Kabanata 04

4.3K 219 10
                                    

Jack Daryl

"Harry!"

Pilit niyang inaalis ang braso niya sa akin.

Ikaw ang nagsimula, 'di ba? Panindigan mo 'ko- Panindigan mo ang ginawa mo.

"What the hell are you doing? Let me go!" bulong niya sa akin at nagpupumilit pa rin na kumawala.

Siya 'tong nauna, e. Pero bakit parang gusto ko- Ha! No way.

"Jack, bakit...?" Agad na nagtaka si Harry sa eksenang nadatnan.

"So, Harry is your name pala," nanggagalaiting sabi ni Jade at mas nagpumilit na makaalis sa akin.

What's happening? Did I miss something?

"You freakin' asshole! Why did you-" Gustong-gusto na niyang sugurin si Harry. Pinipigilan ko lang siya dahil mukhang kaya niyang manapak, e.

"Let me g-"

Nabibingi na 'ko sa kakasigaw niya kaya nagsalita na ako agad.

"Pakilinis para makapasok na kami," utos ko kay Harry na hanggang ngayon ay nagtataka pa rin sa nakikita niya.

Lumapit naman si Michael para tulungan siya. Nakita ko ang pasimpleng irap niya kay Jade na hindi naman napansin ng isa.

"Akala ko ba ako ang gusto mo...?"

Huh? Ako? May gusto sa kaniya?! Ibang level na naman ata ang pagiging assuming niya!

"What? Ako? Gusto ka?!" gulat na tanong ko. Nagtunog defensive pa!

"Na maglinis kasi! Patapusin mo muna kasi ako!"

I looked away after that. Malay ko ba na hindi pa pala tapos 'yung sinasabi niya?

Pakiramdam ko ay napahiya ako kahit hindi wala namang nakakahiya.

"N-nagbago na ang isip ko, e," 'Yon na lang nasabi ko.

"Meron ka no'n?" inosenteng tanong niya.

Napaismid naman ako dahil doon.

"Meron," maikling sagot ko. "Let's go."

Meron ako naman no'n, hindi lang halata.

"Ayoko nga! Alisin mo na 'yang braso mo!"

Nagpupumiglas na siya kaya ginawa ko na lang ang gusto niya. Ang likot kasi!

Tiningnan niya ang braso niya pagkatapos ko siyang bitawan. Nakita kong pulang-pula na iyon. Sa higpit ba naman ng hawak ni Andrei, e. Tapos hinawakan ko pa rin.

Nanatili siyang nakatingin doon na parang may malalim na iniisip.

Hinawakan ko ang kamay niya at hindi pa rin siya gumalaw kaya ako na ang nag-adjust. Ako na ang humila sa kaniya.

Nalaman niya lang na nasa loob na kami noong narinig niya ang ingay nina Austin.

Ano ba kasing iniisip niya? Sobrang lalim naman ata?

Bumaba ang tingin niya sa kamay kong nakahawak sa kamay niya.

"Do you like me this close?" panggagaya ko sa sinabi niya kanina.

Pagkatapos kong sabihin 'yon ay bigla na niyang hinila ang kamay niya at dumiretso na sa upuan niya pero syempre... inirapan niya muna ako.

Hindi ba mabubuo ang araw niya nang hindi siya umiirap?

The Only GirlWhere stories live. Discover now