CHAPTER 31

231 28 0
                                    

"Hindi mo pa rin ako kaya, Belle." sabi ni Selena.

"Huh? Haha, ikaw? Hindi ko kaya? Eh, noong sumigaw nga ako natakot kayo. Sige, subukan
niyo ‘kong saktan." sabi ko at tinaas ang espada. "Bakit ba pinahihirapan niyo ang sarili niyo? Nai-inggit kayo? Ako sinisisi niyo sa pagkamatay
ng nanay niyo? ‘Wag kayong mag-malinis dahil hindi ako gumanti noong pinatay niyo ang Lolo
ko. Kita ko kung paano niyo pasabugin ang kotse ni Lolo noon, hindi ako gumanti dahil
bago mawala ang Lolo ko sabi niya kahit anong mangyari hindi ako gaganti. Tapos ngayon, ang
lalakas ng loob niyong maghiganti dahil sa Nanay niyo, ang kapal niyo!" Sigaw ko.

"Mas makapal ka dahil sa’yong bala ang tumama kay Mom!" sigaw ni Selena at sinugod ako.

Nagsimula na kaming maglaban. Isa laban sa dalawa. Hindi nila ako masabayan. Nadadaplisan
sila ng espada ko. Noong mainit na ang laban ginamit ko ang technique ni Lolo, pinutol ko ‘yung
espada ni Selena. Hindi ko napansin si Merriel, nasaksak niya ako ng kutsilyo. Hinugot ko ‘yun
at tinulak si Merriel ng malakas. Tumalsik siya at nawalan nang malay.
“Merriel!" sigaw ni Selena. "Hayop ka!"

Sinasalag ko lang ‘yung mga suntok niya hanggang sa umikot ako at nilock ko ang kamay niya
sakto naman ang pagdating ni Knight at ng iba.

"Dalhin mo si Merriel sa ospital. Itong hawak ko ibigay
mo sa pulis." utos ko kay Knight.

Kinuha ko ‘yung espada ko gamit ang kanang kamay ko
habang ‘yung isa nakahawak sa sugat ko.

"Belle, sweetie, okay ka lang?" nag-aalalang tanong ni Mom.

"Yes Mom, I'm okay." sabi ko.

"Belle, may sugat ka." sabi ni Kuya.

"Hindi, Kuya, ayos lang ako kaya ko naman." sabi ko.

"Hindi, Belle, tara dadalhin kita sa ospital." sabi ni Dylan at binuhat ako.

"Teka! Okay nga lang ako." sabi ko.

"Salamat, Dylan." sabi ni Mom.

"Mom," tawag ko. Hindi ko alam kung bakit nagdidilim na naman ang paningin ko.

"Belle! Sige na, Dalhin niyo na siya sa ospital!" tarantang sigaw ni Mom.

"Belle, honey, magiging okay ang lahat." hinihingal na sabi ni Dad habang nakahiga ako sa
stretcher.

"Dad, ang ganda ba ng performance namin?" nanghihinang tanong ko.

"Yes sweetie, don’t close your eyes. Malapit na tayo sa ospital." sabi ni Dad.

Tinignan ko si Dylan alam kong nag-aalala siya, kitang kita sa mga mata niya.

"D-dylan." Lumapit siya sa’kin. "W-wag k-kang i-iiyak. a-ang p-panget m-mo." sabi ko at tuluyan ng
nagdilim ang paningin ko.

Dylan POV

"Belle! Please, ‘wag muna!" sigaw ko.

"Belle! Jewel ‘yung anak natin!" sigaw ni Tita.

"Nandito na tayo. Dalhin na natin siya sa E.R." sabi ni Tito.

Dinala na namin siya sa ER. Naiiyak
na talaga ako, ayokong mawala siya, nakita kong umiiyak na ‘yung Mama at Papa ni Belle. Tinignan ko si Mark alam kung iiyak na siya ano mang oras. Dumating naman sila Pein.

"Ano? Okay na ba si Belle?" tanong ni Pein.

