-----Other WorLd-----
IsinuLaT Ni : CaroLiNa BarriosChapter 42.
tatalon na sana si Duncan, sa bintana pero lumingon siya.
"Mang Nato, pumasan na po kayo sa likod ko,"
"Oo Mang Nato, Sumama kana kay Duncan." sabi ni John.
Tumakbo si Mang Nato kay Duncan, at pumasan siya sa likod nito.
(Shenelle POV)
heto nanaman ako nililigtas nanaman ni Duncan, katulad ng nangyare saakin dati ng tumakas ako sa mansion. bitbit niya ako ngayon gamit ang isang kamay lang.. tapos si Kuya Nato pa nasa likod niya pasan pasan niya, grabe ang lakas talaga niya.
lumingon ako kay John at Tyler nahihirapan na sila sa pag tulak ng pinto masyado malalakas ang mga bampira sa dami ba naman non, tumulong nadin si Nicolas sa dalawa at kami,
ayun tumalon kami sa bintana napapikit ako, pero pagdilat ko nasa ibaba na kami, ano yun?, bakit diko ramdam ang pagbagsak namin.. tinatakbo kami ngayon ni Duncan, ramdam ko ang lamig ng hangin na dumadampi sa balat ko, kulang nalang mangatog ako dahil nga naka sando at short lang ako at syempre gabi na. Malamig ang simoy ng hangin, pero ayos lang kaya ng powers ko to, saan naman kaya kami dadalhin ni Duncan?, ng may matanaw akong mga kalesa. Ay huminto na siya at ibinaba na niya kaming dalawa ni Kuya Nato."Mang Nato, kayo na po bahala kay Shenelle, dalhin niyo po siya sa hospital, hanggang dito ko nalang kayo masasamahan sa ngayon,"
(Teka hospital, maliit na sugat lang naman ito bakit hospital pa.)
"Sige po sir, bumalik na kayo sa mansion at tulungan niyo mga kapatid niyo,"
"Sige po Mang Nato, Shenelle see you later, ay wait." Tinanggal niya ang black suit niya at ipinatong sa balikat ko, tanging white longsleeve at kurbata nalang ang pantaas ni Duncan, nagkatitigan nanaman kaming dalawa sa mga mata, ng maipatong niya na yun sa akin, hinawakan ko ito upang hindi mahulog, hinwakan niya ako sa ulo at nakangiti siyang umalis, at nawala na parang bula.
Sumakay na kami ni kuya Nato sa kalesa paroroon kami sa Hospital.
habang nakatanaw sa bintana ng kalesa ay hawak ko ang black suit ni Duncan, napangiti ako kasi, una yung scarf niya, ngayon naman itong suit niya na napakabango. Dahil dito nabawasan na ang ginaw, kailang hindi ko ito malagyan ng dugo dahil isasaoli ko pa to sa asawa ko, ay este sa boyfriend ko.. teka ano nga ba kami?? wala pa pala.
"Dito na tayo madam Shenelle." sambit ni kuya Nato, siya ang unang bumaba tapos pinagbuksan niya ako ng pinto, at inalalayan pababa, ito naman si kuya Nato, ginagawa akong prinsesa.
nilagyan lang naman ng vetadine at gasa, hindi naman malala, talagang sensitive lang ang pang amoy nila pagdating sa dugo, para silang mga baliw..
matapos ay pinauwe na kami ng doctor."kuya Nato, uuwe na po ba tayo?." Sabi ko kay kuya Nato habang sakay na kami ng kalesa.
"hindi ko nga alam Madam, ano kaya pumasyal muna tayo mga isang oras,"
"sige gusto ko yan." sabi ko ng may galak.
pero imbis na bumaba sa kalesa ee, sinenyasan ni kuya Nato, si kuya kalesa hahaha, diko kilala si kuya ee, sinenyasan niya na umikot muna sa syudad, ayun umikot kami ni kuya Nato sa syudad sakay ng kalesa, tinuturo niya saakin ang eskwelahan, ang grocery store na pinupuntahan namin, ang pagawaan ng mga magagandang palayok, at ang parke, tandang tanda ko yun, dahil doon kami unang nag date ni Duncan, madami pa kaming inikot. Dala ng malamig na hangin na tumatama sa muka ko, at sa pagod narin ay diko namalayang nakatulog na pala ako. ..
"madam Shenelle, nandito na tayo sa mansion."sabi ni kuya Nato habang tinatapik ang braso ko.
"ahy nakatulog pala ako pasensya na kuya Nato." sumilip ako sa bintana, wala na ang mga nakaparadang magagarang kalesa, wala na sila, umalis na silang lahat. Kaya marahang binaba ako ni kuya Nato sa kalesa, at sinabihan niya si kuyang kalesa na bukas na ang bayad, si Great Vander na bahala sakanya, pumayag naman si kuyang kalesa dahil kilala naman na mayaman si Great Vander Wow.
pumasok na kami sa loob ng mansion at laking gulat ko, malinis ng lahat, mga lamesa mga pagkain wala na makintab na ulit ang sahig. Wow parang magic.
Pumunta ako sa kusina para uminom ng tubig at umihi nadin, ng may mapansin akong sulat sa lamesa na pinapatungan ng baso. Kaya dahandahan akong lumapit sa lamesa para tignan ang sulat, alam kong bawal magbasa ng sulat, pero titingnan ko lang naman, baka kasi para saakin hehehe, pero kung hindi para saakin edi ibabalik ko.
para saakin nga , nakalagay oh to: Shenelle, OMG babasahin ko na..Dear Mahal
Sana ok kana ngayon, alam ko sa paguwe mo ay matatakot ka dahil sa mga nangyare, pero wag kana magalala, naayos na namin yung problema kanina, si ama na ang nagpahinto ng party kaya nagsialisan lahat sila, nilinis narin namin lahat ng kalat, sila Gemma, Jealary at lalo si Mitch ang pinsan naming pasaway, ayun pinagalitan na ng kanilang magulang. At pinagbabawalan na silang pumunta dito kaya wag ka nang matakot huh.
siya nga pala sira pa ang kwarto mo, bukas na daw iyon ipapaayos, kaya sa kwarto ko muna, doon ka muna matulog, iniwan ko lang nakabukas ang pinto, dito muna ako kay Tyler makikitulog hanggang hindi pa naayos kwarto mo.Nagmamahal, Duncan
Napangiti ako, ang sarap basahin ng sulat niya, napakaganda niya magsulat, doon pala ako matutulog muna sa kwarto niya, tamang tama maisasaoli ko itong suit niya. Tiniklop ko ng maayos ang sulat at dinikit sa dibdib ko, ansaya ko, ngayon lang ako nakatanggap ng sulat na ganito.. habang naglalakad patungo sa kwarto ni Duncan, napapangiti ako para akong baliw, baliw nga siguro ako, baliw kay Duncan..
ng makarating ako sa kwarto niya ay bukas nga lang ito at hinihintay ang aking pagdating, isinara ko na ang pinto at nahiga, kamusta na kaya siya sa kwarto ni Tyler??..Itutuloy.....

YOU ARE READING
Other World
RandomIsang Dalagang Ulila Na Sa Mga Magulang Ang Mapupunta Sa Ibang Mundo, Anong Mangyayare Sa Kanya Doon?, Paano Kung Ang Makakasalamuha Niya Ay Hindi Pala Mga Tao, Babalik Paba Siya Sa Mundo Niya, O Nanaisin Nalang Na Doon Tumira. Tunghayan Ang Kapanap...