IX - Si Mikay

595 47 1
                                    

Makalipas ang ilang minuto...

"A-anong---" Biting sambit ni Kristine nung sya ay balikan ng malay.

Kunot ang noong napatingin sya sa kanyang ina.

"N-nasaan po tayo?!" Tanong nya dito.

Pagkatapos non ay lumibot na ang paningin nya.

Hindi pamilyar ang bahay na iyon sa kanya.

Pati yung tatlong tao sa paligid nya ay hindi rin nya kakilala.

"Anak... Ang anak kooo... Huhuhuu..." Umiiyak na sambit naman ni Mila.

Hindi sya makapaniwalang sila ang pinili ng anak.

Ayun, ang higpit ng yakap nya dito na para bang ang tagal nya itong hindi nakita at nakasama.

Sabagay ilang araw din naman itong naging tulala at hindi makausap ng matino. So parang nawala nga rin ito sa kanila.

"Baket?! Ano po bang nangyayare?! Nasaaan po ba tayo?! At bakit tayo nandito?! Ha nay, tay?" Sunud-sunod na tanong ni Kristine sa ama't ina.

"Ate salamat naman at bumalik ka na. Mabuti at nakapag-isip isip ka ng tama. Mabuti hindi ka sumama sa engkantong iyon." Sabat nung atribida.

Napatingin tuloy si Kristine sa bata.

"Sino ka? At anong engkanto ang pinagsasasabi mu dyan?" Tanong nya dito.

"Ako po si Merla." Nakangiting sagot ng bata.

"Ako naman si Greta Mia. At ang engkantong sinasabi nya ay walang iba kundi si Arion." Sabi naman ni Greta.

"Arion?!" Kunot-noong sambit nya.

At kung bakit ganon ang naging reaksyon nya?

Tuluyan na kasing nabura ang ala-ala nya mula nung mawalan ng bisa ang mahika ni Arion sa kanya.

At upang sya ay maliwanagan, agad ginagap ni Greta ang kamay nya, ang dalawang palad nya.

"Tumingin ka sa akin." Sabi nito sa kanya.

Pagkatapos non ay para na syang nahi-hypnotize.

Lumamlam ang mga mata nya habang nakatingin sya sa babaeng hindi nya kakilala.

Maya-maya ay napapikit na sya.

At sa pagpikit nyang iyon, muling bumalik sa alaala nya ang mga nangyare---

Mula nung unang araw na makilala nya si Arion...

Ang pagtakas nya at ang pagpunta sa ilog ng mag-isa...

Ang ilang beses na pakikipagtagpo sa lalaki ng lingid sa iba...

Ang paghahanap sa kanya ng mga magulang...

Nung dapit-hapong matagpuan sya sa ilog na mag-isang nakaupo sa ilalim ng malaking puno...

Kitang-kita nya ang pagiging tulala nya...

Ang pagiging tahimik nya...

Kitang-kita din nya kung paanong nag-alala ng husto ang kanyang ama't ina sa kalagayan nyang iyon...

Hanggang sa dalhin na nga sya ng mga ito sa kabilang ibayo upang ipagamot...

At ang huling pagkikita nila ni Arion---

Dun sya nahindik...

Dun nya nalaman ang tunay nitong katauhan...

Ang totoo nitong kaanyuan...

Hindi pala ito tao kundi isa palang engkanto---

Engkantong nagpanggap lamang na tao...

Engkantong ginamitan sya ng mahika...

ESMERALDA Book 4Where stories live. Discover now