Huhu. Mama ko.

"Mama! Waaaa!" pagmamaktol ko.

"My dear Yesha." si Papa.

"Papaaa!" hiyaw ko pero nanatili pa rin ako sa yakap ni Mama.

"Tss. Noisy." Teka? Boses 'yon ni Manyak ah?

Bumitaw ako sa pagkakayakap kay Mama at luminga-linga. Nakita ko naman ang salubong na kilay ni Mr. Manyak.

"MA, PA! Sinaktan niya po ako!" pagsusumbong ko kina Mama at Papa habang naka-nguso at nakaturo sa kanya. Hah. Akala niya ah! Lagot siya! Mwehehehe!

"We know, anak. Sobrang sakit ba?" tanong ni Mama. Eh? Anong masakit?

"Hindi naman po. Pero nahirapan po akong bumaba kanina." sagot ko.

"Ganyan talaga kapag first time, anak." natatawang sabi ni Papa.

"Eh? First time?" nagtatakang tanong ko. First time? Saan?

"First time sa-" naputol ang sasabihin ni Papa nang sumabat si Mr. Manyak.

"Ah. Lunch is ready. We should eat." sabi nito.

Natawa naman si Papa. "Okay then." tinignan niya ako. "Yesh, eat a lot okay? You, too, Chance." tumingin naman siya kay Mr. Manyak. "Alam kong napagod kayo kagabi."

Eh? Bakit kami mapapagod kagabi? Naglaro ba kami? Ang weird ni Papa. Haayy!

"Hahaha! You're red, hijo. O siya, halika na-Ay teka. We still haven't introduced you two properly." saad ni Mama.

Hinarap ni Mama si Mr. Manyak na hindi nakatingin sakin.

Infairness ha. Ang gwapo ni Mr. Manyak. But I prefer to call him cute! Hehe!

He has dark messy hair, jet black eyes, pinkish lips, and has two cute dimples na kahit hindi siya nakangiti ay kitang-kita pa din. Naka-black leather jacket siya, black jeans, at black leather boots.

May pupuntahan yatang patay si Mr. Manyak eh? All black kasi eh.

"Yesha, this is Klein Chance Rochefort." pagpapakilala niya. Tumango-tango ako.

"...Your husband."

Tango lang ako ng tango at napatigil lang ako nang magsink-in sa'kin ang sinabi ni Mama.

Nanlalaki ang aking mga mata nang tignan ko si Mr. Manyak. Gulat na tinuro ko ang manyak na nasa harapan ko.

"H-husband?!"

He smirked.

"Hello..."

Waaah! May husband agad ako?! 'Di ba pwedeng boyfriend muna?! Huhu!

"...wife."

Unfortunately, no. Huhu.

Married To A Gang Captain (2016)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon