Kabanata 3

1 0 0
                                    

3

Freedom

Ilang araw na rin kaming lumalabas ni Damon, every lunch ay siya ang kasama ko. Harmless naman siyang tao, kahit paano ay napapalagay ang loob ko but not 100% na kumakalma. There is still that feeling na parang may kulang.

Kahit ganoon I tried hard na hindi ipakita sa kanya ang tunay kong nararamdaman. I smile and assure him that I am happy to be with him. I can be named as an obedient girlfriend everytime we are seen together.

Sumasakit na ang mga paa ko dahil sa mataas na heels na ipinasuot sa akin mula pa kanina. Nangangawit na rin ang panga at cheekbones ko sa kakangiti sa bawat taong laman ng lamesa sa venue na ito.

The event is so grand. Inside the hall of a high-end hotel with a lot of sophisticated, elegant and respected people. Hindi ako nasabihan o kasama sa plano ng lahat ng ito pero kahit ganoon ay nakakaproud ang kinalabasan ng buong ambiance ng event.

"Congratulations Mr. Vijandre, akala ko ay magiging matandang binata ka na. I didnt know that you are hiding a goddess." Masigla at pabirong bungad sa amin ng kasunod na table.

Sinabayan ni Damon ang biro nito at inabot niya ang kamay nito at nakipagkamay. I am hesitant to accept the hand so I looked at Damon that is holding my hand. Today is the first time he held my hand. His hands are not rough, it is soft like of the hands of a woman and his fingers are long. Kanina ay naconscious ako sa sarili kong kamay pero ngayon ay nawawala na sa isip ko.

Ipinakilala niya akong muli sa anim na mga lalaking nandoon at isa-isa namang ipinakilala din ni Damon ang mga ito. Sila ang ilan sa mga business partners niya.

Humalakhak muli si Mr. Santos, ang pabirong bumati sa amin. Inilahad niya ang kanyang kamay sa akin ng huli siyang ipinakilala. I am hesitant to accept the hand so I looked at Damon that is holding my hand. Tumikhim siya bago ibinaba ang kanyang kamay. Nginitian ko ito.

"Your woman is well tamed." Tumawa ito habang umuupo.

Saglit pa silang nagkwentuhan bago tuluyang umalis. Salamat naman at iyon na ang huling lamesa. Bumalik kami sa aming upuan sa harap, nakangiti pa rin habang binbagtas ang daan papunta sa aming upuan.

"Pagod ka na ba?"

Ayaw kong maunang magpahinga gayong both Mom and Dad are busy out there in the crowd. Nginitian ko siya bago sumagot.

"Ah hindi naman."

His hand remains on my hand, napansin niya yata ang matagal kong tingin doon, binitiwan niya ang kamay ko at nag-iwas ng tingin.

Nag-iwas din ako ng tingin, that was awkward. Iginala ko ang mga mata ko sa buong hall. He is famous in this world I must say. Marami ang nakakakilala sa kanya, kung susumahin ay 90% ng laman ng hall ay puro imbita niya. My parents also invite guests but they are also invited by Damon, their circle is too small. He introduces me to all of them but I remembered no one, maybe I can recognize their faces when I see them unexpectedly but not their names. Pero nakakapagtaka na wala siyang kamag-anak dito. Maybe it is fine to ask him, right? Curious lang naman ako, or maybe not, malalaman ko rin naman iyon kalaunan.

Tumikhim si Damon, bumaling ako sa direksyon niya.

"Labas lang ako saglit, babalik din ako agad."

Tinanguan ko lang siya. Tumayo siya at nginitian ako bago tuluyang lumakad. Sinundan ko siya ng tingin. His broad shoulders as he walks is very proud, likod pa lang makukuha mo ng hindi siya basta-bastang tao. He walks confidently over the crowd and his bows everytime someone greets him speaks that he is down to earth. Hindi ko alam kung ganyan din ang tingin ng iba sa kanya o kung ako lang ba ang nakakapansin na ganoon siya. Masyado kong napagtutuunan pa ng pansin ang ganoong detalye sa kanya.

To divert my attention, I looked at the shining ring they made me wear earlier today. Wala na rin naman akong choice para sa bagay na ito.

