Kabanata 10

0 0 0
                                    

10

Dont leave me

Maagang umalis si Damon para bumisita sa factory. Kahit na hindi pa ako nakakarating doon ay hindi ko na naisipang sumama. Sa tingin ko ay mabuburyo lamang ako doon, hindi naman ako pwedeng maupo na lamang at panoorin ang mga manggagawa. Isa pa, ang awkward namang magbasa ng libro doon. Naiimagine ko pa lamang ang maaaring itsura ng factory ay nakakawalang gana na.

Matapos kong mag-ayos ay bumaba na ako para mag-agahan.

"Gising na si Sleeping Beauty." Nakangising bungad sa akin ni Darren na mag-isang kumakain ng almusal sa hapag. It's just 8:30am, its not like I woke up so late.

"Well, Mister, I didn't wake up because of a kiss like what Sleeping Beauty did."

"Naghihintay ka pala ng halik?"

Inirapan ko siya. Walang sense kung papatol pa ako sa sinabi niya, hindi matatapos ang usapan kung gagawin ko 'yon. Humila ako ng isang upuan matapos makakuha ng plato at kubyertos.

Napatingin ako sa sunog na hotdog at itlog na hilaw pa ang yellow part. Napabuntong hininga ako.

"If you don't like the food, you are free to eat outside. Ang arte nito." Padabog niyang ginalaw ang mga kubyertos bago sumimsim sa kape niya.

"Wala naman akong sinasabi, ang defensive mo." Kumuha na ako ng sarili kong kanin, pinili ko ang hotdog. I'd rather eat an overcook hotdog rather than the half-cooked egg.

"Actions speaks louder than words."

"You know what, para kang babae. Kumain ka na nga lang jan. Ang daldal mo."

Tinaasan niya ako ng kilay at sumandal siya sa inuupuan niya. Pinanood niya ako sa pagkain. It is not very comfortable.

"What?"

"I told you to eat, why are you staring?"

"What's with the change of mood? Kanina lang bago ka pumasok ng kusina maayos ka pa naman."

"Kung ikaw ang palaging bubungad sa umaga ko talagang mawawala ako sa mood."

Napangangalhatian ko pa lamang ang kinakain ko ay tumayo na ako. Inilapag ko ang pinagkainan ko sa lababo at nagmartsa palabas ng dining. Hindi pa ako nakakarating sa pinto ay narinig ko na ang tawa niya. I admit it alright, I am indeed sensitive kind of person at times too but with Darren, I got pissed off easily.

Dire-diretso akong umakyat sa kwarto ko. Pabagsak na nahiga sa kama. Nakita kong umilaw ang phone ko kaya inabot ko ito sa bedside table.

2 missed calls from Mom and a text.

Saying that she'll accompany me today because Damon ask her. I didn't know that Damon could make my parents follow by his orders. That proud over confident man.

Napabuntong hininga ako. Nakalimutan ko na ngayon nga pala namin ni Damon ime-meet ang wedding organizer para sa progress ng preparation. Ibig sabihin ay hindi niya ako masasamahan? Sabagay, sino ba naman ako para i-priority niya?

Tumayo ako, kumuha ng isang dress para makapagpalit. Maybe his research is having a problem now. Naiintindihan ko naman siguro ay ngayon lang ito, busy lang talaga siya today.

Nang makapagbihis ay bumaba na rin ako, naabutan ko si Darren na kausap na si Mommy.

"Mom, ang bilis niyo po." Agad akong lumapit kay Mommy at humalik sa pisngi niya.

"You are not answering my calls ija."

"I'm sorry, naiwan ko po ang phone ko sa taas kanina. Nandito ako sa baba nung tumatawag ka."

Cage of Lies (ON-GOING)Where stories live. Discover now