Chapter 25- Stanger

648 66 10
                                    

CHAPTER 25

              Makalipas ang tatlong linggo...

    Minabuting maging tahimik ni Shaira, umiiwas siya sa gathering lalo na kung alam niyang kasama si Kean. Sa ngayon na naghahanap siya ng buyer para sa bahay at kotse ni Manuel.

    “Sigurado ka bang aalis sa bahay ko? May malilipatan ka na ba?” aniya ni Sam.

    “Oo, gusto ko na rin magsarili. Dalawang beses ko na kayong narinig ni Xyrus na nagse-sex. Medyo nakakahiya na rin at pati ‘yon naririnig ko.”

    Pasimpleng ngumiti si Sam at nangamot ng ulo.

    “Oo nga pala, saan mo naman dadalhin ang pera kapag na benta mo na ang gamit ni Manuel?”

    “Do-donate. Ayokong sundin ang sinabi ni Manuel na ibigay niya ito kay Mama. May sapat akong ipon para sa maintenance niya.”

    “Kung 'yan ang desisyon mo do’n na lang ako.  Pero Shaira, napansin ko rin na ilang linggo ka nang hindi sumasama sa amin. Lumalayo ka ba sa tuwing nand’yan si Kean?”

    “Hindi naman, marami ng ipapasang trabaho sa akin, gusto ko lang mag focus 

Patuloy lang niyang binibigyan ng distansya ang sarili  kay Kean. Guilty siya dahil sinisisi niya ang sarili kung bakit lumayo ang loob ni Katrina sa sariling Ina. 

"Shaira, you're not a home wrecker. Dibale ng probinsyana ka, huwag ka lang manira ng pamilya."

    Araw-araw sa tuwing magkakasalubong sila ni Kean, diretso ang mga mata ni Shaira at hindi binabati ang boss. Ngunit si Kean na hindi makuhang alisin ang mga mata kay Shaira. Mailap at kahit gusto niya itong lapitan si Shaira, natatakot siyang ma-reject.

    Nakatulala lamang si Shaira habang naghihintay ng masasakyan papunta sa tapsilogan. 

"Hop in."

Nagulat si Shaira dahil tumigil sa harapan niya ang sasakyan ni Kean.

“Bakit po?”

Hindi kumibo si Kean at bumusina ng dalawang beses. Napasakay ng wala sa oras si Shaira.

“I’m sorry. Nahihiya ako sa’yo dahil sa pagkukulang ko sa sarili kong pamilya. Nakita at narinig mo ang pangyayari. Hindi ko hahayaan na awayin o saktan ka ni Camille. I know her, ayokong madamay ka.”

"Sorry Sir, dumagdag pa po ako sa problema n’yo.”

“Hindi ka naman naging problema sa akin.  Thank you for making my daughter’s life colorful. Pagsusumikapan ko na maging ama at ina sa dalawa kong anak."

Sa tagal ng biyahe, ngayon lang napansin ni Shaira na ibang lugar ang kanilang tinatahak.

“Saan po tayo?”

“Chinese resto, ililibre kita,” aniya ni Kean at bahagyang ngumiti.

“Ha? Huwag na ako na lang.”

“Anong ikaw? Ako ang lalaki rito.”

Napanguso si Shaira dahil biglang nag-switch sa kasungitan ang boss.

“Sir, ang dami naman nito! Hindi ko mauubos ang pagkain ng isang oras lang ang breaktime.”

“I’m the boss. Hindi mo kailangan mag-worry. Besides, ayusin mo ang pagkain baka may sumabit na naman sa ngipin mo,” tinawanan lang ni Kean si Shaira.

“Kung alam mo lang na sobrang nakakahiya ang unang beses na pormal kitang kausap. Nakakahiya Kean ha!” bulalas ni Shaira. Nawala ang paggalang niya kaya mas lalong natuwa si Kean. Buong akala niyang hindi na sila mag uusap.

WHY DO BIRDS SUDDENLY APPEARHikayelerin yaşadığı yer. Şimdi keşfedin