XXll

186 15 2
                                    

Finn POV

Halos mamatay naman ako sa kaba ng umabot ang set sa lima jusko ano na naman ang ginawa nila pinapatay nila ang kanilang sarili dahil sakin?

May narinig naman akong hindi basta basta haka haka kundi ito ay naglalaman ng makabuluhang impormasyon.

"Hindi talaga sila magpapalo dahil sa kasunduan nila"

"Oo nga!"

"Dahil sa pride rin nila ang inilaban nila"

Tumingin ako sa dalawang babae na nachichismisan sa likod dahil nga medyo malapit sila ay narinig ko lahat.

"Kasunduan?" tanong ko sa sarili ko ano naman ang kasunduan nila eh magkambal sila dapat iisa sila ng gawi.

Napatingala ako sa scoreboard halos masayaw na ako ng cha cha dahil sa score na 5-12 3points nalang at tapos na ang laban niyo kuya.

Napayuko naman ako ayokong makahabol ang grupo ni Jaxson naiinis ako rinig na rinig ko ang sigawan ng mga madla.

Naalimpungatan ko nalang ng umingay na talaga ang quadrangle at napatingin ako sa grupo na nagmamanly hug si kuya Jeriel yun ah nanalo kaya sila.

Tumingin ako sa scoreboard halos mapatalon ako sa tuwa nanalo nga sila at halos matawa naman ako sa score ng kabilang team 5points nalang talaga.

Lumapit si Jaxson sakin at kinalabit ako saka hinatak papuntang c.r ano na naman ang gagawin ng isang 'to remember hindi na niya ako pag aari.

"So do you think the game is over?" nakakaloko niyang tanong.

"Hindi ko alam ang game na sinasabi mo at sino ba ang nakikipaglaro sayo ha!" singhal ko.

"Owww so ridiculous" sagot niya saka umirap.

"Ridiculous your face!" sabi ko sa isip ko dito lang kasi ako magaling magpilosopo sa utak ko eh.

Tinulak niya ako sa pinto at narinig kong nilock niya ang doorknob ano na naman ba ang balak niya.

Humubad ito ng jersey saka itinapon sakin ang damit nito. Ang baho ng pawis imean ang bango.

"Sayo nayan isuot mo!" sigaw niya.

"Now!"

Ayoko sanang humubad sa harapan niya kaso galit na galit na eh kaya wala na akong nagawa kundi ang humubad ng dahan dahan sa harapan niya.

Hinubad ko ang damit ko saka nakita ko naman ito namilog ang mata saka ngumisi pero binalewala ko iyon.

"Ano!" singhal niya.

Saka ko naman ito sinuot ang bango talaga ng damit kaso ang bantot ng pag uugali ng sumuot.

"Good!" sabi niya anong good dito halhal na damit ipapasuot sa akin edi nagmukha akong hanger dito.

"Hindi ka makukuha ni kuya dahil suot muna ang jersey ko!" sorry pero di ito ang pinapangarap kung jersey.

Umakbay ito sakin saka aalis na sana ng nakita ko ito nakahubad really lalabas siya ng nakaganyan.

"What!?" sabi niya saka tinaasan ako ng kilay aba suplado.

Itinuro ko naman ang hubad niyang katawan nagmukha ba naman akong rapist dito sa pag aayos niya.

"Don't worry siguradong pag aagawan ako mamaya" mahangin niyang sabi.

Habang naglalakad kami sa hallway hindi nga ito nabigo madaming kababaihan ang lumapit.

Ako naman ay aalis na sana ng hatakin na naman ako nito sa pawisan niyang katawan.

Kaya ayon nagrambulan na yung sapatos kung puti puno na ng marka tssk saka sa dami ng babae ay nagtutulakan na sila kaya ako na ang nag adjust.

Akmang aalis na ako ng hatakin ako ng isang babae saka itinulak.

"You slut! Makadikit ka kala mo parang linta" sabi niya saka inirapan ako pero i'm not immature na papatulan agad ang mga ganyan na salita sanay na ako kay jaxson palang.

Nakita ko naman na pinag agawan siya ng mga babae mabuti nga sa kanya naging tupakin na kasi lalong lumaki ang ulo porket may appearance sa tao.

Pinabayaan ko ito at iniwan kahit ngayon lang makakawala ako sa tabi niya kasalanan naman niya eh..

Habang naglalakad ay nakasalubong ko sina Zane kasama niya si Steven at Drylle na masaya na.

"Hi" bati ko.

"Hi Finn kamusta?" tabi niya na parang iiyak na.

"Ito maganda parin" pagbibiro ko.

"Sus alam ko" sagot niya.

"Sama ka samin tutal parang wala naman yung bossy mong boyfriend kuno" sabi niya.

"Saan?"

"Sa heaven di joke sa cafeteria may naghihintay sayo ang totoong tao na mamahalin ka" sabi niya.

Mamahalin ako? Tumingin naman ako kay drylle at saka naman ito tumango kahit siya alam ito at sino naman yun.

Pumunta kami dun at nakita ko ang lalaking iniidolo ko sa larangan ng volleyball kuya?

Tinulak ako ni Zane kaya napaupo ako sa lap ni kuya Jeriel.

"So ano na ngayon bakit suot mo yang jersey na yan?" tanong niya.

"Ah.....ehhhh" sagot ko.

"Oh ito suotin mo" sabi niya kaya halos lumuwa naman ang mata ko namumutok na abs at muscles sh*t ang sarap.

Napakaganda ng hubog ng katawan nito na parang perpekto na talaga at habulin ng bakla.

"Oh ano pang tini-tingin tingin mo dyan suotin mo nayan alam kong gusto mo yan" sabi niya kaya ako naman ay tumakbo papuntang c.r

Nagsalamin muna ako ang halhal naman pero may pangalan na ni Kuya Jeriel ang gwapo niya talaga.

Paglabas ko ng c.r ay sakto namang natipalok ako at nasalo ni Jaxson? Akala ko namatay na'to kanina.

"Lampa!" saka ibinalik ako sa pagtayo. Kumunot naman ang noo nito sa nakita.

Lumapit ito sakin at pinunit ang sinuot kong damit kaya halos namilog ang mata ko dahil sa sobrang bilis ng pangyayari.

"Bakit mo ginagawa yun?" yan lang ang lumabas sa bibig ko.

"Because you don't deserve it" sabi niya.

No i deserve some gift galing sa hinahangaan ko kaya wala akong nagawa kundi ang bayagan ito nakakainis kana at sobra kana talaga sa buwan.

Tumakbo ako hanggang sa napayakap ako sa lalaki sa harapan ko at ay si Kuya Jeriel.

"Kuya?" ani ko.

"Your safe now my love" saka hinimas himas ang buhok ko.

----------------------

Lumabas kami ng school at dinala niya ako sa condo niya malaki ito at kompleto sa gamit kaya hindi kami nahirapan sa pag gawa ng dinner para sa amin.

"Permahan mo yan!" sabi niya.

"Ano to?" tanong ko.

"Go ahead" sagot niya.

"Ano to?" sabi ko sa isip ko bakit perma lang?

Tumingin naman ako sa kanya na parang nagtatanong pero wala itong reaksyon kay penermahan ko nalang ang papeless.

Nang matapos ay ngumisi ito at humarap sakin saka nagsalita.

"From now on you're my husband" sabi niya kaya napanganga ako.

Husband? Ganun kadali hindi muna kami boyfriend husband ko na agad.

"Pagkatapos ng gr12 mo ay dadalhin kita sa Austrilia para dun tayo ikakasal" sabi niya saka natulog.

Habang ako naman ay naiwang nakatulala sa mga nangyayari totoo kaya kto si kuya ko ay asawa ko na?

Hindi ko alam kung anong reaksyon ang babagay sa pangyayari ngayon basta ang alam ko asawa kona ang nasa tabi ko kaya napangiti naman ako sa naisip.

No One Can Own You (BXB) Completed✔Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon