CHAPTER 11

388 30 0
                                    

KINABUKASAN~

Nagising ako sa sarili 'kong diwa, tumingin naman ako sa orasan ko at 7:00 am na. Napabangon naman ako dahil may napag usapan kami kagabi na bibista kami sa resort nila Pein.

FLASHBACK~

Andito pa rin ako sa nakakabagot na celebration, wala akong magawa kaya nagrereply lang ako sa mga chats sa gc.

SU Barkada~

Pein: Woi guys! Punta tayo sa resort namin bukas!

Melody: Sige sige, para naman marelax tayo.

Merriel: Sige oks ako dyan.

Ako: Game din ako, medyo stress kasi ako.

Kyle: Wag kang magpakastress kakaisip sa'kin Belle.

Dylan: Woi! Wag ka ngang magchat ng ganyan, ang corny mo! Naiistress siya dahil gwapo ako!

Yuri: Uh uh! Your wrong, stress sila sa ugali niyo! Buti nalang ako hindi ganon diba Belle.

Red: Mga pabida! Naiistress sa inyo dahil sa mga pag mumukha niyo. Belle sa'kin ka tumingin, gaganda araw mo bukas.

Ako: Magsi tigil nga kayo, pati dito ang iingay!

Pein: ang lalakas ng apog niyo! Kumain muna kayo, baka gutom lang iyan. Basta bukas siguro 8 am aalis na tayo, bali 2 days tayo doon. Sabado at linggo kaya mag eenjoy kayo, magsama rin kayo para may kasama pa tayo.

Hindi nalang ako nagreply dahil tinawag na ako ni Mom para kumain.

END OF FLASHBACK~

Nag magdali naman akong ayos ng gamit, kunti lang 'yung dinala ko kasi sabi ni Pein may mga damit daw na pwedeng suotin doon. Napag usapan naman na mag bibikini pero ayoko talaga ng ganon, basta.

Pein POV

Kanina pa ako gising kasi excited na ako. Naaalala ko pa kung paano pumayag si Mom and Dad
na doon kami sa resort, buti nalang mabait sila Mom, my parents is the best!

FLASHBACK~

"Mom, Dad, pwedeng sa resort kami tumambay?" tanong ko.

"Sino kasama mo?" tanong ni Mom.

"Mga bagong friends ko, Mom." sabi ko.

"Okay, but no alcohol, huh!" paalala ni Dad.

"Opo, Dad. Promise! Thanks, Dad, Mom I love you." sabi ko.

"Isama mo ‘yung dalawa mong Kuya." sabi ni Dad.

"E Dad, aasarin lang ako noon."

"Hindi, sasama sila. Right, honey?" tanong ni Dad.

"Hehe, Honey hayaan mo na. Minsan lang maging masaya si Pein." sabi ni Mom.

"Okay. Do whatever you want basta bawal uminom." sabi ni Dad.

Dami pang sinasabi ni Dad papayag din pala.

I'm With The Five Badboys[Under Revision]Where stories live. Discover now