XlV

234 15 0
                                    


Finn POV

"Hoii ano ba bakit moko hinahatak sa sakayan ng jeep ha!" reklamo ko.

"Pupunta tayo ng sm!" masayang sabi niya.

"Hoii akala ko isaw lang ayoko! Uwi na tayo!" sabi ko.

"Tara minsan lang naman tayo magsaya ah" sabi niya.

"Oh tara na" kinukunsenya naman ako nito.

Sumakay kami sa jeep at isang sakayan lang naman. Na excite akong lumabas matagal naring hindi kami na kalabas ng school.

Bumaba kami sa tapat ng Mall ang laki saka maganda ah. Ibang iba sa probinsiya dun kasi palengke lang hihi.

"Sandali anong gagawin natin?" tanong ko.

"Mag wi-window shopping tapos kakain" sagot niya.

"May pera ka?" tanong ko baka wala na kaming ipamasahe mamaya.

"Ako bahala!" sagot niya kaya lang hindi ako naniniwala dito kaya kumuha ako ng pera sa wallet at saka itinabi sa bag para hindi magastos.

Maganda dito madaming tao at madaming estudyante at kung baguhan ka talaga dito siguradong maliligaw ka.

Pumasok kami sa isang botique yung pamilihan ng damit na magaganda kaso manipis.

"Tingnan mo oh maganda nakagalaxy type siya at malambot" sabi niya.

Oo maganda kaya tiningnan ko kong magkano ang presyo namilog naman ang mata wow ha 1,500 ang sakit na sa bulsa.

Tumingin ako kay Zane saka napangiti ng mapait sa relepan nalang tayo mabuti pa 100/3.

"Hoii ano kaba kung gusto mo..edi pagiponan mo!" sabi niya.

"Ayoko!" sagot ko.

Kaya umalis naman kami dun pumunta kami sa bilihan ng sapatos.

"Welcome sir" sabi ng saleslady.

Ang ganda naman kaso ang bigat sa bulsa ano bang ginamit nila sa paggawa nito.

"Ang ganda naman nito naka galaxy tas gusto kong bilhin kaso 4,500 ang presyo" sabi ko sa isip ko.

Yung gustong gusto mo talaga ang isang bagay kaso ang hirap abutin kasi wala kang pera.

"Finn tingnan moto!" sabi niya.

"Ang ganda naka army type siya kaso ang mahal 4,500" sabi niya halos naman dito 4k pataas na eh sinong bibili dito sobrang expensive.

"Tara na dun tayo sa bilihan ng wrist watch siguradong may maganda dun!" sabi niya.

Pumunta kami dun oo maganda nga sila kaso ang mahal talaga. Hindi talaga kaya ng budget oo ng isang taon.

"Ano ba yan ang mahal naman!" bulong ni Zane na kahit dito ay rinig na rinig ko.

Tinap ko naman ang balikat niya na parang sinasabing okay lang yan mabibili din natin yan.

"Maganda sana kaso ang mahal" favorite ko pa naman yung galaxy design.

"Uwi na kaya tayo?" sabi ko.

"Ayoko muna!" sagot niya.

"Nag away kayo?" tanong ko.

"Hindi ah" defensive na sagot nito.

"Alam ko iniiwasan mo siya halata naman oh may pa ano ano ka pang nalalaman" sabi ko.

"Kasalanan ko pa?" sagot niya.

"Ewan ko sayo oh tara na kumain na tayo 6:45 na oh baka hindi na tayo pagbuksan ng gate mamaya" sagot ko.

Tumungo naman kami sa milktea? Hindi ko gusto yan ang pait na hindi ko alam yung lasa.

"Kakain tayo Zane!" sabi ko.

"Milktea tayo libre ko!" sabi niya.

"Ikaw nalang!" sagot ko hindi kaya ng ginhawa ko.

Habang naghahantay ng order niya ay tinawag ako ng kalikasan badtrip alangan isama ko pa si Zane.

"CR muna ako babalik agad ako promise" saka pumunta sa cr.

"Ang layo naman saan ba ang c.r dito feeling ko nawawala na ako" sabi ko sa isip ko.

Ayon pala may comfort room oh bakit may tanod dyan este bodyguard anyari.

"Excuse padaan po!" sabi ko pero ni hindi nga sila gumalaw.

"Excuse me po iihi muna ako hello?" sabi ko ulit naiihi na ako nangangatog na ang pantog ko.

Ilang sandali lang ay umalis ito ang weird lang. Pumasok ako sa boys comfort room alangan naman sa babae.

Habang umiihi ay may narinig akong nagrarambulan tapos umungol.

Sumilip ako oh sh*t Jaxson? At Jonaxx? Anong ginagawa nila dito.

"Please ayoko na!" sabi ni Jonaxx naalala ko pa kung gaano ka gwapo ang isang 'to.

"Anong ayaw muna hindi pwede na si France ang mahalin mo ako! Ako lang maliwanag!" sigaw niya kaya umalingawngaw naman sa loob ng comfortroom kaya pala may bodyguard ganun?.

"Ang bastos mo!" sigaw niya at rinig na rinig ko ang tunog dito.

"Heh! Pwes ayaw mong mahalin ako...edi ito nalang!" sabi ni Jaxson.

Hindi ko alam kong sino ang tinutukoy niya basta ang nasaiisip ko ay kung paano makabalik sa milktea shop.

"Bakit siya? Ha! Bakit ang inosente pa! Wala ka talagang modu" sigaw niya.

"Eh siya lang ang makakapuno dito oh! Siya lang at siya ang babayad ng kasalanan mo! Tandaan mo bakla! Ang katulad niyo ay dapat iniiwan sa ere!" sigaw niya.

Ilang sandali pa ay nawala ang sigawan at napalitan ng humihikbing lalaki sa loob kaya sumilip na ako.

"Kawawa ka naman Jonaxx bakit ka ginaganyan ni Jaxson kaya pala hindi kayo nagtagal sa school nayun dahil napakabrutal naman pala ng mayabang na yun" sabi ko sa isip ko.

"Finn alam kong nandyan ka....lumabas kana" sabi niya kaya nagulat naman ako ano to set up.

"H-hi po" bati ko.

"Narinig mo lahat?" tanong niya hindi parin mawala ang kagwapohan ng isang 'to.

Kaya tumango nalang ako nandun ako at nasaksihan ang sigawan nila.

"Last warning finn mag ingat ka please!" sabi niya tumango tango naman ako.

"Hindi kita maintindihan" sagot ko.

"Basta mag ingat ka...ipangako mo na hindi ka magpapahuli sa bitag niya" sabi niya.

"Sino?" tanong ko.

"Kilala mo na siya i need to go" saka nagpahid ng luha.

"Teka sandali!" pero dire diretso lang siya tatanungin ko sana kong saan dito amg milktea shop.

"7 na 19mins nalamg kilangan na naming umuwi" habang naglalakad ako ay nag ring yung phone ko.

"Unknown number------aray!!!!" natapon ko ang cell phone dahil tatanga ako.

"Sorry manong!" sabi ko saka naman ito ngumiti ang gwapo.

"Teka! Kuya saan nga pala dito ang milkteashop?" tanong ko.

Napalunok pa ito saka sumagot.

"Dun at saka bumaba ka" sabi niya napanganga  naman ako sa ganda ng boses nito.

"A-ah oki what's your name kuya?" tanong ko.

Hindi ito sumagot at saka tumalikod naka jersey ito halatang galing sa basket saka tinuro ito ang likod nito.

"Jon?" napatapik nalang ako at pagmulat ko ay wala na siya.

Ano bang nangyayari dito pinaglalaruan ba ako ng panahon.

No One Can Own You (BXB) Completed✔Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon