Chapter 30- Bloody Heart

639 64 10
                                    

CHAPTER 30

Maraming bulong-bulungan lalo sa parte ni Shaira. Wala parin humpay sa pag iyak si Shaira habang  nasa loob ng kotse. 

"Ibaba mo ako sa Greenfield Block 2 Lot 2." 

Narating nila ang simpleng puting bahay at nagtataka si Kean kung bakit dito bumaba si Shaira. 

"Shaira? What's the meaning of this?" 

"Uuwi ako bakit?" 

"Then, why here?" 

"Dito ako bakit?" hindi makapaniwala si Kean dahil sa nalaman niya. 

"Do you know Manuel Roxas?" 

"Oo, siya ang boyfriend kong namatay."

"Si Manuel na naman pala."

"Anong problema mo kay Manuel?"

"Camille's ex boyfriend,” napanganga si Shaira sa kanyang nalaman.

“Manuel, bakit si Kean pa?” she whispered. 

"But I don't care kung naging boyfriend mo siya. Please umuwi ka sa bahay ko." 

"Kean mainit pa ang issue, lalong nagliliyab kung gagatungan pa nila." 

"Mahal mo ba ako?" 

"Mahal kita Ke--" 

"Bakit hindi mo kayang ipaglaban ang pagmamahal mo sa'kin? Nagsisimula pa lamang tayo pero bakit natatakot ka na. Bakit umaayaw ka na?” 

“Kean, hindi ako maruming babae. Kung ano-anong kinakalat ni Camille sa akin! Hindi ko naman siya malabanan dahil kasal pa kayo sa papel Kean! Mommy pa rin siya ni Katrina,” bumitaw si Shaira sa kamay niya at mabilis na pumasok ng gate. Nagulat siya nang marinig ang malakas na suntok ni Kean sa gate. 

"Hindi mo rin pala ko kayang mahalin at ipaglaban,” wika ni Kean bago tuluyang iwan si Shaira.

             Kinagabihan...

    Para bang caregiver si Xyrus dahil sa sobrang kalasingan ni Kean.

"Kean stop that shit! Palagi ka na lang naglalasing dahil sa babae." 

"Gago ganito ka rin naman." 

"Sabihin mo na pre, ano bang nangyari sa inyo ni Shaira? Ano ba naman kasi 'yang asawa mo. Siya 'tong niloko ka pagkatapos ang lakas ng loob na balik-balikan ka."

"Anong gagawin ko? Wala pa ngang kaming six months ni Shaira bumibitaw na siya."

"Bumibitaw na? Seryoso pre?"

Hindi nakasagot si Kean at sa kanyang pagtayo, bumagsak ito sa sobrang kalasingan. Hinatid ni Xyrus ang kaibigan sa bahay nito. Hindi niya halos akalain na sasalubungin sila ni Camille.

“Anong ginagawa mo rito?” aniya ni Xyrus.

“What happened to my husband?”

Umiling si Xyrus at hindi makapaniwala sa ugali ni Camille.

"Ano bang nangyari kay Kean? Lagi mo na lang ba siyang sinasama sa pag inom mo?" asik ni Camille.

"Lakas din ang loob mong saktan ang kaibigan ko pagkatapos babalikan mo?" 

Akmang dadapo ang kamay ni Camille sa mukha ni Xyrus pero  biglang inawat ni Kean. Namumungay ang mata nito at madiin ang pagkakahawak sa kamay ni Camille. 

"I'll go ahead bro." 

"Kean bitiwan mo ako!" galit na sinabi ni Camille pero halos ibalibag siya ni Kean sa Sofa at umibabaw kay Camille habang hawak ang magkabila niyang kamay. 

WHY DO BIRDS SUDDENLY APPEARTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon