[HASM] CHAPTER 7

43 0 1
                                    

"Miko ba't ba nandito tayo?"

"Wala lang. Gusto kasi kitang i-libre ngayong araw."

So, ano plano ko? Nandito kasi kami ni Miko sa mall. Hindi ko pa alam kung ano ang i-lilibre niya sa akin kaya at loss ako.

"Ano bang gusto mong i-libre sa akin?"

"Kahit na anong gusto mo Ice."

"Uhm. Date ba ito Miko?"

"Maybe?" Sabi niya sa akin na nagpapaka-inosente.

"Maybe ka diyan. Nako Miko basted kana." hah hah! Actually joke lang talaga.

"Bakit naman?" Sabi naman niyang nagtataka pa kung bakit.

"Syempre naman. Mababasted ka talaga kasi pangit 'yung nagdi-date na naka uniform pang school. Parang hindi kasi attractive at memorable sa akin kung naka uniform."

"Ah... Ganun edi. Lunch lang muna tayo dito. Tapos uwi, then magsuot ka ng casual wear at susunduin nalang kita sa bahay niyo. OK ba 'yun?" Hindi ata ma gets ni Miko pag ganitong mga pagyayari dapat bibili kami ng damit na magkasama tapos dapat couple shirt siya(pero dahil walang couple shirt para sa amin kahit na pang twin shirts nalang. Cute kaya 'yun.) Tapos bibili din kami ng magkakulay na sapatos. Tapos dapat naka shorts lang kami. 'Yung mga ganun? SheneKidz naman eh. Walang taste of fashion? Joke!

"OK. Ikaw bahala Miko" Tehe! Pano kasi pangit kapag sasabihin ko sa kanya ang dapat niyang gawin eh no?

Pagkatapos naming mapagkasunduan na mag-lunch na muna ay dito niya ako dinala sa isang restaurant na mukhang pangmayaman lang ang makaka-afford at tsaka 'yung place sobrang linis ng pagkakagawa. Magaling siguro 'yung nagdisenyo nito? Maaliwalas kasi sa mata. Mararamdaman mo talaga na mamahalin dito.

"Miko, sigurado kang dito tayo?"

"Oo naman. Ako bahala sayo."

"Nako Miko. Mas OK pang sa mga may value meal nalang tayo kumain afford na afford pa. Students palang tayo no."

"OK lang yan." Parang sure na sure tong si Miko ah. Basta ako ayaw kong maghugas ng pinggan mamaya kung hindi niya kayang bayaran ang binili namin. "Waiter!" At lumapit na kaagad 'yung waiter.

"Give us your specialty for the lunch. Btw for two persons only." What! specialty agad? Malaki ba allowance ni Miko? "So, Ice kelan mo ako sasagutin?" Malapit na Miko. Hah hah!

Ganito kase ang nangyari. Naaalala niyo 'yung time na nag-confess si Miko sa akin? Hindi ko kasi tinanggap na maging kami na agad. Sinabi ko nalang sa kanya na makemefallinlovewith you. Tapos nun hindi naman siya kumontra at heto nga kami oh. Naka ilang date na muna nun.

"As for now Miko. I like you but it doesn't seem that I like you enough for me to say 'yes." Heh heh! Haba ng hair ko noh? Sa lahat ng effort ni Miko. hah hah!

"O-ok..." Tapos nun ay dumating na 'yung in order ni Miko.

Nanahimik bigla 'yung lugar. Phew! Sumobra ata ako sa pagti-trip kay Miko ah. Maybe I need to take a move ngayon.

"Miko" Hindi ko alam sasabihin ko sa kanya parang empty handed ako. "Uhm... Masarap ba 'yan?" Ugh! Baduy ng move ko. Dapat iba 'yung tanong ko eh.

"Oo. Masarap naman." Spell awkward.

M-I-K-O

Nakatungo lang siya para hindi ko mapapansin 'yung facial expressions niya. Sama naman.

Hays! Siguro mas OK na pabayaan ko na lang? Easy ako mag give up noh? Paiba-iba kasi 'yung mga suggestions sa utak ko. So pinipili ko nalang 'yung mas appropriate for the situation.

Ugh! Basta. Hindi ako gagawa ng move para ma-in love ako sa kanya. Diba sabi ko sa kanya makemefallinlovewith you? So ba't ba siya nag-eemote? Tama lang naman sinabi ko hindi ba? Oo, sabihin nalang nating medyo hindi siya OK pakinggan pero kung mag give up agad siya dahil dun edi hindi namin deserve ang isa't-isa.

Tina-try kong makipag eye to eye sa kanya pero hindi siya nakatingin sa'kin. NakonamanMikonagi-guiltyakoeh.

Matagal na mula nung hindi siya nagsasalita diyan. Pero hindi naman kumakain. Halata talagang na disappoint siya sa'kin. Pero kahit na alam ko kung ano ang gagawin. Hindi ko pa rin gagawin noh. Basta dapat muna siyang mag-effort.

Pero dahil na rin siguro sa kakaisip ko, hindi ko siya nahalatang tumingin sa akin.

"Ice 'wag nalang tayong umuwi. Tara bili nalang tayo ng damit?" Tapos ngumiti siya ng pilit.

Kahit na ngumiti si Miko parang ramdam ko ang sakit na nararamdaman niya. Pilit man niya itong ikubli alam ko nasasaktan siya ngayon. Pero ano ba magagawa ko? Eh, ako rin naman may gustong malaman kung gaano niya ako ka mahal eh.

Oo, sabihin nating walang kwenta ang ginawa ko ngayon pero sigurado ako na may maitutulong to para makilala ko talaga ang tunay na Miko.

Huh! Anong Sinabi Mo? [taglish](Sehun & Luhan)Where stories live. Discover now