Chapter 43- Fight for love

614 68 9
                                    

CHAPTER 43

Tila nabura ang masayang ngiti sa labi ni Shaira nang marinig niyang kausap ni Kean si Camille. Haltang alalang-alala si Kean mula sa kabilang linya.

“Where are you going?”

“Camille’s house, she’s hurt.”

“Wow, edi puntahan mo! Doon ka na tumira!” hindi napigilan ni Shaira na tumaas ang boses dahil sa sobrang galit.

“Huwag ka naman magalit, concern lang ako sa nanay ng mga an---”

“Edi sana kung concern ka, hindi ka na sana nakipaghiwalay! Kean, tapos na kayo, private life na niya ‘yan kung masaktan siya o hindi! Bakit ba pilit mong pinapasok si Camille! Oo nanay siya nila Katrina, pero itong ganitong bagay please! Tumigil ka, kung ayaw mong ako ang umalis dito!”

“I’m sorry.”

“Hindi ka shoulder to cry on. Kung gusto mo ng ganoon, you are free. Hindi kita pipigilan at  ako ang  makipaghiwalay sa’yo!””

"Huwag mo akong sigawan Shaira." 

"Paanong hindi ako sisigaw?! Nakakainit ng ulo! Nakakainis! Sa tuwing masaya tayo bigla siyang sisingit, bigla siyang nagpapapansin sa'yo! Kung pwede lang hindi mo na siya kausapin!" 

"Hindi pwede 'yon, nanay pa rin siya ni Callix at Katrina."

"Iyon nga! Ina siya, pero hanggang doon na lang. Hindi mo na siya asawa! Ano pang silbi ng annulment niyo? Ano pang silbi ko? Diary mo tuwing nasasaktan? Parausan mo sa tuwing may pangangailangan ka?”

"Magtiwala ka sa akin, wala akong ginagawang masama."

"Gusto mong magkaanak tayo pero ngayon palang kalalaglagan na ako dahil sa stress sa'yo! Hindi ko naranasan 'to kay Manuel!" 

"Fuck! Huwag mo akong ikumpara sa kanya! Lahat ginagawa ko para a atin!”

“Bakit ako hindi ba?”

“Concern lang ako dahil kahit papano minahal ko siya.”

“Tapos na kayo! Tapos na dapat! Balikan mo na lang kung ayaw mong mag paawat!”

“Fuck it bakit hindi mo maintindihan?”

“Ikaw ang hindi nakakaintindi! Si Manuel patay na, wala kang kaagaw. Si Camille, buhay na buhay at pilit na minumulto ang relasyon natin! Ayoko nang makipagtalo!” sigaw ni Shaira at lumabas ng kwarto. Dumako siya sa garden at pilit hinahabol ang hinga.

Hindi niya napansin na nandito si Dorothea, kitang-kita niya kung gaano kasama ang loob ni Shaira.

“Kean anong nangyari? Bakit ganoon na lamang umiyak si Shaira?”

“Mom, concern lang ako kay Camille. Tumawag siya sa akin, because she’s hurt.”

“Eh paano kayo magtatagal ni Shaita kung ganyan kayo? You want to marry her pero pilit mong pinapasok ang nakaraan. Anak, tapos na kayo ni Camille, kung ano man ang problema niya labas ka na rito. Ina siya ni Katrina at Calix, but it doesn’t mean na pati pribado niyang buhay kailangan mo pa siyang saklolohan. Sino bang mas importante? Si Camille na nasaktan o si Shaira na sinaskatan mo?”

Walang pagdadalawang isip at lumabas si Shaira upang puntahan ang bahay ni Manuel. Nakita niya na napaka liwanag ng bahay. Maingay at may nagtatawanan na pamilya.

“Hindi ako nagkamali na ibenta ang bahay mo, Manuel. Tingnan mo at napakasaya ng mga nakatira. Ako kaya? Kailan sasaya ng tuloy-tuloy sa piling ni Kean?”

Halos matuliro si Kean sa kanyang ina dahil sa patuloy nitong pangungulit. Hindi niya mahanap si Shaira at kahit saan pang hideout nito, hindi niya matagpuan ang nobya. 

WHY DO BIRDS SUDDENLY APPEARWhere stories live. Discover now