"Wala pang sinasabi." sagot ko.

"Diyos ko, Lord! Sana okay lang si Belle, ikaw? Bakit may dugo
‘yang damit mo?" tanong ni Pein.

"Kay Belle ‘to, nasaksak siya ni Merriel kanina." sabi ko.

"Sasampalin ko talaga ‘yang Merriel na ‘yan, eh. Sumusobra na siya!" galit na sabi ni Pein.

Hindi na lang ako kumibo at nakinig kila Tita at Tito.

"Jewel, magiging maayos ang lahat, di ba?" umiiyak na tanong ni Tita.

"Oo, kilala natin si Belle. Hindi pa siya pwedeng i-sama ng Lolo niya." sabi ni Sir Jewel.

Umiyak lang ‘yung Mama ni Belle. Ilang oras din kami nag–hintay hanggang sa lumabas si
Doc.

"Doc, kamusta po ang anak ko?" tanong ni Tito Jewel.

"Ahm... natahi na namin ang sugat niya kaso kailangan ng blood transfusion, maraming dugo
ang nawala sa pasyente. Blood type niya ay Ab." sabi ni Doc.

"A-ako, Doc, Ab ako." sabi ni Tita.

"Honey, may depresyon ka, bawal." sabi ni Tito.

"Doc, ako po. Doc, type Ab po ako." sabi ko.

"Okay, sige. Nurse Andrea, samahan mo siya." sabi ni Doc.

May pinirmahan lang akong papel saka ako pinahiga katabi ng higaan ni Belle. Nilagyan na ako
ng dextrose. Unti-unti akong inantok hanggang sa makatulog ako.

Mark POV

Hindi ko alam na mangyayari ‘yun akala ko noon masama lang ang ugali nitong si Dylan. Nagpapasalamat pa rin ako sa kanya dahil nagbigay siya ng dugo.

"Mom, tahan na. Okay na si Belle. Malakas siya at gigising din siya." sabi ko.

"Babae pa rin siya, Mark, at kapatid mo siya." sabi ni Mom.

"Tahan na, Hon. Sige na, Mark, ako ng bahala sa Mom mo umupo ka na doon." sabi ni Dad.

"Thanks, dad." sabi ko.

Tumango lang si Dad kaya umupo ako sa upuan katabi ng upuan ni
Dylan kanina. Di ko na lang pinansin si Mom, nakita ko si Ashley saka ‘yung apat.

"Ashley Pein, umuwi na kayo magga-gabi na. Dumalaw na lang kayo bukas baka hinahanap na kayo ng
magulang niyo." sabi ko.

"Sige Kuya, pasabi na lang po kung gising na po siya."

"Sige Ashley, thank you. Ingat kayo pauwi." sabi ko.

"Mark, alis na kami. Tito, Tita, alis na po kami." sabi ni Kyle.

"Paki-sabay na lang si Dylan, Mark." sabi ni Kurt.

"Hmm... ingat kayo." sabi ko.

Umalis na sila, umupo ako ulit. Sana okay ka lang Belle, ‘wag kang mawawala aasarin pa kita. Alam ko namang kaya mo ‘yan na-kaya mo nga noong na- kidnap ka na-kaya mo din noong nawala si lolo. Kaya, Belle, alam kung kaya mo ‘yan, nandito
lang si Kuya Mark para tulungan ka, katulad noong ginawa ni Ping sa’yo noon.Kamusta na kaya ‘yun? Mabait ‘yun si Ping. Ang totoo ay naging kaibigan ko din si Ping noon.
Mas malapit nga lang sila ni Belle dahil si Ping ang nagligtas kay Belle noong na-kidnap si
Belle. Sana ay magkita na ulit sila ng kapatid ko dahil noong umalis kami at pumunta sa Japan
ay nalungkot na si Belle kaya sana mag-kita na ulit sila.

To be continued......

I'm With The Five Badboys[Under Revision]Donde viven las historias. Descúbrelo ahora