V - Si Greta Mia

666 46 0
                                    

"Alam mo bang hindi pa ako kumakain ng tanghalian? Baka gusto mo akong sabayan? Halika, kumain tayo. Nagluto ako ng ginataang tulingan." Masayang aya ni Greta sa bata.

"Tulingan?! Woooow... Sarap naman po ng ulam ninyo." Nakangiting bulalas naman ni Merla.

Paborito nya kasi ang isdang iyon. At gustung-gusto nya na niluluto iyon sa gata. Lalo na yung nagmamantika pa.

"Alam kong paborito mo ito Merla..." Nakangiting bulong ni Greta.

Oo. Alam nyang paborito iyon ng kanyang panauhin.

At kahit hindi nya tanungin, alam din nya ang pangalan nito--- Yun nga, Merla nga.

At kung paano nya iyon nalaman?

.

.

.

Dahil iyon sa angking galing nya.

Kaya nya kasing bumasa ng isip ng tao...

Kaya din nyang malaman kung anong buhay meron ito...

At higit sa lahat---

Kaya nyang tukuyin ang magiging kapalaran ng kahit na sino...

Kahit pa ang kanyang panauhin ngayon...

"Po?! Anu po?" Tanong naman ng bata.

"Ang ibig kong sabihin, paborito ko ito. Ikaw ba?" Bawi nya.

"Ay opo. Aling?" Biting sambit ni Merla.

"Greta. Greta Mia." Nakangiting sagot nya.

"Ang ganda po ng pangalan nyo Nanay Greta. Bagay na bagay po sa inyo." Nakangiting sabi nito sa kanya.

"Ikaw din. Maganda din ang pangalan mo anak." Nakangiting bawi nya sa magandang papuri nito.

"Po?!" Muling sambit ng bata.

Napakunot-noo na naman ito.

"Ang sabi ko bagay na bagay din sa'yo ang pangalan mo. (Pause) Eh ano nga bang pangalan mo ha anak? Pwede ko bang malaman?" Tanong nya.

"Opo. Merla po." Sagot nito.

"O diba? Sabi ko sa'yo eh bagay na bagay sa'yo ang pangalan mo. (Pause) Alam mo ba ang ibig sabihin non?" Tanong nya.

"Ng alin po? Nung pangalan ko? (Pause) Eh ano po ba? Hindi ko rin po kasi alam eh. Basta yun po yung ipinangalan sa akin ni inang. Hindi naman po nya nabanggit kung saan nya iyon nakuha. Hehehe..." Nakangiti at sunud-sunod na pagsasalita nito sabay tawa habang kumakamot pa sa ulo.

Lalo tuloy syang naaliw dito.

"Ang Merla ay nangangahulugan ng nagniningning na karagatan. Parang ikaw--- Mabait kang bata kahit may pagka-mausisa ka. Hehehe... (Pause) Pero totoo Merla--- Nagniningning ang puso mo sa kabusilakan. Ipagpatuloy mu lang yan." Sabi nya.

"Wow. Salamat po Nanay Greta." Sabi nito sa kanya.

"Ano? Sasabayan mo ba akong kumain?" Nakangiting tanong nya dito.

Alam nyang oo ang isasagot nito sa kanya.

Hindi dahil sa paborito nito ang ulam na nakahain sa kanyang maliit na hapag-kainan, kundi gutom talaga ito.

Dinig na dinig pa nga nya ang pagkulo ng tiyan nito.

Sabagay ala una na kasi ng hapon. Lagpas tanghalian na.

Kung dumerecho sana ito ng uwi ng bahay, malamang nakakain na ito.

Kaya lang ay gumala naman ito at dinayo pa talaga sya.

ESMERALDA Book 4Where stories live. Discover now