Nakakatawang isipin na sarili kong kasal ay kailangan ko pang ipaintindi sa sarili ko na totoo ang lahat ng ito, na dapat maging masaya, na dapat makuntento, na hindi dapat akong tumanggi at tanggapin ang lahat. I shouldnt react against what my parents wants me to do, I dont want to be disrespectful. They are my parents and they know what is best for my life.

Maaga pa ang pasok ni Damon kinabukasan, busy siya dahil sa mga trabahong unti-unting natatambak sa pagliliban at paglalaan niya ng oras sa akin ng ilang linggo.

"Nelle, maglalunch time na bakit hindi ka pa nakabihis?"

She said after kissing me on my cheeks, kadarating lang niya. Hindi kalayuan ang Hospital kaya dito naglalunch sila ni Dad.

"Hindi kami magkikita ngayon Mom, he has a lot of things to do for today."

Binalik ko ang tingin sa pinapanood. Muling naupo at pinindot ang remote para maglipat ng channel.

"If that is the case, ikaw na lang ang pumunta sa kanya, kung busy iyon ay baka makaligtaan na ang tanghalian. It is not good to skip a meal. Ang mabuti pa ay dalahan mo siya ng pagkain para makabisita ka na rin sa trabaho niya."

"Ok po Mommy." Sagot ko sa kanya habang tumatango.

Excited at her own idea, tinawag niya na si Manang at dumiretso ng kusina.

I turned off the TV. After greeting Dad, umakyat na ako para makapaligo at makapag-ayos. Eversince the accident bukod sa homeschooling at bodyguards na ibinigay nila sa akin ay ang bilin nilang palagi silang sundin. Naiintindihan ko naman yun palagi. Alam ko naman na hindi nila ako ipapahamak at their decisions will always be better than mine.

I made my long hair down, wearing a floral dress and flat shoes bumaba na ako.

Naririnig ko na ang tunog ng mga kubyertos papunta pa lang sa dining table. Nasa kabisera si Dad at nasa kanan niya si Mom. Sa kaliwa ni Dad kung saan ako madalas nauupo ay paperbag ang nakalagay.

"Doon ka na rin kumain sweetie para may kasabay siya at hindi na kumain kung saan pa."

"Yes Mom, tutuloy na po ako."

Hinalikan ko siya sa pisngi, pagkatapos ay si Dad. Palabas na ako at malapit na sa pinto ay tinawag ako ni Mommy. Humarap ako sa kanya, hinagod niya ako ng tingin mula ulo hanggang paa.

"Take care, alright?" Naghihintay na si Mang Noli sa labas. Pahabol na bilin ni Mommy pagkatapos akong tanguan. Ngumiti na lang ako bilang tugon.

I immediately rolled my eyes pagtalikod ko doon. It's not like I have some clothes that she dislikes.

Umiling ako bago pumasok sa kotse, my evil thoughts should be gone like the wind. It is already my habit to please my parents pero madalas may kusa na lang side sa utak ko na para bang pinagagalitan ako sa ginagawa ko. That feeling na there is something wrong is building up like a tower everytime Id please them. It is not right, I know. Siguro ang salitang kalayaan lang ang sagot para sa pagtigil ng mga evil thoughts ko sa parents ko.

O hell, sino ba naman ang hindi gusto ang kalayaan diba? I also want to live like a normal person, with no worries about other people but myself. It is selfish but it's true. Wala naman masama na kahit papaano ay bigyan ko ng kasiyahan at oras ang sarili ko. I am of age to do things on my own too, so I am more eager to be free.

Thinking about freedom. Ibinaling ko ang ulo ko sa likod ng sasakyan kung nakasunod ba ang mga bodyguards ni Dad para sa akin.

Hindi ko kilala ang sasakyang nasa likod namin, luminga ako sa magkabilang gilid ng sasakyan and there is no car or motorcycles beside. Nang lumiko ang sasakyan namin ay pinagmasdan ko ang sasakyan sa likod namin kung susunod ba, hindi ito lumiko, hindi sumunod sa amin. Wait, does that mean...

Wala nga akong bodyguards. Yung sinabi ni Dad, he is true to his words.

Cage of Lies (ON-GOING)Where stories live. Discover now