CHAPTER 28

270 29 0
                                    

Dinalaw ako nang antok kaya natulog ulit ako. Nag dasal ako para ipagdasal na sana okay lang si Kulit kung na saan man siya ngayon. Sana nga ay ayos lang siya kung nasaan man siya.

Belle POV

Nagising ako ng maaga, ewan ko rin pero nagigising nalang ako bigla. Nauunahan ko na yung alarm ko, anyways pumunta muna ako sa cr para maghilamos, pagtapos ay pumunta ako sa kusina ko, dalawa kasi kusina dito sa kwarto ko, 'yung isa sa'kin 'yung isa sa secret room. Hindi ko naman na nagagalaw 'yung kusina ko dahil may maid kami at tinatamad akong magluto.
Aba ganon talaga kung minsan, tatamarin ka tsaka masarap magluto ang mga kasambahay namin, lalo na si Manang. Yun nga kumuha ako ng limang itlog, magic sarap, paminta, sibuyas at bawang, may pagkain naman sa baba kaya makakakain si Kuya. Mainitin ang ulo ni Kuya kaya dapat nakahanda na yung pagkain niya, nakakainis no? Akala mo siya ang hari ng bahay namin, pero mabait naman si Kuya. Gusto kasi non laging organized ang lahat, perfectionist ampotek. Akala mo ay ikinagwapo niya ang pagiging maarte niya, mukha namang siyang kulugo HAHAHAHA. Kidding aside pero gwapo naman ang kuya ko, maarte nga lang.

So ayun nga, sinumulan ko na magluto ng egg rolls. Pagtapos ko ay nagsaing na rin ako, nagbalat ng itlog na maalat at hiniwa ito sa maliliit kasabay ng kamatis at sibuyas. Nilagay ko sila sa iisang bowl at nilagyan ng suka. Perfect! Natutunan ko lang ito kina Charles, diba nga nag stay sila dito. Natutunan ko rin kung paano gumawa ng letche plan tsaka puto, mahilig magluto si Charles kaya ayon nagpaturo na rin ako. Malay natin, baka magamit ko siya sa future.

Pagtapos ko ay inantay ko maluto yung kanin at pagkaluto ng kanin ay kumain ako mag-isa, titirhan ko na lang sila ng kanin at ulam para hindi naman sila magtampo.

Habang kumakain ako hindi ko namalayang nasa likod ko pala si Dylan kaya nagulat ako pero hindi ko naman pinahalata.

Minsan talaga, nakakagulat itong lalaking ito, siya lang yung taong hindi ko lagi nararamdaman. Malakas naman yung pakiramdam ko pero kapag lalapit itong lalaking ito ay biglang nawawala ang pagiging maangas ko, parang komportable ako sa lalaking ito.

"Oh tara, kain na nagluto ako." aya ko. Umupo naman siyang nakangiti at sumandok ng kanin.

Tinignan ko lamang siya at sumubo ng pagkain. Hindi matanggal ang ngiti ng lalaki habang kumukuha ng ulam sa isang plato. Mukhang good mood si gunggong, ano kayang nangyari dito?

"Good morning. Ang aga mo naman gumising? 5 am palang oh." Sabi niya sabay tingin sa relo niya.

"Good morning too, ewan ko nga rin eh" masayang bati ko.

"Naks! Ang ganda ng gising mo, huh." sabi niya.

"Ahm, ang ganda kasi noong panaginip ko."

"Ano bang panaginip mo?" tanong niya.

"Sasagutin ko 'yang tanong mo pagtapos ng show, may ipapahanap din ako sa'yo." sabi ko.

Matagal ko na kasing pinahahanap si Ping. Siya 'yung batang lalaki na tumulong sa'kin noong

kinidnap ako ni Yaya. Miss ko na 'yun, lagi kaming magkasama noon tapos lagi kaming

kumakain ng cookies and cream na ice cream.

"Sino ba ipapahanap mo?"

"Basta kumain ka na lang muna diyan, masarap 'yang niluto ko." sabi ko at nagpatuloy kumain.

"Pano ka natutong magluto?" tanong niya.

"Tinuruan ako ni Mom, hindi ko nasabi sa'yo na ang lolo ko ang nagturo sa'kin para matuto ng

martial arts. Siya rin ang nagturo sa'kin kung paano kontrolin ang galit." sabi ko.

"Ano nga palang nangyari sa Mom ni Selena at Merriel?" tanong niya.

I'm With The Five Badboys[Under Revision]Where stories live. Discover now