Fifty

6.4K 235 31
                                    

Brea's  POV:

Tapos na ang klase kaya oras na para pumunta kay Zarren at Tayron. Excited na ko na makita sila uli lalong lalo na si Zarren.

"Oy Brea di kaba pupunta sa practice?" Tanong  ni Maya.

"Pass muna ako, paki sabi nalang kay Ate babawi ako next time." Bilin ko dito at patakbong umalis.

May mga sinabi pa to pero di ko na pinakinggan. Kunti na nga lang oras ko na makasama si Zarren, babawasan pa.

Dumaan muna ako sa J.CO para bilhan ng pasalubong si Tayron at Zarren, pag katapos ay dumiretsyo na sa bahay nito.

Naabutan kong nag luluto si Zarren, nakabukas lang kasi ang pinto nito kaya malaya akong makakapasok.

Iningatan ko talaga na wag makagawa ng ingay sa mga hakbang ko, gugulatin ko kasi sana sya. Kaso epic....

"Tita Bree!" Tili ni Tayron.

Naku naman!

Napalingon tuloy sakin si Zarren.

"Hehe. Gugulatin sana kita, kaso binisto ako ng anak mo." Saad ko.

"Sorry ka may kakampi ako." Ganti nito at ngumiti.

Napansin kong matamlay ang mga mata nito, lumapit ako dito para mag beso. Saka ko napansin na sobrang init nito.

"Hey your burning!" Anas ko at kinapa ang noo nito.

"Shit! Ang taas ng lagnat mo." Dagdag ko pa.

"Okay lang ako no." Saad nito.

"Hoy ano ka, di mo pwedeng bantayan o lapitan si Tayron dahil baka mahawa pa sayo ang bata." Sabi ko.

Parang bigla itong nalungkot dahil sa sinabi ko.

"Wag kang mag alala ako na ang bahala kay Tayron." Sabi ko dito napatingin sya sakin at aalma pa sana pero di ko na ito binigyan pa ng pagkakataon.

"Heeep! No buts! Isipin mo nalang muna ang kapakanan ng anak mo, wag mo na isipin ang hiya or ang pride mo. Kung yan man ang inaalala mo." Saad ko dito.

"Pasensya na ha? Pero baka kasi hanapin ka sa inyo." Nag aalala nitong  sabi.

"Hindi yan, ako ng bahala dun."  Paniniguro ko dito. " Wait aalis muna ako, at isasama ko nalang si Tayron."

"Ha? San kayo pupunta? Malapit ng maluto yung ulam ehh." Tugon nito.

"Bibili lang kami ng gamot, babalik rin kami agad." Sabi ko dito.

"Ahh sige pero pasuotin mo muna sya ng jacket ha?" Paalala pa nito.

"Opo Mommy." Sagot ko.

Kinuha ko na si Tayron at ipinasuot muna dito ang kanyang jacket.

"Baby let's go." Sabi ko dito.

"Asan po tayo?" Tanong nito.

"Bibili tayo ng medicine ni Mommy mo." Sagot ko.

"May sakit si Mimi?" Tanong ng bata.

"Opo pero lagnat lang, that's why we need to buy her medicine." Sagot ko at ngumiti, pansin ko kasing nalungkot ito.

"Galing sya agad Tita, kapag inom sya ng medicine?" Tanong pa nito.

"Opo, so tara na?" Aya ko dito.

Lumabas na kami ng bahay at sumakay sa sasakyan.

Pinaupo ko ito sa frontseat at ikinabit ang seatbelt.

Habang nasa byahe, dinial ko ang number ni Ate Brenda kaso out of coverage. Si mom naman nag out of town kaya hindi ako dapat sa kanya mag paalam. Ayoko rin na mag direct kay Lolo dahil masyado syang mausisa.

Sweetest Mistake (GXG Completed)Where stories live. Discover now