[HASM] Chapter 5

32 0 0
                                    

Nagising ako ng maaga para magsimba kami ni Seth.

Exited na akong malaman ang reaksyon ni Seth mamaya kung malaman niya ang namamagitan sa'min ni Miko. Kahit ako din nga hindi pa rin makapaniwala eh, siya pa kaya?

Saktong 6:30 am ngayon. Tapos na din akong maligo, magpagwapo, magpabango, mag-breakfast at mag-tooth brush. Kaya readying-ready na ako. May 30 min pa akong ride at 'yung iba allowance if traffic. Medyo malayo kasi 'yung simbahan mula dito sa bahay eh kaya tiis sa malayung biyahe pag-nagkataon.

Sa salas na ako ngayon at dadaan ako kina Mama at Papa para magpaalam. Teka nga pala ngayon ko lang sila nabanggit no? Parati din kasing busy ang parents ko katulad nang parents ni Miko. Ang pinagkaiba lang - boss na ang parents niya at 'yung parents ko employee lang. Oops! Don't get me wrong ha? Hindi ko talaga mean na 'lang' 'yung word na gagamitin ko ah. Nagkataon lang. :P nonsense -_-"

Sakto namang nakaupo silang dalawa sa sofa na magkaharap pero may lamesa sa gitna nila. At si Mama ay nagsusulat lang at si Papa naman ay nagbabasa ng dyaryo.

"Ma! Pa! Alis na muna ako para magsimba." sabi ko kina Mama at Papa na medyo malayo sa akin.

Pagkatapos kong magpaalam sa kanila ay nag- nod nalang si Mama at si Papa naman continue lang sa pagbabasa ng dyaryo.

Nakaka-frustrate ba? Pero OK lang sa akin na hindi masyadong pinapansin ng parents ko. Pero kahit gaano sila ka busy. As long as hindi nila ako pinapabayaan OK lang.

Paglabas ko ng bahay ay dali-dali kong binuksan ang gate para mas mabilis akong makakuha ng masasakyan papuntang simbahan. 'Yun ngalang paglabas ko ay may nakita akong isang kotseng nakaparada sa harap ng bahay namin. At sa na tatandaan ko ay kay Miko ang sasakyang 'yun. Teka nga, bakit siya andito sa harap ng bahay namin? Pinuntahan ko siya at itinanong nalang sa kanya ba't nandito siya.

"Miko, ano palang ginagawa mo dito?" tanong ko sa kanya pero nag-smile lang siya.

"Ano sa tingin mo?" Weh? Parang alam ko pakay niya ah.

"Isng tanong at isang deretsong sagot Miko. Ano ba ginagawa mo dito? At parang may pupuntahan ka?"

"Sakay na bilis." huh?

"Huh? Bakit naman?" sabi ko sa kanya kasi napaka unusual naman na pumunta siya sa bahay no.

"Basta sakay na." Sabi niya sakin na parang nagmamadali.

"Eh bakit ba? Pati ako kasama?"

"Hindi ba obvious. Sinusundo kita, kaya sakay na."

"Bakit nga. Saan punta natin?"

Pagkatapos kong magtanong ng magtanong tungkol kung saan kami papunta ay hindi niya parin ako sinasagot kaya OK sumama nalang ako sa kanya. Kainis naman eh. Langhiya tong si Miko.

"Miko magsisimba ako ngayong umaga kasama ko si Seth." Hindi na ako pinapansin ni Miko mula nung sumakay ako dito sa sasakyan niya. Tangina! " Hoy! Miko may appointment ako. Saan mo ba talaga ako dadalhin?"

"..............."

OK...???

Wala paring sinasagot sa akin si Miko hanggang ngayon kaya pinabayaan ko nalang siya sa pagmamaneho niya. Ayaw ko naman siyang kulitin kung ayaw niya no. Mga ilang oras na ang biyahe namin pero dito pa rin kami sa loob ng kanyag sasakyan.

"Miko?" Tanong ko na lang sa kanya. Ayaw ko ng mag-effort sa pagtatanong kasi hindi niya naman ako sasagutin eh.

"Bakit?" Ayun! At least sumagot kahit isang word lang diba?

"Saan tayo pupunta?" At 'yun! Hindi na naman ako sinagot kaya nagmasid na lang ako kung saan na kami patungo. At sa pagkakataong ito ay may hint na ako kung saan kami papunta ni Miko.

Huh! Anong Sinabi Mo? [taglish](Sehun & Luhan)Where stories live. Discover now