Chapter 26- Undecided feelings

635 59 6
                                    

CHAPTER 26

"Then, why don't you court her?" saad ni Xyrus habang magkasama sila ni Kean sa isang sar sa Tagaytay. 

"I don't know. Natatakot din ako, lalo na't dalaga siya at nakakadiri na pumatol sa tulad ko." 

"Pare, si Sam tinanggap ako."

"Well, how about her parents? Dalaga ang anak nila, pagkatapos mapupunta sa tulad nating single dad? Kahit anak ko, hindi ko hahayaan mapunta sa bungi." 

"Hindi naman tayo bungi," pilosopong sagot ni Xyrus sa kanya, kumuha ng kapirasong taba ng baboy si Kean at  binato sa kaibigan. 

"Bro, ano bang pakiramdam mo kapag kasama mo siya at kapag hindi mo siya kasama?" 

"When I'm with her, masaya,” hinawakan ni Kean ang labi dahil sumagi sa isip niya ang nakaraan noong hinalikan niya si Shaira.

"Hinalikan mo na yata? Panay hawak ka sa labi mo ha?"

"No." 

"Ngayon ka lang yata bumagal sa babae? So paano kung hindi mo siya kasama?" 

"Nitong mga nakaraan na araw. Parang nahawa ako sa kalungkutan ni Katrina. Naaawa ako sa anak ko dahil gustong-gusto niyang makasama si Shaira, kaso hindi ko pinapayagan,” napasandal si Kean at kinuha ang cellphone, pinagmasdan niya ang pangalan ni Shaira sa contacts niya at nagdadalawang isip kung tatawagan niya ba ito. 

"I want to see you, but I'm afraid of rejection."

He still manage to drive home, pero hindi sa bahay niya. Kung hindi sa bahay ni Shaira. Inalam niya kay Xyrus kung saan matatagpuan ang bagong nirerentahan na apartment nito.  Sa bilis ng kanyang pagmamaneho, agad niyang narating ang apartment ni Shaira.  Ilang pagkalampag sa gate bago tuluyan lumabas si Shaira.

“Sino ba ito, at hating gabi na!” 

“Shai.”

“Sir!” bulalas niya dahil bigla siyang hinagkan ng boss.

“Go home with me.”

“Umuwi ka na, Kean.”

“Come with me, Katrina will be happy. I will be happy too.”

“Lasing ka na, alam mo bang napaka delikado ng ginagawa mo.”

“Uy, concern siya,” aniya ni Kean at sinubsob ang sarili kay Shaira. 

“Halika na nga!” 

Pinasok ni Shaira si Kean sa apartment niya at inupo niya ito sa kanyang kama.

“Kean!” tili niya nang hatakin siya nito. Nakahiga si Shaira sa katawan ni Kean habang mahigpit itong nakayakap sa kanya.

“Ganito ka ba malasing? Bitiwan mo ako, ang baho mo.”

“Pretty girl, I like you. Tell me you like me too,” pagkanta ni Kean habang hinihimas ang likuran niya.

Pilit siyang bumabangon ngunit inikot iya ni Kean at hinagkan kasama ang binti nito. Magkalapit at nadadarang si Shaira sa presensya ni Kean.

“Ang haba ng pilik mata, matangos ang ilong at  higit sa lahat, mukhang bombay. Gusto mo nga ba talaga ako?”

    Ang alam ni Shaira na tulog si Kean ngunit bigla itong humalik sa kanyang labi. Mas uminit at napakapit siya sa braso nito. Ang kamay ni Kean na dumapo sa binti niya paakyat sa kanyang beywang. Habang ang mga labi nitong bumaba upang halikan ang kanyang leeg. 

    “Ohh, K-Kean,” ungol niya.

    Ilang sandali at biglang bumagsak ang binata sa kanya. Tulog at naghilik ito bigla. Napabuntong hininga si Shaira at hindi makapaniwala sa ginagawa nilang dalawa.

WHY DO BIRDS SUDDENLY APPEARTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon